Article

Pagbati atbp.

Written by admin from http://litratongpinoy.com on March 31st, 2008 | 18 Comments

Nais po bumati ng L.P. sa ating mga miembro na nagdiriwang ng kaarawan sa araw na ito:
Sreisaat at Incoherent , Maligayang Kaarawan sa inyo! Nawa’y maging masaya ang araw na ito at syempre sana marami rin kayong matanggap na regalo. :wink:

 

 

**************************************************************************

Sa mga nagtatanong po na baguhan sa ganitong uri ng lingguhang palaro, naririto po ang dapat gawin:

  • Gumawa ng akda (entry) sa inyong blog , na naaayon sa ating tema para sa Huwebes na ito.
  • Dumalaw dito, mag-iwan ng komento at iwan ang link ng inyong entry.
  • Dumalaw at mag-iwan ng komento sa mga entry ng mga miembro.
  • Maaari pong maglagay ng L.P. link button sa simula o ilalim ng inyong lingguhang entry. Ito po ay isa pang paraan upang makapag imbita tayo ng iba pang nahihilig sa pagkuha ng litrato.

18 Responses to “Pagbati atbp.”

  1. incoherent

    Maraming salamat sa pagbati, Binibini! ;-)

  2. admin

    Ay hi hi hi, kinilig tuloy ako at natawag na ‘binibini’ *wink*

    Next year, kailangan magpa-party ka for L.P. ha? ha ha!

  3. incoherent

    Oo ba! Basta ba nasa iisang kontinente tayo eh! (teka, masyado atang malawak pag kontinente ang ginamit ko… o sinadya ko talagang sabihin yan?) ;-)

  4. ris

    ikaw pala ay binibini, admin. :) maligayang bati kay sreisaat at incoherent!
    sana thursday na, para makapag-post na ng larawan! hehe.

    ris’s last blog post..Ms Popular

  5. ris

    naisip ko din pala, na isang maganda sanang paksa para sa Mayo Uno ay tungkol sa ‘labor’ o pagtatrabaho. parang akmang akma kasi sa araw na iyon. :) naisip ko lang naman.

    ris’s last blog post..Ms Popular

  6. admin

    Hi RIS: ha ha, maya-maya lang Huwebes na ;)

    maganda panukala mo! ireserba natin para sa susunod, hindi lang maari pang baguhin ang mga tema na nakatala na. pangako gagawin natin yan. :)

  7. Meeya

    maligayang kaarawan sreisaat at incoherent :) nawa’y mabiyayaan pa kayo ng sandamakmak na kaligayahan at pagpapala :) ingat lagi! :)

    Meeya’s last blog post..WS05: Mess Stress

  8. she

    Maligayang kaarawan sa inyong dalawa! :)

    she’s last blog post..The High School Meme

  9. nona

    Maligayang kaarawan sa may mga kaarawan hehe, Sreisaat at Incoherent nawa’y sumainyo ang lahat ng magagandang biyaya..teka hindi pala lahat…baka maubusan kami. Ingat po sa lahat!

  10. incoherent

    Maraming salamat sa lahat ng bumati! Ako’y lubos na nagagalak sa inyong malugod na pagbati. :-) Nawa’y pagpalain kayo at ang inyong mga pamilya. :-)

    OT: Sa totoo lang, ako’y kinakabahan sa nalalapit na LP sa Huwebes. Hindi ako maalam mag-kokodak. *aaaaah, nasisiraan na ako ng ulo kakaisip*

  11. ris

    incoherent, wag kang mag-alala. hindi naman tayo lahat professional na photographer. :) Isipin mo kasiyahan mo ito at walang magsasabing hindi ka dapat kumuha ng litrato. diba? :)

    ris’s last blog post..Add to my cart!

  12. star

    maligayang kaarawan sa inyo :)

  13. Studio Juan

    Maligayang kaarawan po sa inyo, Sreisaat at Incoherent! Kahit na nahuli ako ng isang araw sa pagbati. hehehe (–,)

  14. Kotsengkuba

    ako ay lubhang nalulugod sa limpak-limpak na bilang ng mga nagsidalo na sa lingguhang palahok na ito. talaga namang siksik, liglig at umaapaw ;-) sa sobrang kagalakan at nakumpleto ko na ata pati ang mga paksa para sa susunod na buwan. peteks na ko sa mga darating na araw ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Cha Bu Dou Le!

  15. incoherent

    maraming salamat ulit sa mga bagong bumati! (patungkol kay ris, start, at studio juan)

    @ris - wala rin naman talaga akong hilig sa potograpiya. sumali ako dito para tumesting atsaka para makilala din ang ibang pinoy bloggers. tama ka, wala namang nagsasabihing di ako pwedeng kumuha ng litrato… kaya pwes!! ha ha ha!

    @kotsengkuba - huwaw. ang sipag mo naman. ha ha ha!

  16. ZJ

    Maraming, maraming salamat, LP at sa lahat ng bumati. Humihingi po ako ng dispensa dahil ngayon lang ako nakabisita dito. Meron lang akong importanteng inasikaso.

  17. teys

    mga kapatid,

    ako rin po ay isa sa mga baguhang nais sumali sa inyo subalit nang aking kopyahin ang inyong link button, akin pong napansin at nais ko rin pong ipagbigay-alam na rin para maiwasto ang pagkakamali po sa pagtatalastas ng salitang “litrato” sapagkat ang nakalagay po sa inyong larawan ay “Liltratong Pinoy”. Gayunpaman, hindi po ito magiging hadlang sa kagustuhan ko ding matuto ng tamang paglilitrato at pagpapraktis ng wikang Pilipino. Yun lamang po at nababaluktot na ang dila ko. Maraming salamat. :)

    teys

    teys’s last blog post..Some Rights Reserved

  18. admin

    TEYS: Itinama na po ang disensyo ng button links, salamat.

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

AUGUST 9, MANILA EB/PHOTO OP!

    DEAR L.P. MEMBERS,IT'S TIME FOR OUR 1ST OFFICIAL EB! TIME TO MEET YOU, YOU, AND YOU SO PLEASE VISIT THIS LINK FOR UPDATES.

NOMINATED

    My site was nominated for Best Photography Blog!

CHAT WITH L.P. MEMBERS

Weekly Theme 2008

    IMBITASYON: Sa mga nagnanais magbigay ng mungkahi para sa susunod na taon (2009) na mga TEMA (themes) magpunta lamang kayo sa ating SUGGESTED THEMES FOR 2009 THREAD at dito iwan ang inyong mga suhestyon. Salamat po.

Past Entries

    Archives

Link Buttons



New Members

Acknowledgment

Litratong Pinoy would like to thank
    WordPress Philippines

Members