Article

LP# 9 : Ihip ng Hangin

Written by admin from http://litratongpinoy.com on May 28th, 2008 | 98 Comments

Bago po muna ang lahat, INTERESADO KA BA SUMAMA SA UNANG LITRATONG PINOY EB?

———————————————————————-

Magandang araw po sa inyong lahat, Huwebes na naman kaya’t atin ng simulan ang kasiyahan sa pamamagitan ng ating mga interpretasyon sa: Ihip ng Hangin
Medyo nahirapan akong maghanap ng mga larawan ngayong Huwebes dahil na rin sa aking kakulangan sa oras (dahil sa trabaho) kaya’t sana naman ay maibigan ninyo ang mga sumusunod.

Tatlong buwan na ang nakakaraan habang nakasakay sa aming kotse, napansin ko sa parte kung saan nakaupo ang aking kabiyak na nagmamaneho - ang mga makukulay na animo’y saranggola sa langit na mga ito. Panay ang pagbabawal ng aking kabiyak sa pagkuha ng larawan (akala kasi niya ay gagamitan ko ng flash) salamat na lang at matigas ang ulo ko at hindi ko sya pinakinggan, kung hindi ay wala akong akda, naku!

hangin2.jpg

Ihip ng hangin na lubos na ikinatutuwa ng mga taong ito.
hangin1.jpg

Ang mga sumusunod naman (paragliding) ay kuha din ng aking lumang Point & Shoot na matanda pa kay Lapu-lapu (Canon powershot 2MP), 8 taon na ang tatlong larawan na ito.

Paano na kung walang hangin?

hangin4.jpg

Posible bang lumutang ng ganito?

hanging5.jpg

At gaya ng ibon, sumayaw sa ihip ng hangin?

hangin3.jpg

Nasubukan nyo na ba ang mga ito?

98 Responses to “LP# 9 : Ihip ng Hangin”

  1. sasha

    Up na po ang aking entry :)

    sasha’s last blog post..Time is important

  2. mousey

    Eto na ang sa akin!

  3. Em Dy

    Di ko kaya yan. Takot ako. Palipad na lang ako ng eroplanong papel.

    Em Dy’s last blog post..Ang Tao at ang Kalikasan

  4. sasha

    Ang ganda naman nung pangatlong litrato. Gusto kong subukan yan :)

    sasha’s last blog post..Time is important

  5. Jeanny

    Hindi ko pa nasusubukan yan. Pero gusto ko yan exciting…. :l:

    ang ganda ng pikturs…makulay. Pinaka gusto ko yung ikalawang piktur….parang nakabitin sa era. Galeng bb. admin :)

    Isang masayang LP sa lahat :wink:
    Jeanny’s last blog post..LP#9 Ihip ng hangin

  6. Bahchi

    Naka-post na ang aking lahok. Maligayang Huwebes mga ka-LP! :)

  7. ces

    parang ang sarpa nyan pero a-takot ako! haha! maski point and shoot na 2mp lang ang camerang gamit mo, maganda pa rin at malinaw!

  8. ces

    sarap pala! sowi!

  9. teys

    ang saraaaap naman nyan, gusto ko ding gawin yan balang araw paglaki ko hehe.

    gandang hwebes!! mga ka-LP!

  10. Mitch

    Eto naman ang aking pangalawang lahok para sa Litratong Pinoy.
    http://etcetera-atbp.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html

    Magandang Huwebes sa inyong lahat! ;-)

  11. Reflexes

    parang kay sarap ilipad ng hangin…ngunit parang nakakatakot din :D.

    akin pong lahok: http://manillapaper.com/2008/05/lp9-blowing-wind-ihip-ng-hangin/

    magandang araw ng Huwebes sa lahat!

    Reflexes’s last blog post..Coffee for Kids?

  12. Buge

    Nacoo takot po ako sa heights pero gusto ko din subukan yan, pati na din ang skydiving! :)

    Eto po ang aking lahok ngayong linggong ito
    http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  13. G_mirage

    Masayang pakiramdam ang makita ang kalikasan mula sa itaas habang iniihip ng hangin! Nakasakay ka din ba nung kinuha mo ang mga 3-5 litrato?

