May
7
2008

LP #6 Mahal na INA

Under L.P. By admin

” WALA NANG HIHIGIT PA SA PAG-IBIG NG ISANG INA. ”

Para sa akin, totoo ang mga salitang ito. Kahit paminsan minsan ay hindi kayo (o kami) nagkakaunawaan ng iyong (o ng aking) Ina, pero siya ay mananatiling numero unong tagapagtanggol sa lahat ng oras, mangungunang patahanin ang aking pag-iyak (iyakin pa rin kahit malaki ..ehem, matanda na pala) pagsisilbihan ako hanggang sa kanyang huling hininga (hindi ako tamad, pag nagkakasama lang kami, walang ginawa kundi magluto ng magluto at palakihin ang tyan ko.)

Pero ito ay hindi lamang totoo sa ating mga tao, maging sa mga hayop ay Ina ang laging nasa tabi ng kanyang anak, nag aaruga, nagpapakain, nagpapasaya, handang magtanggol sa lahat ng oras.

Mula sa aking kaban ang mga larawan na ito. Mga kuha nuon nakaraang taon. Itong baby seagull ay napansin kong panay ang ‘palahaw’ at nagtatawag sya. Hindi ko sya iniwan hangga’t biglang dumating ang tinatawag nya..ang kanyang Ina pala. Ang baby seagull ay itong mas darker ang balahibo.

mama1_copy.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Panay ang nganga ng baby seagull at ang Ina naman ay kasalukuyang ipinipilit ibalik sa kanyang leeg ang mga pagkain na inimbak upang ipakain sa kanyang anak….

mama2_copy.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Matapos mai-suka (regurgitate) ay maganang kumain ang anak. Matapos nito makakain at tumigil na sya sa kakaiyak.

mama3_copy.jpg

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Subalit matapos ang ilang sandali ay nagsimula na naman umiyak ang baby seagull…nakita kong papalayong lumundag lundag pawang nagkandirit si Ina papalayo sa kanya.

Minsan kasi ang Ina, nabibingi rin at nagsasawa marinig ang palahaw ng anak. O di ba, parang tao din?

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!

88 Responses so far

  1. Em Dy  May 7, 2008 6:01 pm

    Naku ang ina at inakay!

    Em Dy’s last blog post..Nagmamatyag

  2. Jeprocks  May 7, 2008 6:04 pm

    Ambelesss… meron na din ako http://jeprocksdworld.com/lp-mahal-na-ina/
    Mabuhay ang mga inang Ibon!

  3. Jeanny  May 7, 2008 6:07 pm

    Napakagandang larawan ng nagpapakita ng pagmamahal ng isang ina :happylol:

    Ang akin entry ay naka post na rin po.

    Gandang Huwebes sa lahat.

    Jeanny’s last blog post..LP#6 Mahal na Ina

  4. Linnor  May 7, 2008 6:09 pm

    Mapahayop o tao, dakila ang mga ina….

    Linnor’s last blog post..Mahal na Ina

  5. Kaje  May 7, 2008 6:11 pm

    heheh natuturete din pala ang mga inang ibon :) nakakamangha din ang paraan nila ng pagpapakain ano?

    may lahok na po ako http://kajesalvador.com/?p=127

  6. mousey  May 7, 2008 6:15 pm

    wow! good timing ang mga shot!

    napaaga ang aking mader day’s special…

    maligayang lp sa lahat!

    mousey’s last blog post..LP- Mahal na ina

  7. cathy  May 7, 2008 6:16 pm

    Naalala ka yung pusa namin, may kanya-kanya silang kainan.. ung anak, minsan sumisingit sa kainan ng nanay niya. Hinahayaan lang ng nanay ung anak niya pag ganun. Kapag tapos na kumain yung kuting, tsaka babalikan nung nanay para kumain.

    Sa ngayon… hindi pa naman nag-aaway yung mga-ina. Problema nga lang, hindi na sila nagpapansinan.. hehe.

    Maligayang Huwebes!

    cathy’s last blog post..Pasasalamat

  8. Jeprocks  May 7, 2008 6:23 pm

    wahahahah natawa ako… magkasunod si moussy saka si cathyy… di kaya magkahabulan dito?

