Article

Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko

Written by admin from http://litratongpinoy.com on April 9th, 2008 | 78 Comments

Bago ang lahat, SA MGA HINDI PO NAKABASA NG MAHALAGANG ANUNSIYO, PAKI KLIK LAMANG PO ITO.

————————————————————-

Kumusta ulit kayong lahat? Huwebes na naman, oras na naman ng kasiyahan sa Litratong Pinoy! Alam kong iba sa atin ay excited na talaga (to borrow your own word) kaya simulan na natin!

Unang larawan, ito ang tatsulok ng aking tripod. Fresh na fresh pa kasi kani- kanina ko lang kinunan ng larawan. [First photo is the 3 corners of my tripod, just photographed it a while back.]

tatsulok1.png

Ito naman po ang silya namin sa kusina na hindi naman nagagamit ng husto dahil mataas sya (hanggang bewang ko) bar stool kasi sya. Kanina ko lang din ito kinunan ng larawan at medyo nahirapan dahil mataas nga at kinailangan ko pa tumuntong sa aming hagdan. Sayang at hindi ko maitago yuong itim na mga paa sa anggulo. [While this is our bar stool in the kitchen which isn't often used because it's quite high just about waisthigh. Shame that I wasn't able to hide the black legs. I used the stairs to capture it.]

silya1.jpg

Maligayang Huwebes sa inyong lahat!!

78 Responses to “Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko”

  1. Em Dy

    Naisip ko ding kuhanan ang tripod mula sa ilalim. Maganda ang concept ng mga larawan mo, Maligayang Huwebes.

    Em Dy’s last blog post..Detalye

  2. iRonnie

    my tatlo ang sulok reporting… :D

  3. mousey

    gusto ko ang kulay mala keso.

    maligayang huwebes po sa lahat!

    mousey’s last blog post..LP- Tatlo ang sulok ko

  4. she

    Ay ang galing nung barstool! Sa akin naman bubong ang larawang napili ko para sa Huwebes na ito :)

    she’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#2 - Tatlo ang sulok ko

  5. Bahchi

    Hindi ko naisip yang tripod. Ok! Up na ang aking entry :)

    Bahchi’s last blog post..LP: Tatlo ang sulok ko

  6. Adie

    Nakapost na ang aking tatlong sulok na larawan!

    Adie’s last blog post..Coming from a large family

  7. Pillow

    Andun na ang aking entry… Magandang Huwebes ng umaga! :)

    Pillow’s last blog post..Litratong Pinoy - Circle

  8. Jeanny

    napakaganda ng ng salumpwet :happylol:

    gandang huwebes sa lahat. bago ako matulog i-popost ko na ang aking lahok para sa linggong ito. http://jeannycdj.com/2008/04/10/lp2-tatlo-ang-sulok-ko/

    tulog na muna ko…bukas na lang ulit. :)

    Jeanny’s last blog post..LP#2: tatlo ang sulok ko

  9. julie

    Napakagandang mga larawan!

    An g aking tatsulok ay kakaiba, bukod sa mahabang kwento, walang tahasang tatlusok ang makikita

    Tatsulok

    Bukas ng hapon ako dadalaw sa mga blag. Maraming salamat po.

    julie’s last blog post..Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas

  10. HiPnCooLMoMMa

    ay oo masakit nga yan sa wetpu…pero ayos ang design, pag ako bibilhin ko din, not for comfort but for the style, haha. ngek parang kakahiya naman ang tatsulok ko, huhuhu :blah:

  11. Aggie

    Meron akong litrato ngaung linggo :)
    http://www.aggietha.com/2008/04/09/litratong-pinoy-2/

  12. fotorista

    Hindi ko alam kung tama ang aking pinaggagawa. Pagpaumanmahin ninyo.
    Eto ang tatlong sulok na aking nasulyapan sa tuktok ng bundok:
    http://fotorista.eyefetch.com/blog.aspx?post=53343

  13. nina

    Maganda yong upuan. Meron na rin akong talong sulok. Bibisitahin ko ang inyong mga larawan sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga (oras dito, GMT+3). Biyernes kasi ang araw ng pahinga dito.

    http://ninariccicruz.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko.html

    nina’s last blog post..What Do You See?

