LP #7: Umaapoy
Written by admin from http://litratongpinoy.com on May 14th, 2008 | 80 Comments
Kumusta na kayo, mga kasama? Mainit na ba panahon sa inyong kinalalagyan? Atin pang painitin sa Huwebes na ito, sa pamamagitan ng paksa natin…UMAAPOY.
Pahintulutan sana ninyo na ang sumusunod ay hinango sa Tagalog Wikipedia
Ang apoy, isang uri ng kombustyon, ay isang reaksyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga kimikalmolekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Hindi katayuan ng materya ang apoy: sa halip, ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon na kung saan binibigay ang enerhiya ng init at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang panggatong na may sapat na panustos ng oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng sapat na init, at napapanatili sa proseso ng patuloy na pagpapalabas ng enerhiya ng init, gayon din ang patuloy na panustos ng oksihena at panggatong na may kombustyon. Kadalasang pinasisimulan ang isang apoy ng isang palito ng posporo o layter na pinapalaganap ang ibang mga bagay na may kombustyon dahil dinisenyo ang mga palito ng posporo at mga layter na may mga materyal na may mababang puntos ng pagkasunog. Napapatay ang apoy kapag natanggal ang isa o higit na mga elemento ng init, oksidiser, o panggatong; ginagamit ang konsepto na ito sa tatsulok ng apoy. Tinatawag na abo ang mga natirang hindi nasusunog na solido.kung saan handang magkaroon ng reaksyon ang mga Hinahatid ang isang dila ng apoy o ningas ang kuryente, habang ginawang may iono ang isang maliit na bahagi ng kahit anong apoy. Namasid ito sa isang laboratoryo at gayon din sa malalaking mga sunog o wildfire na nagaganap sa tabi ng mga linya ng kuryente. Bahagiang nauukol sa katangiang plasma nito ang kakayahan maghatid ng kuryunte ang isang ningas.
Saan nagsimula?
Hindi natin alam kung kailan nadiskubre ang apoy. Maraming mga teoriya na nagsasabing sa kidlat ito unang nakita.
Nagbabasa ba kayo ng Discovery Magazine (online)? Ito naman ang kanyang tugon ukol sa pinagmulan ng Apoy:
Q: Was fire discovered, or did God show it to Adam and Eve?
A: The Bible really doesn’t say whether God gave people fire, or if they discovered it on their own. The first mention of fire is in Genesis 15:17, which refers to sort of a torch that Abraham used for light. But, there are indications that fire was used much earlier. Tubal-Cain, one of Cain’s descendants, made all kinds of tools out of bronze and iron. Fire most likely was used to heat these metals so that they could be formed into the different tools.
Those who do not believe in God think that, as people evolved, they grew in intelligence. Eventually, they accidentally discovered fire, which allowed them to make metal tools. But the Bible teaches that people were intelligent from the beginning of creation. Because of this, they were able to accomplish things, like making metal tools, early on.
ISANG NAGBABAGANG HUWEBES INYONG LAHAT!






.png)



May 14th, 2008 at 6:15 pm
burn baby burn! anong iihawin? :D
http://roniverse.com/photo/226-bad-breath/
May 14th, 2008 at 6:18 pm
Nararamdaman ko ang init ng larawang iyan. As usual, mahusay na entry ulit.
Salamat sa pag share ng mga inpormasyon ito tungkol sa apoy. Me natutunan ako, natutulog kasi ako dati ng itinuturo ito ng aking propesor sa science, hehehe
Isang Mainit at maganda araw ng Huwebes sa lahat.
Jeanny’s last blog post..LP#7 Umaapoy
May 14th, 2008 at 6:24 pm
Nag-init lalo ako ng basahin ko ang impormasyong ibinahagi mo. Oksihena? Oksidiser? Hay.. ang hirap pala pag Filipino ang gamit sa mga siyentipikong (tama ba?) termino!
Isang nagbabagang rin Huwebes po!
cathy’s last blog post..Damdamin
May 14th, 2008 at 6:25 pm
Uy apoy na nga! Sa lahok ko, nagsisimula pa lang. Magandang Huwebes!
Em Dy’s last blog post..Balik sa Dati! Bilis!
May 14th, 2008 at 6:30 pm
ang galing! may kaunting kasaysayan pang kasama…dagdag kaalaman at palaisipan. busog na sa mata at sa diwa, ayos!
gandang LP sa lahat!
