Framing Tips
June 28, 2010 by T
Filed under General, Photo Tips
Ms. Eye Santos of http://eyefocus.wordpress.com shares her tips with you.
Framing Tips: Part 1
Tuwing tayo ay magbabakasyon sa iba’t ibang lugar, natural lamang na kuhanan ng litrato ang mga nakabibighaning tanawin o landscape. Heto ang ilan sa mga tips kung paano dadagdagan ng sigla ang ating mga kuha, sa pamamagitan ng tinatawag nating “framing”. Mas nakakatulong ito lalo na’t kung maulap ang panahon at walang magbibigay ng asul na kulay sa larawan.
Sa larawang ito ay may 2 gusali na mataas at malayo. Sa una ay may arko at sa pangalawa naman ay may mga halaman, parehong mas malapit sa kinatatayuan ko. Ginamit ko ang arko at halaman para mabuo ang frame ng larawan.
Dito naman sa susunod na halimbawa ay gumamit tayo ng sanga ng puno at ng bubong ng bahay kubo upang kumpletuhin ang framing ng ating kuha.
Maraming bagay ang pwede nating gamiting pang-frame tulad ng mga grupo ng tao o mga magkakadikit na bagay. Kailangan lang natin maglakad-lakad, o baguhin at anggulo (perspective) ng pagsilip sa camera. Minsan nakakatulong din na umupo, humiga, tumingkayad, o tumagilid para may matuklasan na kakaibang paraan para i-frame ang ating shots. Karagdagang ehersisyo na rin ang pag-iikot ikot habang naghahanap ng magandang pwesto
Who: Si Eye ay isang amateur/enthusiast na nahilig sa (landscape)
photography kasabay ng pagkaadik nya sa paglalakbay at pag-akyat ng
bundok.
What: Nikon D70, 18-70mm, 50mm, SB-600.
When: Taong 2004 nang bumili si Eye ng second-hand na Nikon F60 (at mga lenteng 28-80mm at 18-200mm). Taong 2005 naman nang nakaipon para mag-upgrade sa DSLR.
Website: http://eyefocus.wordpress.com