    Masaya din ang Eb…titingnan ko na lamang ang mga litrato pagkatapos :idea: Gandang Huwebes!

    http://mirageasusual.blogspot.com/

  14. nina

    Gusto ko subukan lahat yan :) May lahok na rin ako para sa temang mahangin. Ako rin ay nahirapan. Magandang Huwebes sa iyo :)

    nina’s last blog post..LP - Tubig

  15. iska

    parang ang sarap sarap naman nyan… pero hindi ko yata kaya gawin :-)

  16. nina

    Ito ang link:

    http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/05/lp-mahangin.html

    nina’s last blog post..LP - Tubig

  17. Dragon Lady

    alas! ‘up’ na rin po pati ang pahabol kong mga lahok sa tema noong nakaraang linggo… hehe.

    sana’y magkaroon ako nang pagkakataong makapag-paragliding o kaya’y makapag-parachute din sa hinaharap… iba siguro ang pakiramdam na kita mo ang kapaligiran mula sa itaas o ‘kalawakan’! isama pa rito ang lakas nang ihip ng hangin na magdadala sa iyo sa kung saan-saan. ;)

    happy huwebes sa lahat! sa ngayon ay parehong ayos sa akin ang hunyo 7 o 9 para sa ating salo-salo. :-) nakakatuwa rin ang ideya nang pagsakay sa jeep! kewl!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #9: Ihip ng Hangin

  18. kiwi.pino

    may nabibiling saranggolang hugis ng paraglider - masarap itong gamitin kaysa sa ordinaryong saranggola dahil mas kuntrolado mo ang anyang lipad.

  19. Clicking Away

    Wow, ang ganda naman ng mga lahok mo. Paragliding pala ang tawag sa mga iyan. Nakita ko yan noong huli naming bakasyon ngunit hindi ko alam kung ano ang tawag sa kanila… akala ko din ay mga sarangola ito mula sa malayo.

    Parang ang saya din ng mag hang gliding… yung view ng bundok ay napaka ganda…paano mo ito kinunan ng litrato? Naku, hindi ko ata kayang gawin iyan… takot ako sa matataas na lugar eh.

    Maligayang LP!

    Clicking Away’s last blog post..LP009 - Ihip ng Hangin

  20. Pinky

    Ang ganda ng mga kuha mo pero di ko talaga kakayanin ang mga “extreme sport” na gaya ng “paragliding” - duwag talaga ako e! :lol: Kung “walking” pa siguro o di kaya “swimming” baka pwede pa…hehehe ;)

    Gandang LP sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin

  21. Thesserie

    Palagay ko, susubukan ko ang paragliding ..pero kailangan i-sedate nyo muna ako :blah:

    Happy Huwebes sa inyong lahat!
    Ito naman ang aking lahok

  22. Hangin « CAPTURED MOMENTS

    [...] akong pumili ng lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy para sa temang “hangin”. Paano mo nga ba makukuhanan ang isang bagay na di mo naman [...]

  23. Linnor

    Ang hirap humanap ng litratong magpapakita ng hangin. Bilib ako sa galing ng timing mo para makuha ang mga naunang litrato :)

    Linnor’s last blog post..Hangin

  24. peterahon

    sama ako sa Litratong Pinoy EB! Sumali na kayo - Pilipinas!

    nakaka-enganyo ang mga larawan. Tunay nga na maraming sports related sa hangin/himpapawid, sarap din sigurong tumalon at magparachute o kaya naman sumakay at maglakbay sa air-baloon…

    ito po ang aking link:
    http://peterahon.blogspot.com/2008/05/ihip-ng-hangin-saranggola-ni-pepe.html

    sa mga kasama na nagkokomento sa aking entry - check po ninyo ang pangalan at naka-link na kayo sa aking blog, sa ialalim ng logo ng LP na nasa sidebar (gaya-gaya, puto-maya sa halimbawa ni thesserie.com). Paumanhin po kung hindi ako agad makakabisita at makakkomento sa inyong mga blog dahil palipad po ako sa ihip ng hangin (hindi po sa walis tingting) ngayong gabi at kasing haba ng bus trip ang lipad patungong Manila.

    Kaya Litratong Pinoy EB sa Pilipinas - Kodakan na para sa Kalayaan !

  25. ettey

    napakagandang mga larawan. Naka post n din po un sa akin.

    ettey’s last blog post..LP: IHIP NG HANGIN

  26. betchay

    Ang galing naman. Kahit may nahanginan ay maayos pa rin ang mga larawan. Pag ako kumuha gamit ang point-and-shoot na camera ko ay kitang-kita ang hangin :-|
    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy - Ihip ng Hangin

  27. lidie

    magandang huwebes!
    nasubukan ko na ring mag-parasail! ang saya!