    Jeprocks’s last blog post..LP : Mahal na Ina

  9. adinille  May 7, 2008 6:26 pm

    tunay.. wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina…

    ngayon pa lang nais ko nang bumati:
    maligayang araw ng mga ina :)

  10. julie  May 7, 2008 6:34 pm

    Napakagandang mga larawan. Tama ka, kahit ina, dapat me oras para sa sarili. Hindi ito pagdadamot ngunit ito ay para din sa katahimikan ng isip at para sa pagkakataong makasama ang “sarili” bago naging ina at asawa.

    Mahaba ang aking sinulat sa aking tema, ngunit ito ay isinalin ko lang sa ating wika mula sa iang isinulat na akda noong isang taon. Pagod ang isip at pagod ang katawan, isa yan sa mga dahilan bakit walang orihinal na akda.

    Maligayang araw ng Huwebes.

    Isang paunang pagbati ng Maligayang Araw ng Ina sa mga inang kasapi sa LP at sa kanilang mga ina din.

    julie’s last blog post..Mahal na Ina

  11. Dragon Lady  May 7, 2008 7:53 pm

    aliw ako sa komposisyon nang iyong mga litrato, bb. LP! may kuwento talaga ang bawat galaw nang seagull at nang inahin nito. :)

    ang akin pong mga lahok ay maaari na ring bisitahin nang ating mga kasapi. maraming salamat at maligayang huwebes sa ating lahat!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina

  12. peterahon  May 7, 2008 8:00 pm

    Maagang Pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina para sa nalalapit na Mother’s Day sa lahat ng mga ina na kasapi dito sa LP!

    Ito po ang link ng aking entry… Matingkad din ang aking pagmamahal sa ating Inang Bayan, lalo pa at ako’y nangingibang bayan…

    Aling pag-ibig pa,

    dalisay,

    dakila…

    wala na nga wala !

    http://twurl.nl/xyq8im

  13. iska  May 7, 2008 9:12 pm

    ang galing naman talaga at na-capture ang pagmamahalan ng mag-inang seagull! :-)

  14. ces  May 7, 2008 9:40 pm

    ay tunay na tunay…at ang ganda ganda ng larawan na ito pati ang kwento mo! hindi maikakaila ang pagmamahalan ng mag-inang ibon…

  15. ces  May 7, 2008 9:41 pm

    ay hahaha! parang pareho ang comment natin sister iska!

  16. kiwipino  May 7, 2008 10:55 pm

    interesting pic, i was trying to take a photo ng seagull na kasama ng kanyang anak but never saw them together.

  17. Clicking Away  May 8, 2008 12:09 am

    Ang ganda naman ng mga litrato mo, ms admin. Totoong kahit sa mga hayop din ay pareho ang ginagampanang parte ng mga ina.

    By the way, ang laki naman ng baby seagull na iyan… para siyang baby damulag :)

    Clicking Away’s last blog post..LP006 - Mahal na Ina

  18. Pinky  May 8, 2008 12:14 am

    Naku, “guilty as charged” ako doon sa bahaging nagbibingi-bingihan paminsan-minsan - hehehe :)

    Sa lahat ng mga ina - mabuhay tayo! At sa mga “inakay”…may araw din kayo (na kayo naman ang magiging mga ina o ama)! Bwahaha! :lol:
    Pinky’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina

  19. Kaye  May 8, 2008 1:28 am

    Ang ganda ng iyong kuha!

    Magandang Huwebes!

    Mine’s up…

    http://photography-and-me.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

    Kaye’s last blog post..LP # 6: Mahal Na Ina

  20. ettey  May 8, 2008 1:28 am

    napakagandang pagmasdan ng iyong mga larawan… very touching ika nga :)

    maligayang huwebes sa inyong lahat! pati na rin sa aking ina :)

    ettey’s last blog post..[LP: Mahal na Ina]

  21. betchay  May 8, 2008 2:04 am

    ang ganda ng litrato… inggit ako :)

    betchay’s last blog post..Wordless Wednesday

  22. lidie  May 8, 2008 2:07 am

    ina…
    sya’ng laging sandalan,
    sa kalungkutan man o kaligayahan…

    magandang huwebes sa inyo!
    http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

  23. christine  May 8, 2008 2:16 am

    kahit sa mga hayop, iba ang ginagampanang “role” ng ina. :)

    http://strawberrygurl.com/2008/05/08/lp-6-mahal-kong-ina/

    christine’s last blog post..LP 6: Mahal Na Ina (My Beloved Mom)

  24. christine  May 8, 2008 2:23 am

    kahit sa mga hayop, iba ang ginagampanang “role” ng ina. :)

    http://strawberrygurl.com/2008/05/08/lp-6-mahal-kong-ina/

    christine’s last blog post..LP 6: Mahal Na Ina (My Beloved Mom)

  25. nona  May 8, 2008 2:26 am

    Magandang huwebes!
    Natutuwa ako sa larawan mo, isang paglalarawan sa pagiging ina…tao man o hayop ang damdaming ina’y nasa puso.

