LP 192: Babae

March 8, 2012 by  
Filed under General, LP entries

Mahirap daw unawain ang babae. Mahirap nga ba?

Paano na ang daigdig kung walang babae? Lalaki, paano ka na kung wala sya?

May sasabihin ako sa inyo na sana ay atin-atin na lamang. Ayon sa aking dentista, ang kanyang mga babaeng pasyente ay halos mas matatapang keysa sa kanyang mga lalaking pasyente! Mas matataas daw ang panglaban ng mga kakabaihan sa sakit keysa sa mga lalaki, ika ng dentista.

Abaý tama naman, hindi po ba? Aber, lalaki….sige nga ikaw ay magsilang ng isang sanggol.

Ang babae. Siya ay pakamahalin mo.

« Previous PageNext Page »