May 14th, 2008 at 6:30 pm
gandang huwebes! ayus! ay eksplanasyon pa! :)
may lahok na ako :)
http://kajesalvador.com/?p=140
May 14th, 2008 at 6:51 pm
uyy, nakakaaliw naman at isa pala ako sa mga unang nakapagsumite nang aking mga lahok ngayong huwebes na ito! :)
ang ganda nang iyong kuha, bb. LP… tunay na nag-aalab ang apoy na iyan! saan mo kinunan ang litratong ito? mula ba sa isang fireplace?
at syempre pa, kumpleto pa sa paliwanag patungkol sa apoy! pang-dagdag-kaalaman po talaga!
maligayang LP sa inyong lahat, mga kaibigan. :D
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #7: Umaapoy
LP: HINDI PO ITO KUHA SA FIREPLACE KUNDI SA PUGON (BBQ)
May 14th, 2008 at 7:04 pm
Naku, nasunog ata ako sa entry mo, Ms Admin. Napakainit ng bagang iyan. Ang sarap… sigurado ko ng huling taglamig kinunan ang litratong iyan, no? Hay, pangarap ko ang umupo sa tabi ng “fireplace” habang malamig ang panahon.
Sandali, hindi ba ang mga sinaunang tao (caveman) ang nag imbento ng apoy… parang nakita ko sa mga cartoon yon ha… sa Flinstones :)
Clicking Away’s last blog post..LP007 - Umaapoy
LP: KINUNAN PO ITO NUONG NAKARAANG LINGGO LAMANG, NAG-BBQ PO KAMI :)
May 14th, 2008 at 7:12 pm
Aruy! Tunay na nakapapaso naman ang iyong lahok ngayong linggo, Ms LP!
Isang sumisilab na pagbati mula sa mainit na disyerto ng Saudi Arabia!
Eto po ang aking lahok: http://chinois972.wordpress.com/2008/05/14/lp-7-umaapoy/
Pinky’s last blog post..LP #7: Umaapoy
May 14th, 2008 at 8:40 pm
Nakakatuwa naman ang Tagalog wikipedia. Namangha ako sa pagkakasalin sa Tagalog ng paliwanag tungkol sa apoy. Maganda ang iyong kuha :)
Maligayang Huwebes!
nina’s last blog post..LP - Umaapoy
May 14th, 2008 at 8:42 pm
sarap naman ng apoy lalo na kapag ganitong malapit na ang winter.
May 14th, 2008 at 8:53 pm
Maraming Salamat sa impormasyon! Heto naman ang mainit kong entry sa linggong ito. Maligayang Araw ng Huwebes sa inyong lahat! :-)
jules’s last blog post..Litratong Pinoy #004: Umaapoy
May 14th, 2008 at 9:07 pm
ang ganda naman ng kuhang ito talaga! nagbabagang apoy!
May 14th, 2008 at 9:19 pm
kumusta po sa lahat! mula dito sa sunshine state, tunay na mainit at maligayang huwebes sa lahat ng lp members!
eto po ang aking lahok! pinilit kong maging maagap sa araw na ito..
http://dangcharlie.blogspot.com/2008/05/lp-entry-3-umaapoy.html
muli, maganda ang impormasyong ibinigay ninyo, lp, dagdag na kaalaman nga po kasama ang mahusay na kuha, ayos na ayos ang huwebes!
dang’s last blog post..LP Entry #3-Umaapoy
May 14th, 2008 at 9:20 pm
tamang tama ang apoy mo admin… medyo malamig na sa kinalalagyan ko ngayon pero hindi freezing at mabuti naman.
ang ganda ng kuha ng nagbabagang apoy mo :-)
May 14th, 2008 at 10:16 pm
pag-alabin at
pagtibayin ang pananampalataya…
siya nawa.
link ng aking nagbabagang entry…
http://peterahon.blogspot.com/2008/05/umaapoy-nagliliyab-nagliwanag.html
maalab na pagbati sa lahat!
pete
May 14th, 2008 at 10:26 pm
Magandang Huwebes sa lahat ng kalahok sa lahat ng dako!
Gusto ko ang nakalahad tungkol sa pasimula ng apoy. Salamat.