  14. Pinky

    Buhay na buhay ang dilaw na “background” ng tripod - ang ganda ng pagkakakuha! Gusto ko rin ang ideya ng mga upuang tatsulok na ipinagdikit-dikit upang makabuo ng isang bilog.

    “Cinderella Hour” na dito sa kaharian - ibig sabihin ay nai-post ko na rin sa wakas ang entry ko ngayong linggo– yehey! Dadalaw na rin ako sa mga katotong LP - ang saya! :)

    Magandang Huwebes sa lahat!

    Pinky’s last blog post..LP #2: Tatlo ang Sulok Ko

  15. Clicking Away

    Isang ma-”kodak” na umaga sa lahat!

    Lubos akong nagagalak at ako’y tinanggap na rin bilang “probationary” na miyembro ng LP - nawa’y tanggapin niyo ang aking mga “munting alay” sa susunod na dalawang linggo upang ma-permanent naman ako… :D

    Ms Admin, napakamalikhain naman ang pagkakakuha ng iyong mga larawan. Napagandang bungad sa aking opisyal na linggong paglahok sa LP. :)

    Clicking Away’s last blog post..LP001 - Tatlo Ang Sulok Ko

  16. christine

    mukhang mahirap nga upuan ang stool na yan dahil mataas. gusto ko yung concept sa tripod. :) magandang thursday!! :)

    christine’s last blog post..LP 2: Tatlong Sulok

  17. lino

    ayos, mainit init pa, kakapost ko pa lang para sa tema ngayon… :happylol: .

    ganda ng kulay ng shot sa tripod, ayos din ang grain ng wood sa barstool… :)

    lino’s last blog post..tatlo and sulok ko…

  18. zamejias

    Ayos naman ang shot ng tripod…Kaka-post ko lang ng unang entry ko. :-)

  19. lidie

    ang ganda ng iyong pagkakuha ng mga litrato, lalo na ng upuan… halo-halong mga hugis ngunit nangingibabaw ang apat na may tatlong sulok!
    magandang huwebes sa inyong lahat!♥

    lidie’s last blog post..LP #2 :: Tatlo ang Sulok Ko

  20. nona

    ang ganda naman ng pagkakuha, ang mga simpleng bagay ay nagiging sopistikado sa galing ng iyong paglitrato. Ang aking tatsulok ay handa na…tama huwebes na naman at tuloy ang ligaya. Magandang araw ng kasiyahang LP! :)

  21. nona

    Sa mga hindi ko po nabisita ng nakaraang linggo pasensiya na po at medyo may kahigpitan ang browser dito sa bansang aking kinalalagyan lalo na po kayMEEYA, PINKY at iba pa. paumanhin :)

    nona
    http://myfreehand.info

  22. Lizeth

    syempre hindi na ko nagulat na ang galing ng entry mo!!

    i always look forward to your photos! galing!!

    nakapag-post na ako :)

  23. Linnor

    huwebes na ulit! sarap tingnan ng mga kakaibang interpretasyon ng tatsulok…. meron na rin akong entry: http://linnor.marikit.net/2008/04/10/tatlo-ang-sulok-ko/

    Linnor’s last blog post..Tatlo ang Sulok Ko

  24. rose

    wow..super linaw ng pagkakakuha ng tripod..

    mala retro ang upuan..

    eto po ang sa akin..

    di ako sigurado kung makikita ang tatsulok, pero sana.. :)
    http://revolutionmotion.com/?p=832

  25. Ambo

    Wow ang galing ng pagkakakuha both. Ganda ng blending ng mga kulay. Magandang araw po! Ito po si Ambo reporting para sa Litratong Pinoy ngayong linggo! hehehe.

    Maaari din po kayong bumisita sa aking bahay.

    Nota: Sa mga nagnanais na dumalo sa Blogging Summit ngayong Sabado sa UP, kasama po ang Photo Blogging sa mga itatalakay.

    Mabuhay tayong lahat!

    Ambolicious :-)

    Ambo’s last blog post..Litratong Pinoy Week#2 : Tatlo Ang Sulok Ko

  26. korky

    magandang araw! sasali pa lang po ako. sana tama itong ginawa ko.

  27. star

    halika! bisita ka sa aking blog para makita mo na rin ang aking tatsulog entry :)
    bb. admin, ano’ng tabing/background ang ginamit mo sa tripod? ang lamig sa mata ng kulay eh. galing!

