LP #13: Pag-aaral
Written by admin from http://litratongpinoy.com on June 25th, 2008 | 74 Comments“Ma, baon ko po? Ma-le-late na po ako sa school!”
Bukang bibig naming magkakapatid tuwing umaga kapag kumakaripas ng takbo at halos mahuhuli na sa pagpasok sa eskuelahan. Nang mga panahon na iyun, hindi namin naisip na ang mga magulang namin ay hindi laging may perang iaabot para lamang bigyan kami ng ‘baon.’ May mga pagkakataong kailangan liitan ang baon dahil sa kagipitan. Apat na batang sabay-sabay na nag-aaral ay sadyang mahirap na pasanin kahit na ang 2 magulang ay kapwang may trabaho. ” Magkaroon kami magandang kinabukasan“, tanging nais ng aming mga magulang.

Pribado o pampublikong paaralan, kapwa itong nangangailangan ng salaping pambayad upang mapag-aral ang mga anak. Saan mang dako ng mundo, taon-taon ay ang pagpapa-aral ang pinaghahandaan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap na kumita ng pambayad sa paaralan.
Sa kasamaang palad ay hindi laging nasusulit ang paghihirap ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay nawalan ng interes sa pag-aaral na konting panahon na lang ay magma-martsa na eto sa entablado upang kunin ang kanyang diploma. O bigla na lamang ito nag-uwi ng nobya na itinanan sa dahilang magkaka-apo ka na. O kaya naman ay napatalsik ng kanyang paaralan sa kadahilanang ito ay matagal ng nagbubulakbol at hindi pumapasok.
Sa kabilang banda, sadyang maraming magulang din ang binigyang ligaya ng kanilang mga anak na nagsikap at nagpakahirap upang makapagtapos ng pag-aaral. Mga anak na nakakaunawa ng paghihirap at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang kinabukasan.
Pag-aaral. Tanging nais ng mga magulang na idulot sa kanilang mga anak.
Pag-aaral. Katumbas ay hirap at pasakit ng ating mga magulang.
Pag-aaral. Pag-igihan. At sana’y laging pahalagahan.
MAGANDANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!!
——————————————————-
Para po sa hindi pa nakakapunta o nagrerehistro sa ating FORUM, i click lamang po ninyo ang dilaw na logo sa ating sidebar para madali itong mapuntahan.
At para din po sa hindi pa nakaka-alam tungkol sa ating Unang Opisyal na L.P. EB/Photo Op sa darating na Agosto 9, 2008, mangyari po lamang na bisitahin ang nakaraang akda or ang ating Forum para sa detalye. Yung mga gustong sumama, MAGPA-LISTA NA PO KAYO NG INYONG MGA PANGALAN!! Maraming Salamat!!






.png)



June 25th, 2008 at 6:03 pm
Up na sa akin! :)
June 25th, 2008 at 6:05 pm
Magastos talagang magpaaral lalo na sa panahon ngayon. Nung araw, kelangan pitong taon bago pumasok sa eskwela, ngayon dalawang taon pa lang pumapasok na. May mga aralin din pag bakasyon. At uso na ang masters. Hay buhay! Magandang Hwebes!
Em Dy’s last blog post..Sige, Ikembot!
June 25th, 2008 at 6:07 pm
Tama ka po bb. admin. Ang mga magulang ay nag nanais lamang na tayong mga anak nila ay makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan
Tayo naman mga anak, bilang ganti dapat pag butihin natin ang ating pag aaral at mapagsipagang matapos ito.
Mabuhay ang mga magulang na laging kabutihan ang hangad at mga mag aaral na nagsusumikap makapagtapos…rock on!!!!
Happy LP sa lahat!
Jeanny’s last blog post..LP 12 Pag-aaral (Ang Tagpuan)
June 25th, 2008 at 6:08 pm
Hay korek kayo! Hindi ba dapat ang pag-aaral ay karapatan at hindi isang pribilehiyo. Ngunit sa taas ng matrikula eh maraming hindi nakakapagtapos.
