LP 90: Balak (plan)

Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat, mga kasama! Huling pagsubok sa buwan na ito ng Enero kaya mayroon po tayong Panauhing Litratista. Siya po ay si Bb. Luna ng http://www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com. Halina kayo at pagmasdan ang kanyang magagandang larawan!

Nais ng nanay kong makarating sa ibang probinsya dito sa Luzon lalo na sa Quezon. Gusto ko man s’yang isama, malamang hindi rin s’ya masiyahan. Madalas kasi sa beach ang punta ko at ang nanay ko naman ay takot sa dagat. Minsan sinabi nya na gusto nyang kumain ng seafoods sa Quezon. Kaya balak kong dalhin s’ya sa Silangang Nayon—isang kainan sa Pagbilao, Quezon na nasa gitna ng dagat.

Ano sa tingin mo?

Next Page »