    LP: DILAW NA KARTOLINA LAMANG PO =)

  28. EDS

    Magandang huwebes sa inyong lahat! :) Ito ang aking unang lahok, sana ay mkasali at makasama kyo lagi sa aking mga likha! :)

    Eto ang aking tatlong sulok:

    http://edsnanquil.com/?p=559

  29. munchkin mommy

    mabuhay! maganda na naman po siyempre ang mga larawan dito sa website ng litratong pinoy. magtataka naman ako kung hindi maganda. :lol:

    naipost ko na po ang aking mga lahok para sa linggong ito. halos 1:30am na ngayon dito sa texas. matutulog muna ako at magiipon ng lakas para sa matinding pagbabloghop mamaya. tulog muna po ako. :D

    maligayang huwebes sa lahat!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    munchkin mommy’s last blog post..LP #2: Tatsulok

  30. Thesserie

    Maganda Huwebes sa inyong lahat! Uy ha, may mga bagong kasali, masaya na naman ito! :love:
    Eto na ang aking tatlong sulok na akda, sana madalaw nyo….at dadalawin ko kayong lahat umabot man ng buong isang linggo, peksman! :beh: ang dami na kasi natin eh ha ha!

    Thesserie’s last blog post..LP 2: Tatsulok

  31. Buge

    Unang beses ko pong sumali dito. :)

    http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko.html

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Tatlo Ang Sulok Ko

  32. alpha

    ang aking tatsulok..

    http://alphadf.com/2008/04/10/lp-tatlo-ang-sulok-ko/

    alpha’s last blog post..Win $200 and more this August!

  33. ZJ

    Ayy oo nga, ang tripod - bakit kaya di pumasok sa isip ko yun? heheeh.
    Ang gara naman ng bar stool mo!
    Naka-post na rin pala ang tatsulok ko :D

  34. FickleMinded

    sorry po,late na yata ako,but it’s better to late than never. :)

    dito na po ang post ko.

    http://pixelminded.wordpress.com/2008/04/10/litratong-pinoy-tatlo-ang-sulok-ko-i-have-three-corners/

  35. Kaje

    ang ganda ng upuan, parang galing IKEA hehehehe.

    kaka-post ko lang ng tatsulok ko. gandang huwebes sa lahat!!

  36. Inggiterongkuba

    four times a triangle equals pyramid ;-) kainggit tuloy lalo. hahaha

    Inggiterongkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0815 | Tatlo ang sulok ko

  37. bluep

    naalala ko ang paborito kong pagkain, ang Pizza Pie hehe.

    Mine is up mga kapatid!

    bluep’s last blog post..Presenting the OTWOMD custom t-shirt merchandise

  38. bluep

    oops mali ata ang ang comment luv hehe

    eto nalang po ang url
    http://bluepanjeet.net/944/tatlo-ang-sulok-ko-iisang-bangka-tayo/

    bluep’s last blog post..Presenting the OTWOMD custom t-shirt merchandise

  39. abby

    Magandang Huwebes sa inyong lahat! Nai-post ko na din po ang entry ko para sa linggong ito. :)

  40. stel

    Huwebes na rin dito! kami ba ang huli???
    di bale nakahabol rin
    tatsulok

    stel’s last blog post..tatsulok (triangle)

  41. jeprocks

    ako’y uupo… tapos na po http://jeprocksdworld.com/lp-entry-3sulok/

    jeprocks’s last blog post..LP entry : 3sulok

  42. farah

    ang galing naman! ganda ng bar stool ha? :wink: ito po ang aking lahok ngayong linggo humabol din ako para sa nakaraang linggo :l:

    http://wifeynibangis.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy.html

  43. Meeya

    magandang huwebes po! :) bb lp, kung hindi mo sinabing dilaw na cartolina lang yan, tatanungin sana kita kung may studio ka sa loob ng iyong bahay. :) as usual, pangmalakasan na naman ang iyong mga litrato. :)

    ang aking mga lahok naman sa LP ay naka-paskil na rin po. salamat!