Idadagdag ko lang na bago pa man ng panahon ni Abraham, noong pinalayas sa Hardin ng Eden sina Adan at Eba ay ginwardyahan iyon ng 2 anghel at ng isang umaapoy na espada (tama ba ang ’sword’ ay espada?)- Gen 3:24. At totoong alam na alam iyon ng dalawa dahil sila ay perpektong tao pa bago pinalayas. At gaya ng nabanggit si Tubal-cain “was a forger of tools of copper and iron, a job calling for intense heat, since it requires more than 2,800 degrees Fahrenheit (c. 1,500 degrees Celsius) to melt iron.” —Gen. 4:22.
Kitang kita ang init ng umaapoy na baga sa litrato mo, ang pagsayaw ng mga dila ay hindi naman nakakatakot kundi nakakaenganyo, gusto ko!!!
Isang malumanay na apoy ang aking lahok ngayon…http://mirageasusual.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
May 14th, 2008 at 11:00 pm
Nahirapan din akong intindihin ang tagalog ng wikipedia tungkol sa apoy.
Sa larawang ito, parang naririnig ko si Tina Turner na kumakanta ng ‘Burn, baby Burn’
Magandang Huwebes sa inyong lahat..kitakits bukas (gabi na dito)…nunayt!
Thesserie’s last blog post..LP#7 UMAAPOY
May 15th, 2008 at 12:06 am
Nagbabaga! Ramdam ang init sa litratong yan.
Linnor’s last blog post..Umaapoy
May 15th, 2008 at 12:33 am
Maganda at mainit na Huwebes po sa lahat… Tila yata lahat ay nag-aalab ang mga blogs, dahilan sa isang umaapoy na tema dulot nang Litratong Pinoy…
Ito po ang aking mga nag-aapoy na lahok sa ngayon…
http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
May 15th, 2008 at 12:45 am
Tila hinsi po yata pumapasok ang aking komento sa ngayon? o dili kaya nikakailangan pang aprobahan ng Admin bago ko makita ang aking inilahok ngayon… Gayun pa man ay, ito po ulit ang aking lahok…
http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
Paumanhin po kung sakaling magiging paulit-ulit ang lalabas na komento ko… Wag po sanang mag-alab at uminit ang inyong ulo…
May 15th, 2008 at 1:00 am
huling-huli ang init ng apoy!
magandang huwebes sa inyo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
May 15th, 2008 at 1:15 am
naisip ko rin ang kantang, “burn, baby, burn” sa larawan mo ngayong araw na ito. gusto ko naman ang pagkalinaw ng kuha. ramdam ko ang init!
http://strawberrygurl.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy-on-fire/
magandang araw sa inyong lahat! :)
christine’s last blog post..LP 7: Umaapoy (On Fire)
May 15th, 2008 at 2:11 am
waw naman! talagang muntik na akong mapaso wuhoo! :D
Salamat sa dagdag kaalaman tungkol sa apoy. Mabuhay ka! Ke-ganda ng iyong larawan. ;)
May 15th, 2008 at 2:27 am
opisyal na akong miyembro!! yehey!
naalala ko nung klase namin sa kimika nung high school. ako lang ang nakasagot kung bakit namamatay ang apoy sa bunsen burner pag sinara ang vent nito.
haha!! kasi walang hangin!!! wow. yun pala ang filipino ng oxygen. andaming matututunan.
medyo malungkot ang lahok ko. pagbigyan nyo na. :P
Vera’s last blog post..LP: Umaapoy
May 15th, 2008 at 2:33 am
Napakaganda ng iyong lahok, LP! Maaari na itong leksyon sa asignaturang Agham, bravo! :)
Ang aking lahok ay hindi literal na apoy,ito ay isang umaapoy na damdamin. Hindi lang dahil ako ay isang ina ngunit dahil talaga namang hindi yata katanggap-tanggap ang ganitong sistema.
Narito:
Umaapoy na Damdamin
julie’s last blog post..Umaapoy na Damdamin ng Isang Ina
May 15th, 2008 at 2:58 am
umaapoy talaga ang kuhang ito…ang bawat litrato dito ay laging akong pinapahanga sa bawat huwebes na dumaan…ang galing talaga…:)
sana ay hindi pa huli ang aking lahok sa linggong ito: http://shamainereyes.blogspot.com/2008/05/lp-7-burning.html
emoterang nurse’s last blog post..LP # 7 BURNING
May 15th, 2008 at 3:16 am
Maganda ang pag ka kuha ng litrato sa itaas. The image is strong and fire “pops” out. Ito po ang aking lahok sa huwebes na ito. Salamat. Magandang Huwebes sa lahat.