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-Aaral
June 25th, 2008 at 6:10 pm
Ang DAPAT ay di laging natutupad. Mahilig ka man mag-aral pero wala naman hilig ang pag-aaral sa iyo. Ah, napakahirap talaga!
Ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2008/06/problem-solving.html
Dr Emer’s last blog post..Problem-Solving
June 25th, 2008 at 6:15 pm
hahaha! naku ako ay laging may baon na pag-kain kaya bihira akong may dala dalang pera sa bulsa! noong high school naman, may chips sa eskwelahan kaya d rin pera ang dala ko!
ces’s last blog post..LitratongPinoy#13:Going nuts [Pag-aaral]
June 25th, 2008 at 6:49 pm
chits pala!hehe
ces’s last blog post..LitratongPinoy#13:Going nuts [Pag-aaral]
June 25th, 2008 at 6:58 pm
Buti na lang napatapos ko na ang aking kapatid. akala ko mawawalan ako lagi ng ulirat tuwing bayaran ng matrikula. kalurkey. Up da din ang sa akin! Magandang Huwebes!
jerome aka bridget jones’s last blog post..LP # 13: Pag-aaral (Studying)
June 25th, 2008 at 6:58 pm
syempre proud ako sa mga parents ko na nagtiyaga para makapagtapos ako ng kolehiyo
at alam ko proud at masaya din sila sa aming magkakapatid na nagtulong-tulong para makapag-tapos ang iba pang mga kapatid…
at ito naman po ang aking lahok sa araw na ito:
http://peterahon.blogspot.com/2008/06/i-learned-in-kindergarten.html
kaya dapat pahalagahan ang pag-aaral…
June 25th, 2008 at 7:09 pm
[...] ay ang aking post para sa Litratong Pinoy sa linggong ito na may kategoryang pag-aaral. Ito ay kinuhanan sa PH 428, kung saan ako ay nagkaklase ng PI 100. Maaga pa kaya ala pang tao, [...]
June 25th, 2008 at 7:30 pm
saludo ako sa ating mga magulang sa kanilang pinagdaanan upang mairaos ang ating edukasyon. di ko sukat akalain kung gaano kahirap ang kanilang pinagdaanan hangga’t napagdaanan ko na sya simula nung hunyo :D angherapppp!
eto po ang aking lahok…
http://maver.wifespeaks.com/2008/06/lp-13-pag-aaral.html
June 25th, 2008 at 7:52 pm
Tinamaan naman ako dun. Nag-aaral naman akong mabuti ah, mahirap lang talaga, hehehe. Siguro kung kinulang man ako sa isang bagay ay yun ay ang tiyaga.
June 25th, 2008 at 8:41 pm
Ms Admin, kung alam lang ng mga kabataan kung ano ang hirap na dinadaanan ng mga magulang upang sila ay maipagtapos ng pag-aaral eh di sana ay marami ng estudyante ang nakatapos na ng kolehiyo. Ito ay isang malungkot na realidad.
Maligayang LP!
Clicking Away’s last blog post..LP013 - Pag-aaral
June 25th, 2008 at 9:01 pm
oo nga, malaking hirap talaga ang tinitiis ng magulang para lang sa pag-aaral ng mga anak… kinokonswelo ko ata ang sarili ko
di ko masilip kung magkano yung dollar
dito ko po nilagay ang lahok sa linggong ito:
http://teystirol.com/2008/06/26/lp13-pag-aaral/
salamat po mga ka-lp!
teys’s last blog post..LP#13-Pag-aaral
June 25th, 2008 at 9:32 pm
Nakakalungkot talaga na isipin na may mga anak na hindi pinahalagahan ang hirap ng magulang *sigh*
Pero syempre madami din naman ang nagtagumpay.
Sana makapag-aral ako ulit..kahit man lang photography….sanaaaaa!!
