LP 89: Magustuhan o Maibigan
January 21, 2010 by R
Filed under General, LP entries

Garuda holding a naga. Around the base of the ubosoth of the Temple of the Emerald Buddha.
Isa sa mga bansang nais kong puntahan ay ang Thailand. Kaya isang malaking kagalakan para sa akin na sa wakas ay nakapunta na ako dito noong isang linggo.
Maigsi lamang ang aming pagtigil dito, wala pa halos 48 oras ngunit tunay kong nagustuhan ang bansang ito. Marami akong pinlanong gawin ngunit ilan lamang ang natupad. Ngnuit masasabi ko na lubos naming nasulit ang pagtigil namin dito. Hindi ako nanghihinayang sa mga hindi ko nagawa dahil ito ay nagsisilbing dahilan upang ako ay bumalik at ang ideya na ito ay lubos kong naiibigan.
Maligayang Huwebes mga ka-LP!