  26. PinayInTheUS  May 8, 2008 2:42 am

    Magandang huwebes sa inyong lahat :)

    PinayInTheUS’s last blog post..LP #6 Mahal na INA

  27. cathy  May 8, 2008 3:31 am

    @ jeprocks

    haha! magmula noong isang linggo, friends na kami ni ms mousey kaya hindi ko na kami maghahabulan! =)

    cathy’s last blog post..Pasasalamat

  28. haze  May 8, 2008 3:32 am

    ang galing ng timing para maukha ang pagkakataon na pinapakain ng ina ang kanyang supling. nakakatuwa ano, pag naging ina ka na, kahit sa iyo na ang pagkain o gamit, ibibigay mo pa rin sa iba para lang matuwa sila. pag ina ka na, lahat ng sakripisyo gagawin mo para lamang sa mga anak at pamilya mo.

    ang ganda ang tema ngayon.

    happy mother’s day sa mga ina dito sa LP at sa inyong mga mahal na ina.

    hahabol na lang po ako sa aking lahok. paumanhin po. :)

    haze’s last blog post..go speedracer go!

  29. komski kuno  May 8, 2008 3:41 am

    Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina., parang nanay ko:D hehe.
    Haynaku.

  30. rose  May 8, 2008 3:56 am

    kung iisipin, ang hayop ay may damdamin din at pag iisip.. lalong lalo na kung ang pag uusapan ay ang anak,. kahit hayop,. ganong kadakila ang pagmamahal ng ina sa isang anak. tao pa kaya?
    magandang huwebes sa inyo at eto ang sa akin..
    http://revolutionmotion.com/?p=934

    happy mothers day sa mga nanay

  31. Dyes  May 8, 2008 4:30 am

    kung ang mga hayop ay minamahal ang kanilang mga anak, tayong mga nilalang na may pag-iisip pa kaya? maaaring iba-iba lang ang pagpapahiwatig ng pag-ibig ng ating mga magulang sa atin, pero ako ay naniniwala na minamahal pa rin nila tayo :)

    maligayang araw sa mga ina! … at mga anak na rin.

    Dyes’s last blog post..LP # 6 - Mahal Na Ina

  32. Vera  May 8, 2008 4:33 am

    http://tanawko.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-kong-ina.html

    ako po si vera.. 21 anyos, taga maynila. sana makasali na ako ng permanente. :P

    bisita po kayo sa photoblog ko. bago pa lamang ito. salamat!

    at sa aking mahal na ina: linggo mo ito mami. mahal kita!

    Vera’s last blog post..buhok mo’y green

  33. abby  May 8, 2008 4:36 am

    magandang huwebes po!

    abby’s last blog post..Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina

  34. Cookie  May 8, 2008 5:21 am

    Maligayan Araw ng Mga Ina sa lahat ng mga mabuting Ina :)

    Cookie’s last blog post..Has It Been A Year?!?

  35. Cookie  May 8, 2008 5:22 am

    Sorry ha pero naka-post na entry ko. Salamat :happylol:
    Cookie’s last blog post..Has It Been A Year?!?

  36. jennyL  May 8, 2008 6:23 am

    tama ka sa iyong mga sinabi.. magaling at nakunan mo ang ganitong eksena. maligayang Huwebes na lahat !!!

    http://jennys-corner.com/2008/05/litratong-pinoy-6-mahal-na-ina.html

  37. Willa  May 8, 2008 7:45 am

    basta pagiging ina ang paguusapan,walang pinag iba ang tao at hayop. :)

    Willa’s last blog post..Litratong Pinoy#6-Ina (Mother)

  38. Munchkin Mommy  May 8, 2008 8:17 am

    marahil ang ama ang kamukha ng batang ibon. :P up na po ang aking LP. maligayang Huwebes sa lahat!