Chrys Webster’s last blog post..LP #& Umaapoy
May 15th, 2008 at 4:05 am
medyo nahirapan ako sa konsepto ng umaapoy pero nakaya naman :)
http://www.pinaysakorea.com/2008/05/14/litratong-pinoy-umaapoy
betchay’s last blog post..Wordless Wednesday - Free but not wild
May 15th, 2008 at 4:40 am
Magandang “umaapoy” na umaga sa inyong lahat!!
Ito ang lahok ko sa linggong ito..http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-umaapoy.html
May 15th, 2008 at 4:47 am
wow, dami kong natutunan tungkol sa apoy ah!
up na rin po ang entry ko :)
happy “hottie” huwebes!
Dyes’s last blog post..LP # 7: Umaaapoy
May 15th, 2008 at 4:52 am
Tunay na nagbabagang litrato!
Ang aking LP ay nai-post na:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-umaapoy.html
Salamat!
Jenn’s last blog post..LP - Umaapoy
May 15th, 2008 at 4:59 am
Magandang mainit na Huwebes!
Napaganda naman ng apoy na yan! At madami akong natutunan sa iyong post. Salamat! Eto naman po ang aking nagbabagang apoy
http://www.bu-ge.com/2008/05/litratong-pinoy-ummapoy.html
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Ummapoy
May 15th, 2008 at 5:00 am
sadya ngang nakakamangha ang apoy.maganda huwebes sa lahat.
eto lahok ko:
http://jennys-corner.com/2008/05/lp-7-umaapoy_15.html
May 15th, 2008 at 5:33 am
pangalawang lahok ko… medyo nahirapan pero nakahanap pa rin :)
http://www.pinaysakorea.com/2008/05/15/litratong-pinoy-umaapoy/
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Umaapoy
May 15th, 2008 at 5:44 am
hanep ang ganda ng apoy :) ang init na dito! hehe.
maligayang LP!
iris’s last blog post..Bawal… [litratong pinoy]
May 15th, 2008 at 6:49 am
ganda ng kuha. wala akong masabi :)
maaga ako ngayon: http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
hanggang sa susunod na huwebes!
carol’s last blog post..LP # 7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 7:08 am
ang ganda naman ng larawan nyo!! talagang nag aapoy!
maligayang hwebes po!
ettey’s last blog post..[LP: Umaapoy]
May 15th, 2008 at 8:29 am
Angganda ng kulay - ang tingkad-tingkad! Tinitingnan mo pa lang, parang naiinitan ka na.
Bisitahan niyo rin po ako at meron din akong nagbabagang litrato. Utang na muna ang explanation at di ako makagawa dahil dami ko pang work :D
May 15th, 2008 at 8:34 am
Masarap magpainit sa tabi ng apoy na iyan kung panahon ng winter. :)
Magandang araw ng Huwebes sa lahat! Narito po ang aking lahok: http://munchkinmommy.wordpress.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy/
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 8:55 am
Yung larawan ko din po ay nag-aapoy na,sana ay makita nyo bago pa ito maging abo. :)
http://pixelminded.wordpress.com/2008/05/15/litratongpinoy7-apoyfire/
Willa’s last blog post..LitratongPinoy#7 - Apoy(Fire). . .
May 15th, 2008 at 9:08 am
Ako’y nagbalik! at sana makasama ko kyong lahat sa aking lahok ngayon linggong ito!
Magandang Huwebes!
http://edsnanquil.com/?p=701
May 15th, 2008 at 9:16 am
Masasayang umaapoy po ang aking lahok dito: http://photos.cafemunchkin.com/2008/05/15/lp-7-umaapoy-burning-flame/
Ang ganda po ng larawan ng LP, tulad ng dati.
Salamat po at magandang Huwebes sa lahat. :)
Mapped Memories’s last blog post..LP #7: Umaapoy (Burning Flame)
May 15th, 2008 at 10:18 am
bago pa maabo ang lahat… eto ang sa akin http://jeprocksdworld.com/lp-umaapoy-slight/
May 15th, 2008 at 10:35 am
Magandang hapon sa lahat! Mabuti at hindi na umaapoy sa init dito sa amin dahil umulan na. Maganda ang pagkakuha ng iyong apoy! Ang aking lahok ay parang ganito rin. Dito po matatagpuan:
http://www.chartherct.com/2008/05/15/lp7-umaapoy/
Tere’s last blog post..LP#7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 10:47 am
huwebes na naman and i guess am a bit ontime. hehehehe. umaapoy ang entry natin this week. :) luckily merong aikong isang picture na nakuha na merong apoy.
