Markahan Sa Kalendaryo: EBaliwan Part II!

April 20, 2010 by  
Filed under News & Updates

EBaliwanista 2009

Since maraming photo enthusiasts ang pumupunta sa taunang Aliwan Fiesta, atin muling gamitin ang pagkakataong ito upang magkita-kita!

Inaanyayahan ang lahat ng lumalahok sa Litratong Pinoy sa EBaliwan Part II. Maaari ninyong isama ang inyong mga kaibigan. We will not mind.. :D Narito ang mga detalye:

EBaliwan Part II
April 24, 2010 – 12noon to 2pm
Kenny Roger’s Roasters
SM Mall of Asia
Hanapin lamang ang naka Litratong Pinoy tshirt.

Inaasahan ang maraming tao sa MOA sa araw na ito at maaring magkaroon ng last minute changes kaya’t ang lahat ng may balak dumalo ay pinapayuhang i-email ang kanilang cellphone number sa . Ibibigay din namin ang aming contact numbers sa aming pagtugon.

Sana ay muli naming makasama ang mga EBaliwan-ista noong isang taon at mga bagong EBaliwan-ista. Kitakits tayo sa Sabado!

« Previous PageNext Page »