Happy LP and happy Thursday too, everyone!
sana ay madaanan nyo po ako at ang aking camote
June 25th, 2008 at 9:40 pm
natatandaan ko noon, bente singko sentimos lang solve na ang pagkain ko sa eskuela.
eto ang entry ko this week..
http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=35
June 25th, 2008 at 10:51 pm
Hindi ko na kilala ang ibang mga pera na nasa litrato mo Ms. Admin
Salamat at pinakita mo yan dito.
Naalala ko noon kung paano nga ba nagtatatrabaho ang aking mga magulang para mapag-aral kami, sabi nga di ba ay ito nga daw ang magandang pamana ng magulang sa atin, totoong totoo. Gandang huwebes!
http://mirageasusual.blogspot.com/
June 25th, 2008 at 10:54 pm
nakakatakot ang taas ng matrikula ngayon… di ko lubos maisip kung paano nakakaraos ang mga magulang sa tuwing bayaran ng matrikula.. buti na lang matagal na akong tapos sa aking pag-aaral.. mejo nakahinga na ng kaunti ang nanay ko. :)
Huwebes na naman!!!!
June 25th, 2008 at 11:49 pm
nonng nag-aaral pa lang ako pera din ang pabaon sa akin. pero ang anak ko, pinaghahanda na namin ng baong pagkain. :-)
June 25th, 2008 at 11:50 pm
Ang masasabi ko sa larawan, mahal magpa-aral ngayong panahon ngayon. Grabe.
Gusto ko ang topic na ito dahil ako ay isang guro. Ginanahan nga ako kaya dalawa ang ginawa ko, isang Filipino version at English version kasi napahaba ang isinulat ko :D
Eto ang mga lahok:
Pagkatuto
Learning
julie’s last blog post..Learning is Not Just Studying
June 25th, 2008 at 11:51 pm
Happy LP Thursday!
Natutuwa ako, nakakasali na ako linggo linggo hehehe :
Ito ang akin ngayun :)
Aggie’s last blog post..LP #13: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 1:14 am
Napakamahal na ngang mag-aral ngayon, at dagdag pasakit pa sa mga magulang kung magbulakbol pa ang kanilang anak o di kaya ay magsabi sila ng mas mahal na tuition fee para lang makakakupit.
Ang aking LP ay naka-post na rin:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/pag-aaral-schooling.html
Daan kayo ha?
ShutterHappyJenn’s last blog post..Pag-Aaral (Schooling)
June 26th, 2008 at 2:01 am
kailangan magsave at magplano mabuti para sa magandang kinabukasanÜ
June 26th, 2008 at 2:11 am
dahil sa lapit ng bahy namin sa eskwelahan…madalas ay nakakauwi o naghahatid na lang ng baon ng nanay ko…kung di man ako nakapag-baon ng pagkain bago pumasok :)
eto po ang sa akin : http://manillapaper.com/2008/06/lp-footprints-yapak/
Reflexes’s last blog post..LP: Footprints (Yapak)
June 26th, 2008 at 2:48 am
Kung ating balikan ang ating pagiging teen-ager, kaguluhang isip ang ating maaalala. Hindi ko ipinagtatanggol ang mga kabataang pasaway. Sinasabi ko lamang na kapag nalulon sa trabaho ang mga magulang (lalo na kung abroad) at napabayaan ang mga bata, maaring mauwi sa kasawian. Ang sakripisyo ay hindi lamang sa mga magulang. Pati mga anak ay nahihirapan - ang ‘pagkawala’ ng magulang (bagama’t pangsamantala) ay sakripisyo din para sa kanila.
Ang aking kaunaunahang lahok sa LP: Tarang Lumangoy!.
Salamat,
Pinay MegaMom
megamomph.wordpress.com
MegaMom’s last blog post..Tarang Lumangoy!