sunshine’s last blog post..LP - Apoy
May 15th, 2008 at 11:30 am
sa wakas at nakahabol din! at on time pa!
ramdam ko ang init ng kuha mo! hehe yung lahok ko, more on figurative pero nasa tema naman. hehe
happy LP sa lahat!
haze’s last blog post..LP #7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 11:34 am
naway magustuhan ninyo ang kakaiba kong lahok ng “umaapoy” sa pamamagitan ng litrato ng aking anak…
May 15th, 2008 at 12:01 pm
isang naglalagablab na huwebes sa inyong lahat! :)
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy4-umaapoy.html
fortuitous faery’s last blog post..isn’t it IRONic?
May 15th, 2008 at 12:19 pm
huli man daw at magaling, eh nakakahabol pa rin… hehehe. sensya na, eto mainit init pa… tingnan nyo na…
lino’s last blog post..umaapoy…(on fire)
May 15th, 2008 at 1:19 pm
Ayy, sana nakaabot pa ang description ng litrato ko!!
May 15th, 2008 at 1:47 pm
ihahabol ko lang itong lahok ko sa isa kong blog: salamat
http://jennysaidso.com/2008/05/litratong-pinoy-7-umaapoy.html
May 15th, 2008 at 2:28 pm
eksotermikong oksidasyon? wow ang lupet, hahaha!
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
Meeya’s last blog post..LP07: Umaapoy
May 15th, 2008 at 2:31 pm
as usual like ko ang iyong kuha. kaya lang wala kaming pag-asang magkaroon ng fireplace dito dahil hindi naman lamigin ang lugar namin, hehe.
maligayang huwebes, bb. lp! :)
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
Meeya’s last blog post..LP07: Umaapoy
May 15th, 2008 at 2:31 pm
interesanteng impormasyon, admin! salamat…
gusto ko ang kuha mo, maganda ang composition..
maligayang huwebes sa inyong lahat!
May 15th, 2008 at 2:59 pm
isang nag-aapoy na huwebes (kahit na maulan) :D
http://alphadf.com/2008/05/15/lp-umaapoy/
alpha’s last blog post..Questions of the Week 18.
May 15th, 2008 at 3:32 pm
Maganda ang pagkakakuha sa apoy…
Heto naman po ang aking lahok para sa umaapoy na huwebes:
http://manillapaper.com/2008/05/lp7-umaapoy/
Reflexes’s last blog post..LP7: Umaapoy (Burning)
May 15th, 2008 at 3:41 pm
nahuli ako muntik ko nakasing masunog ang aking entry heheh…
lumalagabgab sa ganda!
mousey’s last blog post..LP- umaapoy
May 15th, 2008 at 4:40 pm
napakaganda ng larawan mo ng apoy. napapaso ako, hehehe
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 4:49 pm
heto po ang una kong lahok. sana di pa ako huli.
Leah’s last blog post..LP#7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 5:26 pm
ang saya!!! umaapoy na ang aking pwetan.. ang dami kong dadalawing lahok nyo…
MALIGAYANG HUWEBES sa ating lahat!!! :)
May 15th, 2008 at 7:17 pm
Napakagandang entry at kuha ng larawang iyan. Tunay na naka papaso! Heto naman ang mainit kong lahok
http://www.mariegvergara.com/?p=384
May 15th, 2008 at 8:36 pm
Akmang-akma ang tema natin ngayon dahil mainit dito sa amin ngayon.
Ang ganda ng kuha - you captured the flames well!
Joy’s last blog post..LP #7: Umaapoy
May 15th, 2008 at 10:15 pm
Umaapoy nga ang litrato!!! Ang galing naman ng kuha napakalapit! Hindi po ba kau o un camera nyo nainitan sa pagkuha nyan? Napaka-sharp ng details! Un mismong pag-alab ng apoy ay kuhang-kuha! Nagustuhan ko din ang mga paliwanag tungkol sa pinanggalingan ng apoy. Scientific and Theological view! :) Simula na ng tag-init dito sa Dubai kaya gudlak na lang sa akin.. hehe.. naihabol ko din po ang aking lahok! :) Kung may panahon po kau, lahat ay welcome pumasyal:
http://grey24.multiply.com/journal/item/128/L.P._7_Umaapoy
Nasa kalagitnaan pa din ako ng “hell week” sa opisina kaya humihingi po ako ng paumanhin sa hindi ko pagbisita sa mga miyembro. Ako po ay namamalimos ng oras sa dami ng aking trabaho sa opisina. Isama mo na dun ang pressure ng deadline pero hindi ko po kakaligtaan bumawi sa mga ka-LP! :) Salamat!
