LP#15 Balingkinitan
July 9, 2008 by admin
Filed under LP entries
Ito po ay si Stella, ang aking napiling modelo para sa temang ‘Balingkinitan’. Regalo po ito sa akin ng aking kaibigan na nag-ngangalang Stella at imbes na Merva (ang pangalan ng manyikang ito ayon sa kanyang sisidlan) ay isinunod ko sa pangalan ng nagbigay sa akin. Mas bagay naman ang Stella sa kanya, di ba?
Ah, balingkinitang katawan – ang unang-unang nagbabago sa katawan ng isang babae matapos niyang magbigay-silang sa kanyang mga supling. Lumang mga larawan, madalas pagmasdan. Sabay buntong hininga at bulong sa sarili na:
‘ hu hu hu …ang sexy ko nuon, paano ko kaya ito maibabalik?‘

Paano nga ba? Tigilan ubusin ang mga tira sa pinggan ng mga anak? Ehersisyo? Dieta?
Bakit nga ba na sa kabila ng dami ng problema, ang babae ay lalong lumulusog? ‘Kainis ka Stella!
Huwebes na naman! Umpisahan na ninyong ipakita ang inyong balingkinitang mga akda!!