June 26th, 2008 at 2:50 am
sakripisyo talaga upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kabataan…
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/06/lp-13-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 2:51 am
problema ko rin yang baon nung nag-aaral pa ako… saktong sakto lang kasing pamasahe at pang meryenda…walang pang lakwatsa haha! Isang masayang Huwebes sa inyong lahat! ^_^.
ettey’s last blog post..[LP: PAG-AARAL]
June 26th, 2008 at 2:58 am
eto naman po ang sa akin
http://manillapaper.com/2008/06/lp-footprints-yapak/
Reflexes’s last blog post..LP: Footprints (Yapak)
June 26th, 2008 at 4:12 am
Maligayang Huwebes!!!
Ito na po ang aking lahok.
Litratong Pinoy: Pag-aaral
Nag-aaral ako ngayon ng graduate studies at masasabi kong mahal nga siya. hahaha! :)
ayen’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 4:55 am
Para sa marami sa atin, ang edukasyon ang tanging pamana na maiiwan sa ating mga anak. Sana nga ay matutuhan nila itong pahalagahan. Magandang LP sa lahat!
Pinky’s last blog post..LP #13: Pag-Aaral
June 26th, 2008 at 5:07 am
Sa tatlong anak, malaking porsiyento ng gastusin para sa taon ang matrikula nila. Paano pa kung naging mas marami? Oh no….
Linnor’s last blog post..Pag-Aaral
June 26th, 2008 at 5:22 am
grabe na nga daw ang matrikula sa atin ngayon. :( paano na kaya pag papasok na ang amelie ko, magkano na kaya ang tuition by then? :(
strawberrygurl’s last blog post..LP 13: Pag-aaral (Learning)
June 26th, 2008 at 5:27 am
weeeee hello mga kapatid masaya ako kasi nasa tamang araw ang aking lahok heheehhe ito po http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=69
sana noh ang pag-aaral ay libre nalang lahat sa libre nga publiko pero tadtad naman ang extra curricular
maligayang huwebes mga kapatid!
June 26th, 2008 at 6:09 am
[...] Ito ang aking lahok para sa Linggo ng Pag-aaral ng Litratong Pinoy. [...]
June 26th, 2008 at 6:45 am
eto ang lahok ko. mahirap magpaaral at magaral: http://www.stripeatyellow.com/2008/06/litratong-pinoy-6-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 7:18 am
Noong akoý nag-aaral medyo maluwag pa bulsa ng parents ko dahil ako ang nauna pero dumating din ang panahon na nahirapan na sila sa mga kapatid ko.
Anyway miné up!
June 26th, 2008 at 7:23 am
ayos, ganda ng concept…snapshot lang yung sa kin… :)
lino’s last blog post..pag-aaral…(study)
June 26th, 2008 at 7:44 am
Napakamahal na ngang magpa-aral ngayon. Pano na kaya pag nag-aral si baby!
haaay!
June 26th, 2008 at 8:29 am
namiss ko ang LP, kumusta na kayo?
bb admin, sana mabasa ito ng lahat ng estudyanteng nakakalimot sa paghhirap ng mga magulang nila para lamang silay makatapos…
star’s last blog post..Litratong Pinoy #13: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 9:31 am
ay naku..ang mahal na talaga ngayon!! natatakot na nga kami sa magiging tuition ng mga anak namin pagdating nila ng college. malamang milyones na turing nun.
eto na ang aking entry sa linggong ito http://scroochchronicles.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-itay-at-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 10:24 am
yey hindi ako mashadong huli! :) mahal na nga mag-aral ngayon. kaya nga as early as now, gusto ko ng kumuha ng educational plan para sa baby ko. grabe, preschool palang hihimatayin ka na sa gastos :)
maligayang huwebes sa lahat!
iris’s last blog post..Mag-aral ng Mabuti, kung hindi… [lp]
June 26th, 2008 at 10:57 am
Mabuhay ang mag magulang! Ang hirap talaga magpaaral ngayon. Bukod sa masyado ng mahal, d ka naman sigurado sa “quality” ng edukasyon dahil nagiging negosyo na ang edukasyon sa ating bansa.