  28. Lester Purificacion

    ang galing nito, unang lahok sa unang pagkakataon para sa litratistang pinoy.

  29. lino

    happy huwebes everybody… ayan na ako, pasugod na sa mga blog nyo… :)

    lino’s last blog post..ihip ng hangin…

  30. bluep

    napakaganda naman ng larawan. lam mo pangarap ko din yan mag gaganyan. pag ako yumaman araw araw ako mag-gagliding.

    eto nga pala ang aking triple entry para sa linggong ito. sensya na medyo BC talaga sa in between para sa ka pepe

    http://bluepanjeet.net/1124/nag-aapoy-na-tubig-at-hangin/

    bluep’s last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)

  31. bluep

    hehe mukhang ban na ako dito ah at di lumabas yung aking kowment LOL

    bluep’s last blog post..The early death of Pinoy Idol (Ep. 8, 9 & 10)

  32. NONA

    Hindi ko pa nasubukan at siguro’y hindi ko susubukan dahil hindi ko masusubukan! Dahil ako ay isang duwag sa matataas. haha.
    Sobrang ganda ng mga larawan! Wala akong masabi :)

  33. komski kuno

    Sana nga masubukan ko rin yan sa hinaharap:D Grabe, masaya panigurado, hehehe.

  34. christine

    takot ako subukan yan. :( pero sabi ng mga kaibigan kong nakasubok, talagang kakaibang thrill daw talaga. :)

    magandang huwebes sa inyong lahat! ito naman ang aking lahok:
    http://strawberrygurl.com/2008/05/29/lp-9-hangin-wind/

    :)

    christine’s last blog post..LP 9: Hangin (Wind)

  35. Jenn

    napakagagandang litrato!

    ang aking LP ay nakapost na rin po — http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html

    Jenn’s last blog post..LP - Ihip ng Hangin

  36. Surfergirl

    Magandang hapon! Pangarap kong mag hang/para gliding balang araw–ang saya ng mga litrato na ito.
    Ito ang unang pagkakataon kong makilahok sa Litratong Pinoy:

    http://www.mysurfergirl.info/2008/05/litratong-pinoy-1-ihip-ng-hangin.html

  37. ayen

    Ito ang aking unang paglahok sa Litratong Pinoy. Sana ay maibigan ninyo ang aking lahok dahil ako ay lubusang nasiyahan noong ito ay aking ginawa . . .

    ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  38. carol bustos-santiago

    nakakainggit naman. parang ang sarap ng ginagawa nila! :)

    eto nga pala ang aking lahok: http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-9-ihip-ng-hangin.html

    maligayang huwebes sa inyo!

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin

  39. Dyes

    ang ganda naman! sana ay magawa ko yan kahit isang beses :)

    happy hwebes! up na rin po yung sa akin

  40. jennyL

    wow exciting ito kaya lang hindi ko kayang subukan ito dahil may takot ako sa matataas na lugar at mahina ang aking loob sa mga ganito, pero nakakaaliw panoorin ang mga ganito…

    eto akin: medyo mahirap ang tema natin sa linggong ito eh:
    http://jennysaidso.com/2008/05/lp-9-ihip-ng-hangin-windwindy.html

  41. Pixelminded

    i wanna try it but I don’t know if I can. :idea:

    meron na rin po akong lathala :happylol:
    happy thursday everyone!!

    Pixelminded’s last blog post..Litratong Pinoy#8-Ihip Ng Hangin

  42. kaye

    parang ang sarap mag-paragliding! :)
    magandang araw!

    kaye’s last blog post..LP: Ihip ng Hangin

  43. Leah

    heto po ang aking lahok para sa linggong ito. :) Happy huwebes sa lahat! :D

    Leah’s last blog post..LP: Ihip ng Hangin

  44. julie

    ang ganda ng mga larawan! Me saranggola din ako pero maliit lang :D

    Magandang araw ng Huwebes sa inyo.

    julie’s last blog post..Ihip ng Hangin

  45. HiPnCooLMoMMa

    kahit mas matanda pa kay lapu lapu ang camera mo, aba ganda naman ng kuha.

  46. Tere

    Magandang Huwebes sa lahat! Ang sarap lumipad sa hangin. Naisip ko nga kahapon habang nakatingin ako sa langit at nag iisip kung ano kaya pwede ko kunan para ilahok ngayon.

