Mahalagang Anunsiyo.
Written by admin from http://litratongpinoy.com on April 9th, 2008 | 7 CommentsIlang oras na lang at atin nang sisimulan ang pangalawang tema, handa na ba kayo?!
Subalit bago ito, nais ko hingin ang inyong maigsing oras upang basahin ang sumusunod. BASAHIN NYO PO SANA.
Maraming salamat po sa inyong lahat na nagsisali sa masayang pagbubukas ng L.P. nuong nakaraang Huwebes! ‘ Overwhelming, nakakatuwa, at napakasaya’ ayon po sa iba sa inyo. Nadalaw po kayong lahat ng inyong lingkod at nakita rin po natin ang iba’t-ibang positibong reaksyon. Maraming salamat po. May ilang punto lamang po ang L.P. na nais banggitin:
- Nais ko po tawagin ang atensyon ng mga nagsumiti (submitted) ng kanilang mga blogs na hindi naisali nuong nakaraang Huwebes, hinihikayat po na isali nyo ang mga blogs sa Huwebes na ito. 2 miembro po ay nagpadala ng kanilang paumanhin kaya hindi sila nakasali. 3 po ay hindi.
- Sa hindi po nagsulat ng Tagalog na akda, nakasaad po ito sa ating alituntunin. Mahirap man po ay ating subukan. Ang inyong lingkod ay hirap din pero kaya natin ito!
- Tungkol naman po sa suhestyon na maglagay ang L.P. ng Mr. Linky’s magical widget (paki research na lang po sa hindi nakaka-alam dito) ipagpaumanhin ninyo subalit iiwasan po natin na magmadali ang iba sa atin na iiwanan lamang ang kanilang entry link subalit hindi na mag iiwan ng komento. Ganito po ang nagyayari sa ibang photomemes, alam po ng inyong lingkod dahil miembro ito ng ilan. Lahat po tayo ay busy at nagmamadali subalit ang L.P. po ay samahan at hindi iwanan ng link lamang. Sapat na po ang plugin na inilagay sa gawing komento upang iwan ang inyong entry link.
- Kay G. bluep na nagsuggest na i-aggregate o igawa ng lingguhang buod kada tema, ipagpaumanhin mo Ginoong guapo este bluep, subalit wala na pong ekstrang panahon ang inyong lingkod para dito. Kung sino man po sa ating mga miembro ang may oras at handang bisitahin kada Huwebes ang lahat ng akda, at i-aggregate ito sa inyong blog (hindi po dito) kayo po ay malugod na inaanyayahan, lumiham lamang po sa L.P.
- Atin pong binago ang paraan ng pagsali sa L.P. nuong ika-5 ng Abril. Ngayon ay kailangang 2 beses muna sumali, nakapag lagay ng link button sa mga blogs at walang malalaswang laman ang mga blogs bago ma-aprubahan. Ang dahilan ay upang maiwasan ang mga nagpapalink lang ng kanilang blogs. Hangad po ng L.P. ay kalidad (quality) at hindi bilang (quantity) ng miembro.
Maraming salamat po sa inyong oras. - admin.






.png)



April 9th, 2008 at 5:24 pm
ako po at hindi na mapakali sa kasabikan sapagkat ilang minuto na lamang ang magsisimula na ang panibagong kaganapan sa linggong ito ;-)
natutuwa rin po ako at sandamakmak na tagumpay ang inabot ng aking lahot. at higit sa lahat, marami rin po akong bagong blogerong nakilala dahil sa LP.
ngunit ako po ay humihingi ng paumanhin sa mga wordpress.com bloggers at ilang marikit blogs sa kadahilanan hindi ako nabigyan ng pahintulot ng great firewall of china upang sila ay madalaw. maraming salamat po at pag-unawa.
tayo po at kumandirit ng sabay-sabay habang hinihintay ang paglathala ng liglig at umaapaw na tatsulok.
hnmgss! (humahalakhak ng malakas, gumugulong sa sahig!)
Kotsengkuba’s last blog post..Photo Story WK815
April 9th, 2008 at 5:49 pm
Ayos sa akin kung ano man ang mga patakaran mo, Magandang Binibini, sanay na ako sa patakaran ng PH at WS. Ako naman ay narito upang hindi lamang tumingin ng mga larawan kundi matuto din.
Handa na ang aking entry, ilang araw na ang nakaraan. Pero hindi ko pa ili-link kasi naka-time stamp :)
Hay mamaya pag lumabas na, kumuha ng kutkutin at mahaba ang aking entry na tutukuyin ang ilan sa mga sakit ng lipunan.
KK: gusto ko yang hnmgss :D
julie’s last blog post..Philippines as Number 1 Rice Importer
April 9th, 2008 at 8:54 pm
Amen, Miss Admin! :) Tama lahat yan! At ang iba kasi, ini-spam ang Mr. Linky. Ilalagay ang link ng blog nila pero di naman pala kasali. Syempre pa, nagka-traffic na sya! Marami akong kilalang ganyan (bato-bato sa langit hehe)…
At marami rin ang kunwari sasali pero sa totoo magpapalista lang pala ng blog.
Ready na ako para mamaya. At this time, magba-bloghop na talaga ako! hehehe
she’s last blog post..He said…
April 9th, 2008 at 10:16 pm
Agree din ako dyan. Ako naman, dahil late last week, kaninang hapon pa naka-post ang LP#2 ko. Bumabawi sa atraso last week :D Medyo di lang ako masyado maka-blog hop at ako’y nasa project area.
April 9th, 2008 at 10:37 pm
Magandang gabi! Sang-ayon din ako sa pagbibigay ng pansin sa mga participants at hindi lang basta nakalink. Ang dami yatang talented na Pinoy pagdating sa pagkuha ng litrato, amateur man o professional. Magandang bigyan sila ng tamang appreciation.
Naka-post na ang aking unang entry para sa LP. Excited akong makita ano ang mga tatsulok ng ibang participants pero bukas ng gabi ako magba-blog hop after work. :)
Lynn’s last blog post..Tatsulok
April 9th, 2008 at 10:57 pm
Wala naman akong “violent objection” sa mga mungkahi mo, Ms Admin
Ako’y di na rin mapakali dahil limang minuto na lang at maipo-post ko na rin ang aking entry para sa linggong ito. Ika nga sa wikang Ingles - let the games begin! Yugyugan na mga katropang LP!!!
Pinky’s last blog post..One Band Meme
April 13th, 2008 at 11:41 am
dagdag na suhestiyon sana,yung mga magiiwan ng kanilang mga link,sana yung permalink ng post,para pag click ng titngin eh direktang makikita agad yung entry at hindi na maghahanap pa sa pinakahomepage, lalo na kung medyo late na yung post, suhestiyon lang naman. :)