    http://munchkinmommy.wordpress.com/2008/05/08/lp-6-ina/

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #6: Ina

  39. Mapped Memories  May 8, 2008 8:19 am

    magandang huwebes po! narito ang isang di pangkaraniwang larawan ng aking ina…

    http://photos.cafemunchkin.com/2008/05/08/lp-6-beloved-mother-mahal-na-ina/.

    kitakits! sa umaga na po ako maglilibot gawa oras na po ng tulog dito sa aking kinalalagyan. :D

    Mapped Memories’s last blog post..LP #6: Beloved Mother (Mahal na Ina)

  40. fortuitous faery  May 8, 2008 9:04 am

    nakaka-antig ng puso ang larawan ng mag-inang ibon!

    pasensya na po dahil ang aking litrato ay tungkol sa manika!

    maligayang huebes! :)

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy3-mahal-na-ina.html

    fortuitous faery’s last blog post..cheeseburger suitcase

  41. jules  May 8, 2008 9:52 am

    Kahanga-hanga ang iyong mga larawan! Tunay na nagpapahiwatig ng pagmamahal ng isang seagull sa kanyang anak. Magandang Huwebes po sa inyong lahat!

    jules’s last blog post..Litratong Pinoy #003: Mahal na INA

  42. alpha  May 8, 2008 10:07 am

    happy mom’s day to all the wonderful moms!

    http://alphadf.com/2008/05/08/lp-mahal-na-ina/

    alpha’s last blog post..Questions of the Week 17.

  43. sardonic nell  May 8, 2008 10:12 am

    mabuhay ang lahat ng ina sa mundo… tao man o hayop, ang isang ina’y laging maaruga :love:
    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina

  44. zamejias  May 8, 2008 10:42 am

    Happy Mother’s Day to all mothers. Kala ko hindi ako makasali sa linggong ito …peros salamat naman nagka-break ako…

    http://www.zamejias.blogspot.com

  45. zamejias  May 8, 2008 10:44 am

    Happy Mother’s day to all mothers… Kala ko hindi ako makasali sa linggong ito, pero slamat naman at nagka break ako…

    http://www.zamejias.blogspot.com

  46. bluep  May 8, 2008 11:03 am

    Mother and Love is the universal language of all creatures…

    pasesnya na po huli po ang aking entrada. Dalkawang linggo po akong di nakapagpost kaya eto po sabay sabay ang tatlo na magkakasunod na post.

    http://bluepanjeet.net/1057/ang-mahal-na-ina/
    http://bluepanjeet.net/1055/malungkot-di-mas-shadow/
    http://bluepanjeet.net/1054/gumuhit-sa-langit/

    bluep’s last blog post..Malungkot? Di mas-shadow

  47. Thesserie  May 8, 2008 11:12 am

    Binabati ko mga mothers nating lahat, sana maging puno ng kasiyahan ang kanilang Mother’s Day :love:
    Handa na ang aking share sa linggong ito…pagkabalik ko galing sa vet ay dadalawin jk na po kayong lahat, pasensha na po sa hindi ko nadalaw last week…nagkulang ang oras ko talaga…babawi na lang ako, salamat!!

    LP#6 Christa…mahal na ina

  48. emoterang nurse  May 8, 2008 1:07 pm

    Ang Ina ang pinakadila sa lahat…pati buhay handang ibigay para sa kanilang anak. Kaya Happy mother’s day sa lahat ng mommy.

    Ang ganda ng kuha, mahirap tiyempuhan ang ganyang scene.

    eto naman ang aking lahok…medyo late na…

    http://shamainereyes.blogspot.com/2008/05/lp-6-beloved-mother.html

    emoterang nurse’s last blog post..LP #6 BELOVED MOTHER

  49. Chrys Webster  May 8, 2008 1:11 pm

    Magandang umaga po sa inyung lahat, kakagising lamang, muntik ko na pong makalimutang mag lahok, medyo busy. Sige, I am going to go look at the others entry now. Have a nice week you guys.