    Eto po ang lahok ko para sa linggong ito at sana’y madalaw nyo:
    http://www.chartherct.com/2008/05/29/litratong-pinoy9-ihip-ng-hangin/

    Tere’s last blog post..Pinoy Idol

  47. haze

    ang husay ng kuha! yun nga lang takot ako sa matataas na lugar kaya hanggang pangarap na lang ang mga ganyan sa akin.

    nakalahok na po at sa wakas ay hindi nakulelat.

    maligayang LP!

    haze’s last blog post..LP#9: Ihip ng Hangin

  48. star

    hindi ko pa yan nasubukan pero gusto ko nyan!
    maligayang huwebes sa inyong lahat! :)

    star’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip ng Hangin

  49. maver

    Mahusay!

    Balik Buri na naman si Maver :)

    http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-09-hangin.html

  50. Junnie

    parang mga tutubing walang sawang lumilipad sa alapaap…nasubukan na ng asawa ko yan, ako di ko kaya…

  51. stripeATyellow

    paumanhin sa aking lahok. http://www.stripeatyellow.com/2008/05/litratong-pinoy-2-ihip-ng-hangin.html kinapalan ko na ang aking mukha kesa naman wala akong maisamang larawan :lol: :cry: :blah:

  52. ZJ

    Magandang Huwebes sa lahat ng kaibigan natin sa LP.
    Ang sarap sigurong mag-ganyan, ano? Gusto kong subukan kaya lang meron akong fear of heights!
    Naka-post na rin ang aking lahok ngayong Huwebes, kitakits!

  53. Kotsengkuba

    May mga bird’s eye view na kuha, ibig sabihin ba nyan e sumakay ka rin jan o nag-cable car lang? ;-)

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0822 | Ihip ng hangin

    LP: ‘Nakalutang din ako’ sana ang isasagot ko para medyo cool ang dating ha ha..pero ang katotohanan ay ZOOM ng camera ang may likha nyan :)

  54. vanidosa

    Eto naman po ang aking mga lahok sa temang ito.

    http://www.mariegvergara.com/?p=394
    http://vanidosa.blogspot.com/2008/05/lp9-ihip-ng-hangin.html

  55. Lizeth

    meron na akong entry :)

    nag-parasailing kami sa benoa in bali!! it was super fun :)

  56. Sweetagring

    Ang gaganda naman ng mga view. Hindi ko pa nasubukan yan!
    My Ihip ng Hangin is up!!!
    http://sweetagring.com

  57. Toni

    Narito na po ang aking lahok! Hindi ba’t buti nalang may nag-imbento ng bentilador?

    http://wifelysteps.com/2008/05/29/sa-may-bentilador/

    Toni’s last blog post..Sa May Bentilador

  58. Cookie

    Ang ganda naman ng mga kuhang iyan. Nakasakay ka rin ba ng glider habang kinukunan mo yung ibang mga gliders? :?:
    Sorry, late ako…eto entry ko :wink:
    http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-sa-ihip-ng-hangin.html

    Cookie’s last blog post..Weekend Snapshot : Macopa

  59. Cookie

    just checking if my comment made it :?:
    http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-sa-ihip-ng-hangin.html

    Cookie’s last blog post..Weekend Snapshot : Macopa

  60. ~* EDS*~

    eto po ang aking lahok sa linggong ito! sana magustuhan ninyo :)

    http://edsnanquil.com/?p=763

  61. JO

    Gusto ko din subukan yan kung magkaroon ng pagkakataon.

    Ito ang aking lahok — http://www.joarduo.com/2008/05/litratong-pinoy-ihip-ng-hangin.html

  62. Munchkin Mommy

    ako’y malululain. hindi ko yata kaya yan. pero kung mala isang-milyong dolyar ang katapat parang sa amazing race, baka puwede pa. :D

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin

  63. Mapped Memories

    nakakatuwa ang mga larawan…”blue sea” ang background ng dalawang nauna at “sea of green landscape” naman ang mga sumunod.

    Mapped Memories’s last blog post..LP #9: Ihip ng Hangin (Wind / Wind Blow)

  64. Maan

    unang beses ko sumali dito! dito po matatagpuan ang nilahok ko: http://mysilverchair.blogspot.com

  65. architect

    naway inyong masulyapan !! And aking lahok…”Mahangin ba sa labas?”