    MyMemes: Tatsulok
    MyFinds: Tatsulok

    Meeya’s last blog post..LP02: Tatsulok

  44. Meeya

    ay sorry po, mali ang link ng isa kong lahok, hehe.

    eto na po ang tama: MyFinds. chalamat! :)

    Meeya’s last blog post..LP02: Tatsulok

  45. Lynn

    Gusto ko yang bar stool mo. Nag-blend ang kulay o finishing sa sahig. :)

    Lynn’s last blog post..Tatsulok

  46. Studio Juan

    maligayang bati po sa lahat. may isang oras pa, muntik na naman ako mahuli hehe

  47. LifeIsJunk

    Nakupo. Muntik ko na ring kumuha ng larawan ng tripod. Buti na lang at sumilip muna ako dito sa LP para matingnan kung nagsimula na yung iba. Nahirapan ako dito sa paghanap at buni na lang hinalungkat ko yung lahat ng larawan sa aking kompyuter.

    Eto po yung una kong lahok. Isa pa at sana’y makasama na sa opisyal na miyembro ng LP.

    http://lifeisjunk.eyefetch.com

  48. sunshine

    hello po! sabi nga “it’s better late than never” am catching up guys. sana mabisita nyo ang entry ko this week. mahirap hanapin ang tatlong sulok ha! hehehe

    sunshine’s last blog post..LP # 2 - Tatlo ang Sulok Ko (3 Corners)

  49. Dragon Lady

    isang magandang madaling-araw sa iyo, Bb. LP, at sa lahat nang ating mga katoto! ipagpaumanhin po na nahuli nang mahigit isang oras ang aking lahok para sa linggong ito… ito po’y inyong mabibisita sa http://jacababes.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html :)

    pasenya na po at ginanahan akong maglagay nang kaakibat na kwento (nobela?) sa aking “mga” tatsulok! :P

    at para naman sa iyong mga larawan, ang ganda at tingkad nang kulay sa background ng iyong tripod! wagi at kakaiba rin ang iyong konsepto nang tatsulok ~ lalo pa dun sa bar stool ninyo, hehehe. at syempre pa, kay gagaling nang pagkakuha mo nang iyong mga litrato. :D

    matutulog po muna ako at pagka-online ko ulit mamayang hapon o gabi ay siguradong tuloy ang pagba-bloghop ko sa ating mga ka-LP. mabuhay tayong lahat!!!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #2: Tatlo ang sulok ko

  50. Joy

    Unang beses kong sumali pero nag post ako ng para sa linggong ito pati na nung isang linggo. Mukhang masaya ito. Salamat!

    Joy’s last blog post..Litratong Pinoy:Ako ay Bilog/Tatlo ang Sulok Ko

  51. sardonic nell

    i love the photos, lalo na yong yellow ang background — paborito kong kulay yan! and yong silya, i wonder kong mag-mamarkang “x” yan sa aking behind kong upuan ko sya. heheheh :blah:
    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko

  52. shalimar

    will try tomorrow dear. am here in abacos bahamas… too many beautiful scenery to take photos of..
    but at night i have only darkness and the sound of the atlantic sea …..

  53. Grey

    pagpaumanhin nyo po at napakabagal ng koneksyon ng aking internet sa bahay dahil andami namin naka-konek! hanubayan.. ;( ngaun pa lang ako makakapag post ;(

  54. teys

    ako po ay isang baguhan sa paglahok dito kaya ipagpaumanhin nyo po kung ako’y nangangapa… naengganyo ako sa pagsali kasi naaaliw po ako sa kakaibang diskarte ninyo. :) nahuli po ako pero hinabol ko din po yung tema nung nakaraang linggo… puede nyo pong tunghayan ang aking mga larawan dito :

    http://littlekitestudios.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-ang-pinagmulan.html

    Salamat!

  55. Grey

    Yeheeeeey! Na-post ko na din LP#2 ko! *napa-tumbling sa tuwa* hehehehe! Ang ganda nun konsepto nun tripod! Tatlong sulok nga di ba! Ang ganda pa ng anggulo ng pagkakakuha sa litrato. :) Bisitahin nyo din un litrato ko kahit nakakalungkot na hindi makapag comment ang iba dahil nga Multiply ang gamit ko ;( waaah..

    http://grey24.multiply.com/journal/item/118/L.P._2_Tatlo_ang_Sulok_Ko.