    Chrys Webster’s last blog post..LP#6 Mahal Na Ina

  50. star  May 8, 2008 2:32 pm

    Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ina! Maligayang Huwebes sa inyong lahat :)
    Pasok na rin ang aking lahok na larawan ngayong linggo…

  51. incoherent  May 8, 2008 2:52 pm

    ako ay nagbalik! :)

    Bb. LP, kala ko ito ang nanay mo. Hehehe! Ayos ka, ang anak mo pug tapos nanay mo pato. :-D Joke lang! Peace tayo! *mwah mwah*

  52. Jenn  May 8, 2008 2:55 pm

    Ang aking litrato para sa linggong ngayon ay naka-post na.

    http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-na-ina.html

    Jenn’s last blog post..LP - Mahal na Ina

  53. korky  May 8, 2008 3:38 pm

    magandang huwebes sa inyong lahat!

    korky’s last blog post..LP #6 Mahal Na INA

  54. teys  May 8, 2008 3:53 pm

    napaka-angkop na kwento sa iyong litrato, parang napanood ko sa pelikulang Happy Feet. :) Baka magkakilala sila :) he he

    maligayang LP sa iyo!

    mayron na rin akong lahok sa blog ko :)

    teys’s last blog post..LP#6 - Mahal na Ina

  55. colby  May 8, 2008 5:43 pm

    Ang galing, napangiti ako nang makita ko ang larawan mo. Huling huli ang pagmamahal ng inang ibon sa kanyang inakay. Ibang klase talaga maglambing ang mga Ina, ibon man o tao.

    Happy Mother’s Day sa lahat!

    colby’s last blog post..LP #6 Mahal na Ina

  56. Meeya  May 8, 2008 7:36 pm

    ang galing naman, nahuli mo sila sa ganitong posing hehe.

    eto na po ang aking mga lahok for this week. salamat!

    Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
    Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina

    Meeya’s last blog post..LP06: Mga Mahal Na Ina

  57. Meeya  May 8, 2008 7:36 pm

    sya nga pala, happy mother’s day sa mga ina, at sa lahat ng inyong mga mahal na nanay as well. :)

    Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
    Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina

    Meeya’s last blog post..LP06: Mahal Na Ina

  58. nina  May 8, 2008 9:45 pm

    Ang Ina ang Ilaw ng Tahanan, ang matiyagang nag-alaga at naghubog sa atin. Maswerte tayong may mga Ina pa na parati pa rin nating natatakbuhan sa anumang oras at problema. Kaya mahalin natin ang ating ina! Mabuhay ang lahat ng mga Ina! Ang ganda ng litrato mo :)

    nina’s last blog post..LP - Malungkot

  59. nina  May 8, 2008 9:45 pm

    Here’s my link para madali puntahan :)

    http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/05/lp-mahal-na-ina.html

    nina’s last blog post..LP - Malungkot

  60. MommyBa  May 9, 2008 1:39 am

    Ang galing naman at nakuhanan ang eksenang ito! Mahusay talaga!

    Andito naman ang aking lahok sa linggong ito - http://yayaba.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-mahal-na-ina-loving-mom.html

    Happy weekend!

  61. maver  May 9, 2008 1:56 am

    nakakatuwa!
    captured moment ika nga!
    eto naman ang aking lahok…
    http://maver.wifespeaks.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

    maligayang huwebes!

    maver

  62. sunshine  May 9, 2008 3:28 am

    hello! Am 1 day late but i was trying to find the right picture. :D anyway, my entry is up and i wish all moms here in LP a happy mom’s day! I like the theme this week. :)

    sunshine’s last blog post..LP - Mahal Na Ina

  63. Vera  May 9, 2008 3:44 am

    thank you po sa mga bumisita sa aking puto-graphy blog. ahehehe.

    salamat sa mainit na pagtanggap kahit na hindi pa talaga aprubado.

    Vera’s last blog post..buhok mo’y green

  64. scart  May 9, 2008 4:41 am

    Hello sa lahat, ito nga pala ang entry ko para sa paksang ito http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=46. unang entry ko palang ito at umaasang ma-aprubahan din ako tulad ng iba :)

    Sana ay i-welcome nyo rin ako… maraming salamat.