May 16th, 2008 at 9:28 am
grabeh. lahat ng nasa ilalim ng unang comment ko dito at nasa taas ko ay hindi ko parin nadadalaw, grabe ka-toxic ang trabaho. dadalawin ko ang mga litrato nyo promise. dalaw din kayo sakin. hehe
Vera’s last blog post..LP: Umaapoy
May 16th, 2008 at 6:15 pm
Ang ganda talaga ng kuha mo. Talaga namang sumisigaw ito ng “umaapoy”.
Haaay nahuli na naman ako, biyernes na! Happy weekend sa lahat!
colby’s last blog post..LP #7 Umaapoy
May 17th, 2008 at 12:29 am
maligayang huwebes sa lahat.
ito ang aking lahok http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=49
pasensya na at medyo nahuhuli na pero alam kong maihahabol parin.
nga pala ang ganda ng kuha nyo sa apoy na yan.
scart’s last blog post..Instant Liquid Baby Formula…
May 17th, 2008 at 2:48 am
late na ako :( pero nakahabol naman.. yahoo
eto sa akin
http://revolutionmotion.com/?p=956
very well explained about apoy hehe..
May 17th, 2008 at 7:48 am
maganda ang tema ngayon…masarap mag-ihaw ng kung anu-ano sa ibabaw ng apoy mo ~:P
eto ang lahok ko sa linggong ito:
http://waltzco.multiply.com/journal/item/9/Litratong_Pinoy_7_Umaapoy
May 17th, 2008 at 1:57 pm
ito po ang aking lahok sa week na ito. http://asecretplace.wordpress.com/2008/05/17/lp-bolang-umaapoy/ sorry po kung late.
leah’s last blog post..LP: Bolang Umaapoy
May 18th, 2008 at 6:46 am
campfire ang lahok ko para ngayong linggo sa temang umaapoy…
http://islfamily.com/?p=34
May 18th, 2008 at 7:35 pm
Sobrang init ng iyong apoy, ako’y napapaso!
Eto naman ang aking apoy.
snagglepuss’s last blog post..Litratong Pinoy : Umaapoy
May 19th, 2008 at 2:45 am
pahirap naman ng pahirap kada linggo ang tema! (pinipilit pa ren humabol sa mga nakaraang tema…)
muntik ko na sunugin ang camera ko para magkaron ng apoy buti na lang naisip ko na meron pala akong naitatabing litrato na me apoy. hehehe
eto po ang aking lahok para sa linggong ito.
http://clickandstick.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-apoy-ng-muling.html
Simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy : Apoy ng muling pagkabuhay
May 19th, 2008 at 3:16 am
hello! ang ganda ng litrato at ng history.
pasensya na at ngayon lang ako nakapagcomment. galing kasi ako sa biyahe pero nung hwebes pa nakaprogram mapost yung lahok ko. sana magugustuhan ninyo :)
May 19th, 2008 at 5:01 am
nakakamangha naman ang mga detalye tungkol sa apoy..eto naman ang aking apoy: http://silentprincess.philanime.com/?p=82
May 19th, 2008 at 5:58 am
nakakamangha tlga ang mga detalye tungkol sa apoy.. eto naman ang apoy ko : http://silentprincess.philanime.com/?p=82
May 20th, 2008 at 11:50 am
nang-iinit!
isa pong pahabol…
http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-7-umaapoy.html
ang inyong lingkod,
maver
May 21st, 2008 at 3:48 am
[...] Kung nais mo pang makakita ng mga “Umaapoy” na litratong Pinoy… bisitahin ang pahinang ito. [...]
May 21st, 2008 at 3:45 pm
syempre..huling muli.
bukas! nakahanda na ako! :)
May 21st, 2008 at 5:47 pm
bago ang aking umaatikabong pagbabalik ay nais kong humingi ng paumanhin sa labis na haba ng aking pagliban. ako po ay nagbakasyon sa pagdaigdigang gagambayani ngunit kung mamarapating mapagbigyan na ako’y magbalik ako ay magbabalik, siksik, liglig at umaapaw. maraming salamat po ;-)