LP 91: Akin (mine)
February 4, 2010 by T
Filed under General, LP entries
Apaw ang tuwa sa aking puso, nang makamtam ko ang pag-ibig mo.
Laking pasasalamat nang ako’ y pakasalan mo.
Ako’y nagingĀ iyo. Ika’ y naging akin.
Noon, ngayon, at naway hanggang buhay ay bawiin.
Hay, ang sweet naman nila ano?! Mayroon pa kayang magsing-irog na nagbubulungan ng mga ganyang kataga sa panahong ito?
Mayroon pa naman siguro. Lalo na yung mga pagsasamang umaabot ng 50 taon o higit pa. Tunay na nakakabilib!
Maligayang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat!!
PS. basta yung inuupuan nila ay AKIN….sahog yata yan sa ulam ko!