  65. vanidosa  May 9, 2008 6:06 am

    Pwede po bang humabol? Eto po ang aking lahok
    http://vanidosa.blogspot.com/2008/05/litratong-pinoy-mahal-na-ina.html

    vanidosa’s last blog post..Litratong Pinoy - Mahal na Ina

  66. carol bustos-santiago  May 9, 2008 7:00 am

    galing ah! hanep sa timing =)

    eto na ang aking lahok. pasensya na at nahuli.

    http://kennykerol.blogspot.com/2008/05/lp-6-mahal-na-ina.html

    carol bustos-santiago’s last blog post..LP #6 Mahal Na Ina

  67. vanidosa  May 9, 2008 7:07 am
  68. lino  May 9, 2008 7:26 am

    mga friends, passed muna ko dito, wala akong makitang pics eh, hehehe, tsaka medyo busy… next week ulet… :)

    lino’s last blog post..aliwan 2008…2

  69. iris  May 9, 2008 10:26 am

    pasensha na at late na ang pagbisita ko dito. ang galing ng kuha mo bb. admin. :) kakapanood ko lang ng animal planet at madami ng mother’s day specials ngayon. hehe.

    kaya naman hindi ako nakapag-post agad ay dahil sang ayon sa tema ngayong linggo, naging mahal na ina ako sa aking anak na na-hospital simula noong tuesday. ngayon lang kami nakalabas. ang hirap talaga maging ina. pero anyway naka-schedule naman yung entry ko so ayan na po. :)

    happy mother’s day din sa lahat ng mommies dito! at sa mga mommies din ninyong lahat.

    iris’s last blog post..Aking Ina [litratong pinoy]

  70. betchay  May 9, 2008 1:13 pm

    huli man daw at magaling (sana) ay naihahabol pa rin…

    betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Mahal na Ina

  71. haze  May 9, 2008 1:59 pm

    paumanhin po at huli nanaman ako sa pag lahok. natambakan ng trabaho at mga meeting kaya heto at ngayon lang naipasa.

    may mga utang pa akong pag bisita sa mga blog nyo. sa lunes na lamang po.

    happy LP! =)

    haze’s last blog post..LP#6: Mahal na Ina

  72. farah  May 9, 2008 4:44 pm

    napakagandang larawan ng mag inang ibon na nagmamahalan. pasensya na at medyo nahuli ako sa pagsumite ng aking lahok. medyo maaming ginawa lang. :huh:

    http://www.wifeynibangis.com/2008/05/lp-6-dear-mother-super-late-entry.html

  73. dang  May 9, 2008 9:29 pm

    eto po aking lahok sa aking pananaw! sorry po at late, byernes na!
    http://dangcharlie.blogspot.com/2008/05/lp-entry-2-mahal-na-ina.html

    dang’s last blog post..LP Entry # 2 - Mahal na Ina

  74. dang  May 9, 2008 9:31 pm

    nakalimutan kong banggitin na maganda po ang larawan ng mga seagull..at maganda rin ang inyong mensahe tungkol sa mga ina! :)
    maligayang araw sa inyong lahat!

    dang’s last blog post..LP Entry # 2 - Mahal na Ina

  75. addie  May 10, 2008 2:24 am

    hello, LP!

    i want to join, and i just read the instructions. di ako masyado fluent sa filipino but from what i understand, kailangan mga kuha mismo ng mga participants ang mga LP nila. i was browsing through the pages of the other ppl who joined at napansin kong may mga litrato sila na hindi sila ang kumuha, esp for the “mahal na ina” entry. they have pictures of themselves with their mothers when they were kids, or pictures of themselves with their kids. pwede ba yun?

    salamat.

    addie
    ————————————————

    Hello Addie,

    “Isali ang mga larawang IKAW ang nagma-may-ari. Hindi po maaaring isali ang mga larawan o mga dibuho (sketches) na kinuha lamang sa internet.”

    Hindi pinagbabawalan ng Litratong Pinoy na isali ang mga larawan na ang kumuha ay ang tatay, nanay, kapatid, pamangkin, lolo, lola o sino mang kamag-anak at kaibigan ng miyembro ng L.P. Ang mahigpit na ipinagbabawal ay ang nabanggit sa pahinang ‘PAANO SUMALI” - yang nababasa mo sa itaas. Sana ay naliwanagan ka. - L.P.

  76. Neil  May 10, 2008 9:40 am

    patunay lamang na maging sa mga hayop, walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina.

    eto naman ang larawang maiibahagi ko:
    http://www.neilmaranan.com/2008/05/10/lp-6-mahal-na-ina/

    Neil’s last blog post..LP #5: MALUNGKOT

  77. Grey  May 10, 2008 10:31 am

    Huli man daw at magaling… ay… wel… huli pa rin! Hehehe.. Pasensya na mga ka-LP at talaga naman napaka-busy ko nitong buong linggo. Nagkaron kami ng event at wala akong naging bakanteng oras para isumite ang aking litrato :( sa katunayan sumingit lang ako ngaun para ma-post na ang aking entry. Marami akong nakalinyang deadline kaya pasensiya na at matatagalan ang pagbisita ko sa bawat miyembro.