Life’s Lessons’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 11:07 am
naalala ko ang baon ko nuong ako ay estudyante…
eto nga pala ang aking lahok
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-pag-aaral.html
kathycot’s last blog post..Thank God
June 26th, 2008 at 11:13 am
eto pa ang isa kong lahok…
http://www.kathycot.com/2008/06/lp-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 11:20 am
eto na po ang sa akin:) naku! hirap na ang mag-aral at magpa-aral ngayon.
http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy5-pag-aaral.html
Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#5 Pag-aaral
June 26th, 2008 at 11:32 am
Magandang Huwebes! Maganda ang ating tema ngayong linggo. Kaya dapat bigyan ng papugay ang mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak kahit magkandakuba na.
Kerslyn’s Comfort Zone’s last blog post..Litratong Pinoy : Pag-aaral
June 26th, 2008 at 12:02 pm
naku miss ko na ang binibigyan ako ng baon araw araw!
ito ang aking lahok:
http://www.mysurfergirl.info/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 12:08 pm
naalala ko tuloy ang mga pangaral ng nanay ko noon na wala syang ipapamana sa akin kundi ang edukasyon.:)
eto ang aking unang paglahok dito sa litratong pinoy:
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
ibyang’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 12:12 pm
tama po kayo, maraming hindi nagpapahalaga ngayon sa edukasyon. nakakaawa tuloy ang mga magulang na nagpapakahirap. :(
nwei, eto naman po ang lahok ko:
http://gallerianeri.blogspot.com/2008/06/sunog-na-kilay-burnt-brows.html
maligayang huwebes din po sa inyong lahat! at maligayang paglilitrato rin! :)
June 26th, 2008 at 12:18 pm
hindi ko po alam kung na-post ang comment ko kaya inulit ko na lang.
eto po ang lahok ko ngayon:
http://gallerianeri.blogspot.com/2008/06/sunog-na-kilay-burnt-brows.html
maligayang paglilitrato sa lahat! :)
June 26th, 2008 at 2:33 pm
nami miss ko na mag-aral sa iskul!
June 26th, 2008 at 2:56 pm
ang pag-aaral ay kayamanan. :) happy thursday sa lahat!
MyMemes: LP Pag-Aaral
MyFinds: LP Pag-Aaral
Meeya’s last blog post..LP13: Pag-Aaral
June 26th, 2008 at 3:08 pm
gusto ko ang larawan ninyo. ang baon kasama sa pangangailangan ng mga bata habang sila ay pumapasok. hindi ko naisip ito. ang naisip ko agad ay libro.
bago ako dito. ito ang una kong pagsali sa litratong pinoy.
http://rumplestilskin.wordpress.com/2008/06/26/litratong-pinoy-1-pag-aaral/
evi’s last blog post..Litratong Pinoy #1 - Pag-aaral
June 26th, 2008 at 3:15 pm
Ito ang aking lahok sa huwebes na ito –
http://www.joarduo.com/2008/06/litratong-pinoy-5-pag-aaral.html
June 26th, 2008 at 3:26 pm
huli na naman ako.. http://alphadf.com/2008/06/26/lp-pagaaral/
alpha’s last blog post..Let’s Bake.
June 26th, 2008 at 3:33 pm
huli man daw at magaling ay huli pa din
sana ay maibigan nyo ang aking lahok ngayong linggo :)
http://www.wifeynibangis.com/2008/06/litratong-pinoy-14-when-east-meets-west.html
p.s.
bb admin, ako po ay taga pilipinas…
June 26th, 2008 at 4:32 pm
magandang araw. pasensya na po at late ako ngayon.
panalangin kong pagigihang mabuti ng aking anak ang kaniyang pag-aaral at huwag siyang mawalang ng interes dito. :)…magmana sana sa akin. hee hee. :P
happy huwebes!
