Mar 222012
 

Aha! Gusto ko itong pagsubok natin sa Huwebes na ito. ‘MAHIRAP HANAPIN’

Tanong: Nakikita nyo ba yung babae sa larawan? Nandyan lang sya, maniwala kayo sa akin. Kung nahihirapan ka’ng makita, baka kailangan mo na i-click ang larawan para medyo lumaki ito?! Huwag nyo na pansinin yung lente, yung babae na lang.

O, ayan…nai click mo na! E di nakikita mo na ang babae sa larawan? Ang cute nya ano? :)

Magandang Araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat! Huwag po ninyong kalilimutan, bakasyon po tayo sa susunod na 2 Huwebes upang magbigay daan sa darating na Mahal na Araw.

May 262011
 

Isang araw, malapit ng mag-takip-silim nang magkayayaan kami ng aking mister na dalhin ang aming aso sa liwasang malapit lamang sa aming bahay. Maaliwalas, malinis, maluwag at mapayapa sa liwasan o parkeng ito kaya naman talagang masarap ‘magpahangin’ dito o maglakad-lakad.

Laking tuwa ko ng  siya ay nakita ko sa isang tahimik na parte ng liwasan. Malimit ko din makita ang babaeng ito hindi lamang sa lugar na ito kundi madalas din siyang maglalagi sa ‘shopping mall’ na malapit din sa aming bahay. Doon ay kumukuha sya ng mga kliyente na nagnanais na maipinta ang kanilang mga mukha sa kanyang canvas, syempre ay may bayad.

Maaring ang kanyang ipinipinta ng hapong iyon ay kanya ding ibebenta. Bakit hindi, di ba? Kung makakatulong sa kanya ang  kinikita para masustentuhan ang kanyang hilig sa pagpipinta.

Mula sa malayo ko lamang siya kinuhanan ng litrato, syempre ay nagpaalam muna ako sa kanya kung maari ko itong gawin. Ayoko syang maistorbo sa kanyang konsentrasyon. Ang ganda ng kanyang ‘studio’ ano? :)

Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!

Mar 032011
 

Ang nakikita po ninyong larawan ay walang editing na ginawa kundi niliitan lamang at nilagyan ng frame.

Ito ang bughaw na kagandahang naidudulot sa kapaligiran kapag ‘tuyo’ ang snow sa lupa, maganda ang sinag ng araw, maaliwalas at talagang asul ang kalangitan. Mula sa mapusyaw na pagkabughaw ay makikita mo ang iba pa niyang gradation or layers ng pagka asul. Ang kasama ng mga unang nabanggit ay ang snow din sa lupa na tumutulong magbigay ng tingkad sa kulay bughaw sa paligid. Sa mga hindi pa po nakaka experience ng snow, totoo po…hindi lamang ang mata ng camera ang nakakakita ng iba’t ibang layers ng pagka bughaw na ito kundi maging ang ating mismong mga mata o naked eyes ay nakakasaksi sa gandang dulot nito.

Brrrr ang lamig! Cold Blue :)

Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!

Mar 092010
 

Disyembre 2009 ng magpunta kaming mag-asawa sa Roma. Syempre pa ginusto kong sumali sa ating proyektong ‘L.P. goes to’  ang kaso nga lang, winter at hindi ko kakayanin na nakasuot lang ng t-shirt para sa piktoryal :P solusyon: yung hawak ni Aurelius habang ang kanyang katabing si Julius ay nagbibigay pugay sa Litratong Pinoy at itinaas pa ang kanyang sandata, ha ha!

Ang pangalawang litrato naman ay kuha sa loob ng Colosseo, hawak ni Misterkus naman :P

O di ba, nakakatuwa silang 2? Ideya ito ni Misterkus na sa kanilang 2 ipahawak keysa sya ang kuhanan ko ng litrato..camera shy si Misterkus eh.

Iiwan ko  na lang sa inyo ang link na ito ng wikipedia kung nais ninyong malaman ang ukol sa Colosseo di Roma. Kung nais naman ninyong makita ang ibang bahagi pa ng colosseo ay magpunta lamang sa aking blog, nasa ilalim po sila ng kategoryang: travel.