    Napakaganda ng litrato na kuha ni Bb. Admin. Kahit sa mga ibon o hayop ay makikita mo ang walang katumbas na pag aaruga ng isang ina sa kanyang anak. Ang galing nga at na-capture agad un moment na yan! :)

    Ito naman po ang aking lahok, kung hindi kau busy tulad ko ay welcome po ang mga komento! Salamat! :)

    http://grey24.multiply.com/journal/item/127/L.P._6_Mahal_na_INA

  78. photos@reflexes  May 10, 2008 6:20 pm

    Sa kauna-unahan pong pagkakataon, ako ay lalahok dito sa LP. May kuha po ako sa http://manillapaper.com/2008/05/lp6-mahal-na-ina-beloved-mom/ na nagpapatungkol sa ina. Sang-ayon ako sa ibang komento dito… na kakaiba talaga ang pagmamahal ng mga ina.

    photos@reflexes’s last blog post..LP6: Mahal na INA (Beloved Mom)

  79. iRonnie  May 11, 2008 12:14 pm

    mabuhay ang mga ina! nahuli ako ng ilang araw kasi naglipat bahay. paki update na lang po ang aking photoblog link to http://roniverse.com. happy weekend!
    lahok: http://roniverse.com/photo/225-remembrance/

    iRonnie’s last blog post..225. Remembrance

  80. leah  May 11, 2008 3:22 pm

    Ito ang aking pangalawang lahok. Late post po. Sana inyong magustohan.

    http://asecretplace.wordpress.com/2008/05/11/lp-mahal-kong-ina/

    leah’s last blog post..LP: Mahal Kong INA

  81. Neil  May 11, 2008 6:58 pm

    Pasensya na, eto na ang tamang URL ng aking entry. Ano ba nagpalit ng server ang aking host kaya nawala ang dati kong sinulat at pinalitan nila na kanilang pinakahuling “backup”.
    http://www.neilmaranan.com/2008/05/12/lp-6-mahal-na-ina/

    Neil’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina

  82. silentprincess  May 12, 2008 4:53 am

    Tunay ngang sa mga Ina lamang natin makukuha ang walang wagas na pagmamahal.

    Eto naman po ang aking Mahal na Ina: http://silentprincess.philanime.com/?p=80

  83. silentprincess  May 12, 2008 4:56 am

    Tunay ngang sa ating mga ina lang natin mararamdaman ang walang wagas na pagmamahal.
    Eto naman ang ang aking mahal na Ina: http://silentprincess.philanime.com/?p=80

  84. waltz  May 12, 2008 7:34 am

    instinct ng isang ina ang kumalinga sa kanyang mga anak…. tao man o hayop.

    eto ang lahok ko sa linggong ito: http://waltzco.multiply.com/journal/item/8/Litratong_Pinoy_6_Mahal_na_Ina

  85. Vera  May 12, 2008 2:46 pm

    huhu. ambabait naman ng mga blogistang putographer dito sa LP!

    salamat ng madami, at sa mga hindi ko pa nabibisita. sisimulan ko na! NOW na! lol

    Vera’s last blog post..LP: Umaapoy

  86. fotorista  May 12, 2008 3:45 pm

    hahabol ako!!!!
    sino ba ang hindi nakakakilala sa natatanging ina na ito:
    http://gimikerangpotograper.blogspirit.com/archive/2008/05/12/to-my-bestfriend-and-her-angel.html

  87. kaye  May 13, 2008 9:09 am

    pasensya na po, huli na ang aking akda para sa linggong ito…

    kaye’s last blog post..PR

  88. peterahon  May 13, 2008 11:42 am

    maraming salamat sa pagsali sa akin sa listahan ng mga bagong kasapi ng mga litratista dito sa LP.

    Bilang pasasalamat at paggunita sa kapanakan ni Buddha (kahapon 12 May) ito po ang blog link ng larawan ng aking pasasalamat: http://twurl.nl/lgex12

    Salamat po!

Leave a Comment

Name (required)

Email (required)

Website

Comments


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
2008 (c) Litratong Pinoy, Using the Triology Next Brought by Wordpress Themes