    Nakaka-adik ang Litratong Pinoy!!! :) Galing natin! :)

  56. Dyes

    ang ganda ng mga photos :) ang akala ko sa mga upuan ay mesa hehehe

    up na po ang aking entry. kahapon pa, kaya lang hindi ako nakapag-libot-libot sa mga ibang miyembro dahil may emergency ako kahapon

    Dyes’s last blog post..LP # 2 - Tatlo Ang Sulok Ko

  57. mia

    sa next week na ako makakasali dahil di ako nakaabot nung huwebes..

  58. kaye

    nais ko rin pong sumali sa LP. narito po ang aking akda http://sakura-tattoo.blogspot.com/2008/04/lp-1-bilog-at-tatsulok.html .
    pagpasensyahan ang litrato sa aking unang akda. kuha lamang ito sa aking cellfone camera at may katagalan na ang litrato. sana sa susunod na tema makakuha ng litrato sa aming iba pang stock photos.
    maraming salamat!

    kaye’s last blog post..LP #1&2: Bilog at Tatsulok

  59. dview

    sayang di ako naka-abot …sa susunod na huwebes na lamang… :happylol:
    dview’s last blog post..Dining out!

  60. MARU

    gusto ko yung shot ng bar stool. nag isip ako agad kung paano mo nakunan eh ang taas ng bangko na yan. kala ko nga umakyat ka pa ng kisame. joke! hirap nun ha!

    halatang ang gaganda ng mga camera ninyo, mga kapatid. ako hanggang ngayon ay nakikihiram pa rin sa kapitbahay. :(

    eto naman ang hirit ko sa linggong ‘to.

    http://www.maruism.com/2008/04/11/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko/#comment-4534

    MARU’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko

  61. ris

    astig yung kuha mo ng silya. at yung tripod din :)

    sana pumasa ang kuha ko ng tatlong sulok. :)

    ris’s last blog post..Pating [Litratong Pinoy]

  62. maver

    ang sarap sa mata ng kulay na dilaw. kakaiba din ang upuan. mas type ko syang pagmasdan kesa upuan. :)

  63. komski kuno

    Waaah, tripod, hehe:D Gusto ko kasi bumili ng Gorillapod kaya lang ala akong pera. Tas yung silaya namam, parang xmen emblem, hehe. Gusto ko yung mga silyang matataas:)

    Late nga pala ako sa entry ko, sensya.

  64. ces

    tunay na tunay na napakasaya nito ginang admin! sa katunayan ay nagimbita pa ako ng kaibigan na lumahok sa susunod…
    ito na po ang aking lahok…
    spiCes
    salamat!

  65. matt

    Kaygandang isipin at nakagagalak ang ganitong klaseng blog, lalo na at ito ay likha nang isang Filipino… Sa tingin ko ay isa itong paraan upang makilala ang ating talento sa larangan nang potograpiya… Isa itong oportunidad sa ating mga Filipino na ipagmalaki at ibahagi ang ating sariling komposisyon at emahinasyon sa paglikha nang isang masasabing sining na ang paraan ay ang pag gamit nang ating sariling kamera…

    Naway maging ganap narin akong miyembro nito at para sa mga naka-isip at lumikha nito… Mabuhay kayo at mas lalong maging matagumpay ang blog na ito…

    Gumagalang,

  66. matt

    Ang gandang kombinasyon ng itim at dilaw na kulay tulad noong sa tri-pod at pati na sa ikalawang litrato na maging ang background at subject ay parehong gawa sa kahoy… Sadyang kay galing-galing…

    Gayunpaman, ito po ang aking unang lahok sa kasayahang ito…

    http://espiyangmandirigma.blogspot.com/2008/04/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko.html

    Hanggang sa muli po…

  67. adinille

    napakaganda at lubos na nakakaaliw ang adhikain ng Litratong Pinoy. Nasa pahina ko na ang unang lahok ko. Nawa’y bumilis ang takbo ng panahon (tulad ng sabi ng ating administrador) upang maging isang ganap na miyembro na ako.

  68. cathy

    Magandang araw! Bago pa lamang akong natututong kumuha ng litrato. Nais ko pong lumahok dito upang matuto mula sa mga miyembro at makakuha rin ng mga ideya sa pagkuha.

