LP #18: Dalampasigan

July 30, 2008 by admin  
Filed under LP entries

MAHALAGANG ANUNSIYO:

1. Ang susunod pong nating tema ‘AKO (ako o parte ko) ay inyo pong matutunghayan sa Agosto 5 (Martes) imbes na sa Agosto 7. Ang dahilan po ay sa pagitan ng Agosto 6 at 7, ang inyo pong lingkod ay kasalukuyang nasa himpapawid pauwi ng Pilipinas.

2. Sa mga susunod ng linggo ang Litratong Pinoy ay magkakaroon ng mga panauhing litratista , mga naimbitahang miembro ng L.P. Sila po ang inyong matutunghayan dito kaya sana po’y atin silang bigyan ng suporta.

3. Sa mga sasama po sa ating EB sa Agosto 9, 2008 – maari po lamang na ipadala sa ating email: admin@litratongpinoy.com ang inyong mga mobile phone number. Salamat!

————————————————————-

English-tagalog online dictionary: beach aplaya, baybayin, dalampasigan, tabing-dagat.

Ang mga sumusunod na larawan ay kuha sa isang dalampasigan sa bansang Thailand. Sa ilang taon kong paninirahan sa bansang ito, dito ako malimit magpalipas ng mga umaga at hapon. Paminsan-minsan kapag mababa ang tubig (low tide) ay lumilitaw ang naglalakihang bato sa gitna at dito ay sumasama ako sa ilang kaibigan na manguha ng mga tahong (mussels) sa mga bato.

Ang dalampasigang ito ay mayaman din sa talangka, pusit at sari-saring uri ng tulya. Ilubog mo lamang ang kamay mo sa buhangin at tiyak iaahon mo itong may kalakip na tulya!

sa bandang hapon ay makikita rin dito ang mga kabataan (at hindi na bata) na naglalaro ng beach volleyball. Kung napansin ninyo ay tahimik ang paligid, itoý dahil sa maaga pa ng kunan ko ito ng larawan.

At sa gabi naman ay ito ang dinadalaw ng mga tao, mga nakahilerang restaurants sa dalampasigan na sadyang kay sasarap ng pagkain!

MAGANDANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!!