LP 23: Tanso
September 4, 2008 by panauhing_litratista
Filed under LP entries

Ang sabi nga ni Wiki, Copper (pronounced /ˈkɒpɚ/) is a chemical element with the symbol Cu (Latin: cuprum) and atomic number 29.
Kalimitan nating makikita ang tanso sa ating mga kable sa bahay, sapagkat ito’y magandang daluyan ng electricity. At alam nyo ba na ang ating mga coins ay kalimitang gaw rin sa tanso? Di man purong tanso, pero lahat ng philippine coins ay may halong tanso.
Paano ko ginawa ang larawan: Ako po ay nagprint sa isang bond paper ng front page ng wiki tungkol sa copper at sya pong ginawa kong background. Binalatan ko ang isang pares ng kable dito sa opisina para ma expose yung tanso nyang metal. Naglagay din po ako ng barya sa bandang kanan, nung sa tingin ko ay ok na ang aking komposisyon, kinuha ko ang aking camera at kinunan na siya ng litrato.
Ako po si Lino, ang panauhing litratista para sa huwebes na ito, na may temang “tanso”… Maligayang Huwebes mga kasama.