June 26th, 2008 at 4:34 pm
may isa pa akong lahok. :D
may sumunod pa sanang sumali para hindi naman ako ang huli. :)
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #13: Pag-aaral
June 26th, 2008 at 5:21 pm
Ako’y umabot!
http://wifelysteps.com/2008/06/26/mga-aral-dulot-ng-kabuteng-mesa/
Toni’s last blog post..Mga Aral Dulot ng Kabuteng Mesa
June 26th, 2008 at 6:25 pm
Sabi nang aking nanay na noon daw nag-aaral sila ng elementarya eh 5 sentimo lang ang baon nila isang araw ayos na. Kaya noongmag-aaral na ako eh bibigyan ba naman ako ng 5 sentimos din, baka naman kako pwedeng dagdagan ayun ginawang 10 sentimos hehehe.
Isang magandang araw sa lahat.
http://luminosity.kadyo.com/?p=49
June 26th, 2008 at 7:08 pm
Pasensya na po at hindi ako nakadalaw last week. Kung me panahon kayo, pakidalaw na lang ang lahok ko last week at ngayong linggo :)
Sigurado akong pag bumisita ako sa mga bahay nyo ngayong weekend, marami akong makikitang magagandang litrato tungkol sa pag-aaral :)
June 26th, 2008 at 11:01 pm
huwebes pa lang po dito sa east coast!
narito ang aking koleksyon ng mga litrato para sa tema ngayong linggo!
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy10pag-aaral.html
fortuitous faery’s last blog post..shear genius!
June 26th, 2008 at 11:24 pm
Pinay Valedictorian sa elementarya sa Toronto…ang galing galing!
http://pic.blogspot.com/2008/06/ang-galing-galing.html
June 27th, 2008 at 12:18 am
yay, tapos ko na din ang akin. :)
June 27th, 2008 at 3:22 am
naku ms admin, mahirap na nga mag ipon para lang mapaaral sa maayos na paaralan ang mga anak. at matindihang pag iipon ito. sang ayon ako sa akda mo, na may mga anak na hindi alam ang halaga ng pagpapaaral sa kanila ng mga magulang nila.
nakalahok na rin sa wakas. paumanhin at late dahil akoý may sakit.
happy lp sa inyo!
June 27th, 2008 at 6:08 am
up na sakin… sanay masilayan nyo ang napakaganda kong anak sa kanyang unang araw ng eskwela…
June 27th, 2008 at 9:04 am
napakahalaga talaga ng pag-aaral! ang aking lahok para sa linggong ito…
http://islfamily.com/?p=101
magandang araw sa inyong lahat!
June 27th, 2008 at 10:30 am
tama ung sinabi mo! :D
eto nga pala ang lahok ko: http://kennykerol.blogspot.com/2008/06/lp-pag-aaral.html
June 27th, 2008 at 4:41 pm
narito ang aking litrato .. http://www.amazingsincebirth.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
June 27th, 2008 at 5:21 pm
uy dami moolah, pautang ^_^
pero tama ka, para lang makapag aral ngayon kelangan ng malaki laking pera, kaya inis na inis ako dun sa mga estudyante na pabaya, kala nila pinupulot lang ang pera na pinapag aral sa kanila.
June 27th, 2008 at 7:43 pm
Paumanhin po, huli ang aking lahok
http://etcetera-atbp.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-aaral.html
Salamat at isang maligayang huling linggo sa inyong lahat!
LP: Hanggang hindi pa po nagpapalit ng susunod na Huwebes, hindi po huli ang lahok nyo :)
June 27th, 2008 at 10:47 pm
sorry po late na naman. :( but nakahabol pa rin..
naku.. magastos talaga.. lalo na dito sa U.S maswerte ang nakakapag kolehiyo ng walang pinansyal na tulong mula sa gobyerno, dahil ang nakakapag kolehiyo lamang dito malimit ay scholar o kaya mayaman :( hay.. ewan ko kung paano na pag nagkolehiyo ang dalawa kong anak dito :(
eto po ang aking entry
http://revolutionmotion.com/?p=1127
June 30th, 2008 at 7:26 am
better late than never — mine is up!
sunshine’s last blog post..LP - Pag-aaral
July 1st, 2008 at 4:43 pm
sorry at late po ulit ang lahok ko. eto na po :)
korky’s last blog post..LP # 13 Pag-aaral