LP 87: Makapal (thick)
January 7, 2010 by T
Filed under General, LP entries
Manigong Bagong taon muli sa inyong lahat! Unang Huwebes sa taong 2010 kaya’t excited kaming makasama kayong lahat. Excited na makita ang mga litratong pinagbubuhusan ninyo ng oras at pansin upang isali sa ating lingguhang pagsubok! Kaya tara na, umpisahan na natin!
Makapal o ‘thick’ sa Inglis.
Dahilan na walang ‘winter’ sa atin sa Pilipinas, maraming kababayan ang nagnanais na makaranas nito. “Sana naman makakita o mahawakan ko man lang ang snow, masaya na ako” hiling ng iba.
Totoo, magandang makita na maputi ang paligid kapag nababalot nito. Masayang gumawa ng ‘snowman’, mag ice skate sa mga tumigas na tubig sa sapa, o makipag batuhan ng snowball! Pero may hatid din na hindi maganda kapag sobrang kapal ng snow ang nahuhulog mula sa kalangitan.
Maraming aksidente ang nangyayari sa labas dulot nito. Mahirap para sa mga sasakyan: kotse, tren o eroplano ang bumiyahe.
Pero walang magagawa. Hindi natin mapipigil ang kalikasan sa kanyang gustong ibigay sa atin.
Manatiling positibo kahit nanginginig sa kapal ng niyebe, ayos lang. I-enjoy na lang ika nga, tutal matatapos din ang panahon ng tag-lamig!
Happy LP po sa inyong lahat!



