LP 82: Hudyat

December 3, 2009 by  
Filed under General, LP entries

Kamusta na kayo?! Na-miss namin kayo…na-miss nyo rin ba ang L.P.? ;)

Bago tayo magsimula ay pag-usapan muna natin ang konting pagbabago sa LP. kahit saglit lang. Alam nyo na bang lahat na hindi lang sa mga blogs natin pwede gumawa ng akda para sa LP kung hindi ay pwedeng-pwede na rin sa inyong Facebook Wall at Flickr Page! Mayroon pong mga interesadong sumali sa L.P. (naibulong po sa amin) pero wala silang blogs kundi facebook at flickr lang. Kaya ngayon, mas madali na ang sumali at makisaya sa ating grupo tuwing Huwebes! Alam nyo din ba na wala na tayong blogroll? Hindi nyo pa alam? Naku i-click nyo lang ang mga ‘pages’ para sa karagdagang impormasyon.
Eto pa ang isang ‘exciting’ na balita. Alam nyo ba’ng malapit nyo nang matunghayan ang PHOTONUTS sa LP? ‘Ano yung PHOTONUTS?’ Sekreto muna ha! ha! ha! Sya nga po pala, ang mga bagong balita ay matutunghayan ninyo sa ating sidebar, huwag nyo pong kalilimutan.

‘Yan lang po muna kaya naman…..umpisahan na natin!

HUDYAT o sinyal, alarma, tanda, babala, senyas. Ang salitang ito ay ginagamit depende sa uri ng pagkakataon. Gagamitin ko po ito bilang alarma.

Tayo na may mga maagang trabaho o kahit na sa gabi pa ito,  ay kinakailangan natin ang tulong upang tayo ay magising ng tama sa oras. Syempre naman ito ay sa kadahilanang ayaw nating mahuli sa ating patutunguan. Gamit din ito ng mga estudyante para hindi mahuli sa eskuela. Alarma sa orasan o celphone, tiyak magigising pati ang kasambahay sa handog na hudyat nito!

alarm

teka….paano naman yung parang mantika matulog? May silbi kaya sa kanila ang hudyat na ito?

Magandang araw ng Huwebes ng L.P. sa inyong lahat! It’s great to be back! :D

« Previous PageNext Page »