LP 72: Hapunan
August 27, 2009 by panauhing_litratista
Filed under Guest Photographers, LP entries
Huwebes na naman muli mga kasama! Isang Huwebes na punong-puno ng nakakagutom na mga litrato mula sa ating panauhing litratista na si ISKA! Katulad ko ay tiyak na maghahanap kayo ng makakain sa kusina matapos matunghayan ang kanyang inihain para sa Litratong Pinoy. Umpisahan na natin!
——————————————————
Ano ang pagkakahawig ng mga larawang sumusunod bukod sa sila ay puro pancit?
Tama kayo. Halos iisa ang kanilang mga sangkap. Ang carrots, green beans, capsicum, spring onion at itlog ay halos hindi nawawala sa aking lingguhang bilihin. Bakit kamo? Masyado silang versatile. Common sti-fry ingredients sila na masarap isahog sa chicken, pork o beef, isama sa fried rice o kaya ay steamed lamang na side dish sa steak. Para sa isang working mom na tulad ko na pagkasundo sa anak mula sa after-school care ay diretso sa bahay at kailangan nang maghanda ng hapunan, kailangan kong makaluto ng mabilis ngunit masarap at masustansyang pagkain bago dumating ang alas-syete ng gabi.
Iisa man halos ang pangunahing sangkap ng mga pancit sa taas, iba ang lasa ng bawat isa. Yan naman ay dahil sa spices na halo ng mga ito. Isa-isahin natin ang mga larawan. Ang Singapore Mee Hoon Goreng o fried rice vermicelli ay naiiba dahil sa curry powder at kaunting asukal. Masarap din ito kung may halong toge. Ang pangalawang litrato ay stir-fry na gulay at, kasama ng pritong itlog, ginawang toppings sa blanched Phở o flat, white rice noodles. Ang Hokkien-style mee naman ay walang pinag-iba sa ating tipikal na pancit canton o bihon na may dark soy sauce; matatabang fresh at dilaw na egg noodles lang ang aking ginamit. Ang Vietnamese vermicelli, huling litrato, ay ginisahan ng lemon grass, mayroong kaunting asukal, pinigaan ng lemon juice at pinatisan. Hayaan nyo, iisa-isahin kong i-post sa aking blog ang mga recipe nila.
O tara na at maghapunan!