    Tulad nito, hindi ko agad naisip na ang mismong tripod ay maaaring kunan. Ang ganda pa ng komposisyon at ng kinalabasang kulay.

    Ito po ang aking unang ilalahok. Sana makasali ako sa grupong ito. Salamat!
    http://anakathy.wordpress.com/2008/04/13/loving-cheesecake/

  69. Kaye

    Ang ganda ng tripod mo.

    Ngayon lang ako nag-post. Salamat. Pinagsama ko na sa isang post ang dalawang tema (bilog at tatsulok)

    Salamat

    Kaye’s last blog post..Litratong Pinoy 1 & 2: Bilog & Tatsulok

  70. waltz

    mahusay ang iyong naisip na larawan para sa paksa ngayong linggo.
    narito naman ang lahok ko:
    http://waltzco.multiply.com/journal/item/3/Litratong_Pinoy_2_Tatlo_ang_sulok_ko

  71. jennyL

    maganda ang mga kuha ninyo, naku naisip ko tuloy bumuli ng sarili kong tripod pag uwi ko para d magalaw ang mga kuha ko. Sensya na po huli na yata ang lahok ko di bale sa susunod na linggo sisikapin kong d mahuli..

    eto po entry ko http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-2-tatlo-ang-sulok-ko.html

  72. simplymuah

    maari po bang matanong kung anong lighting ang ginamit dun sa tripod?

    -LP: NATURAL NA SINAG NG ARAW LANG PO, KONTROLADO NG BLINDS NA NAKATABING SA BINTANA.

    to all - pasensya na po at di ko pa napupuntahan ang karamihan ng mga entries. medyo masyado lang pong busy sa ngayon. pangako po ako ay dadaan sa mga susunod na araw.

    eto na po ang aking entry sa lingong ito.

    simplymuah’s last blog post..Litratong Pinoy : Tatlo ang sulok ko.

    LP:

  73. haze

    eto po ang una kong entry at gusto kong sumali sa grupong ito. gusto kong subukan ang aking kakayahan sa pagkuha ng mga larawan.

    eto po ang link: http://haze-unplugged.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html

    salamat!

    haze’s last blog post..LP # 2 Tatlo ang sulok ko

  74. incoherent

    ate!!! homaygad. ipagpatawad mo po ang aking, uh, lapse. sa totoo lang, hindi po talaga siya lapse. may rason po kung bakit inabot ng isang siglo ang aking post. (baka kutusan mo ako kasi walang kwenta ang rason ko. wag po!!)

    hindi na po mauulit (sana). panata ko yan sa iyo, at tutuparin ko sa lubos ng aking makakaya.

    LP: ha ha ha! tita, wala namang late-late..habol lang! NAKAKATUWA NGA ANG MGA HUMAHABOL PA….BOW ANG L.P. SA INYONG LAHAT!

  75. yvelle

    kumusta po sa lahat. gusto ko po sana sumali sa grupong ito, isa po sa mga paborito kong gawin ang kumuha ng larawan. eto po ang una kong lahok. salamat at maligayang araw sa lahat! :)

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-2-tatlo-ang-sulok-ko.html

    yvelle’s last blog post..LP #2 Tatlo ang sulok ko

  76. ettey

    pwede pa akong sumali? first time ko eh! hehe!

    http://etteysnaps.eyefetch.com/blog.aspx?post=53607

  77. kiwipino

    i like the backgrd color, goes well with black.

    eto naman po ang tatsulok ko - http://kiwipinoy.blogspot.com/2008/04/pasintabi-lang-po.html

  78. Kinalimutan na kita. Nagmove-on na ako. » komski kuno

    [...] ideya sa mga pinagsasasabi ko ngayon-ngayon lang. Pero dahil sa kategorya para sa linggong ito ng Litratong Pinoy ay binuklat kong muli, este, binuklat ko na sa wakas ang aking libro sa [...]

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

NOMINATED

    My site was nominated for Best Photography Blog!

CHAT WITH L.P. MEMBERS


Weekly Theme 2008

Archives

Link Buttons



L.P. Flickr

    www.flickr.com
    This is a Flickr badge showing public photos and videos from litratong.pinoy. Make your own badge here.

Acknowledgment

Litratong Pinoy would like to thank
    WordPress Philippines

Members