  66. kerslyn

    Isang napakagandang araw. Kasing-ganda ng ating tema para ngayong linggo. Ngunit wala akong ibang mahanap na litrato na akma para sa temang IHIP ng HANGIN kondi ito… http://www.acelynnierva.com/litratong-pinoy/litratong-pinoy-hangin.html. Nawa’y dalhin kayo ng ihip ng hangin sa aking bahay.

    kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  67. kerslyn

    Magandang araw! Narito ang aking unang lahok sa aking pangalawang bahay… http://kerslynscomfortzone.com/2008/05/litratong-pinoy-hangin/. Nawa’y dalhin kayo ng ihip ng hangin patungo sa aking bahay at kayo’y malugod ko pong tatanggapin bilang bisita.

    kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

  68. tque95-ISL

    mgandang gabi. eto po ang lahok k ngayong linggo….

    http://islfamily.com/?p=52

  69. C.A.

    napakagandang kuha… sa palagay ko masarap tlga mag-paragliding. sana masubukan k rin ito balang-araw :)

    narito po ang aking lirato para sa tema na “ihip ng hangin”.

    magandang araw sa inyong lahat!

  70. Chrys Webster

    ako ay takot sa “heights” kahit marami akung mga pag kakataong sumubok mag para gliding ay wala talaga . . . ha ha ha . . . siguro if it is a matter of life and death. Eto na po ang aking lahok.

    Chrys Webster’s last blog post..“Ihip ng Hangin”

  71. Meeya

    Type kong subukan yan minsan hehe. Hihintayin ko na muna siguro lumaki ng konti ang anak ko para may sasama sa akin dahil panigurado hindi ako sasamahan ng aking kabiyak na malulain. :D

    Ang galing ng pictures! Akala ko pati ang potograper nakasakay din sa praglider, hehe.

    Happy LP sa lahat! :)

    Meeya’s last blog post..LP09: Hangin

  72. iris

    gaya ng marami dito, takot din ako sa heights, pero handa akong ipagpalit yon, maranasan ko lang ang windsurfing at paragliding :) galing ng mga kuha mo. :)

    grabe late nanaman ako. pero eto na! magandang huwebes sa inyong lahat!

    iris’s last blog post..Wave bye-bye

  73. adinille

    hhuuwwwweeeee!!!! Lilipad tayo!!!!!! Ang saya siguro jan sa taas!!!!

  74. Pinay In The Us

    ang ganda mg mga litrato! maligayang huwebes sa lahat! :D

  75. colby

    hu-waw ang galing! pano mo nakunan yung paragliding? zoom lens ito? galing talaga!!

    maligayang huwebes!

    colby’s last blog post..LP #3 Ihip ng Hangin

  76. mikaella

    ito naman ang aking LP# 9 : Ihip ng Hangin - ang bula!!(bow)
    salamat!!

  77. kathycot

    mahirap pero masaya! :) pangalawang lahok ko na ito… salamat at liliham na ako! yahu!

    http://www.kathycot.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html

    maligayng huwebes!!!

  78. stel

    saling pusa na lang ako…http://www.babyrambutan.net/2008/05/29/lp-8-hanging-malumanay-gentle-wind/
    na-miss ko kasi ang kasiyahan dito eh…salamat Bossing!

    stel’s last blog post..LP 8: hanging malumanay (gentle wind)

  79. farah

    huli na po ako per humabol pa din!!! maligayang biyernes na sa inyong lahat!!! :)

    http://www.wifeynibangis.com/2008/05/lp-7-blowin-in-wind-delayed-entry.html

  80. Junnie

    nakaligtaan ko at akmang-akma ang tema ngayong linggo at ang Pinas ay may ibang klaseng pabugso bugsong malakas na hangin at napansin kong mas malinis (dahil kaya sa pagtaas ng presyo ng langis?)

    Heto nga pala ang akin: http://pic.blogspot.com/2008/05/hangin.html

  81. fortuitous faery

    ang galing naman ng mga nagliliparang tao!

    narito po ang aking larawan na may simbolo ng “hangin”:

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-6-ihip-ng-hangin.html

    maligayang huwebes po! :)

    fortuitous faery’s last blog post..i’m too sexy for this skirt

  82. rose

    narito ang sa akin
    http://revolutionmotion.com/?p=1024

    masarap sigurong mag para gliding.. :)

    happy weekend sa inyo.. friday na kasi dito

  83. jher

    naku hindi ko agad nai post ang aking comment. Happy weekend sa inyng lahat. Heto po ang aking lahok.

    http://jher.wordpress.com/2008/05/29/ihip-pa/

    jher’s last blog post..A Zen for your Man to add some Zest in your life

  84. Marites

    Ay naku! nalito ako sa araw kaya tuloy, medyo huli ang aking pagpasa rito..eto na ang mga litrato ko!

    http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy2-ihip-ng-hangin.html

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#2 Ihip ng Hangin

  85. Marites

    Wow ganda naman ng pagkakuha ng mga larawan kahit pa sinasabing lumang kamera ang ginamit. Gusto kong subukan ang magpalipad gaya ng paragliding. Hanggang saranggola lang kasi ang alam kong paliparin at lagi pang semplang.

    Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#2 Ihip ng Hangin

  86. Ambo

    Paumanhin po at ako’y nahuli na naman dahil nakalimutan ko na huwebes pala kahapon hehehe. Ito po ang aking entry.

    Ambo’s last blog post..Bangui Windmills

  87. silentprincess

    kayganda naman ang mga larawang ito. Eto naman po ang hangin ko:
    http://silentprincess.philanime.com/?p=89

  88. korky

    wow! double wow! ang gaganda ng kuha. sana makakita din ako ng mga ganyang pangitain sa totoong buhay at di lang sa litrato at telebisyon.

    eto naman po ang lahok ko para sa temang ngayon http://www.passengertales.com/2008/05/30/lp-9-hangin/

    magandang LP!

    korky’s last blog post..LP #9 Hangin

  89. zamejias

    I missed few weeks of LP but I’m joining now despite the lateness of my posting. :-)

    Ganda naman ng kuha mo -and to thin P&S na cam lang ang ginamit. Nde ko pa na try yan pero sarap siguro nung feeling kung nasa itaas ka. :-)

  90. vera

    pasensya na po kayo at wala akong naipakita sa inyo nitong nakaraang huwebes. napakarami lang po tlagang mga kabusy-han sa mundo ko. babawi po ako. kakalurka

    vera’s last blog post..LP: Tubig

  91. kathycot

    eto ang unang paglahok ng aking buhaymisis.com site! salamat!

    http://www.buhaymisis.com/2008/05/lp-ihip-ng-hangin.html

    kathycot’s last blog post..love to read

  92. jerome aka bridget jones

    magandang gabi sa inyong lahat! ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong makilahok at makasali. Naririto ang aking unang-unang paglahok sa LP:

    http://aborrowedlife.wordpress.com/2008/05/31/lp-9-ihip-ng-hangin/

    jerome aka bridget jones’s last blog post..LP # 9: Ihip ng Hangin

  93. ate sienna

    Una ko pang lahok sa litratong pinoy.

    eto po ang tutuong URL: http://www.manilena.com/photography/litratong-pinoy-9-ihip-ng-hangin/

    (pasensya na po… pwede po bang paki-tanggal ung una kong comment, kung pwede…)

    ate sienna’s last blog post..Blogger Templates, Part 1

  94. MommyBa

    Tapos ko na dalawin ang lahat ng merong entry. Sana eh wala akong namiss na entry ngayong linggo. Pagpaumanhin po ninyo ang di ko pagdalaw last week, wala lang talaga akong magawa sa mga tiga-PLDT tungkol sa palpak nilang serbisyo.

    Me lahok po ako para sa linggong ito. Maraming, maraming salamat sa mga nakadalaw na at nakita ang aking litrato.

    Happy weekend po sa lahat! :)

  95. Dr Emer

    Ipagpaumanhin po ninyo kung nahuli ako ngayong linggo na ito. Ito po ang aking gustong ilahok sa ihip ng hangin —

    http://siteseer.blogspot.com/2008/06/proud-and-flying.html

    Dr Emer’s last blog post..Proud and Flying

  96. watson

    Magandang araw po! Sali rin po ako sa round na ito! :-)

    watson’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip ng Hangin

  97. waltz

    gusto ko ring mag-paraglide at handglide!
    Lahok ko sa temang ito: http://waltzco.multiply.com/journal/item/11/Litratong_Pinoy_9_Ihip_ng_Hangin

  98. cathy

    Pasensiya na po. Ako ay hahabol para sa “ihip ng hangin”, at muling mahuhuli sa paglahok ngayong linggo.

    Ang sarap maging ibon, pero hindi ako handang lumipad ng tulad ng ganyan. Ibang klaseng paglipad nalang =)

    cathy’s last blog post..Napakalamig ng ihip ng hangin.

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

NOMINATED

    My site was nominated for Best Photography Blog!

CHAT WITH L.P. MEMBERS


Weekly Theme 2008

Archives

Link Buttons



L.P. Flickr

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos and videos from litratong.pinoy. Make your own badge here.

Acknowledgment

Litratong Pinoy would like to thank
    WordPress Philippines

Members