LP 184: Balak (plan)
January 12, 2012 by T
Filed under General, LP entries
Marami ako’ng kilalang tao na kung tatanungin mo kung anong trabahong-bahay ay pinaka ayaw nilang gawin ay…tadah! ang sagot ay, pamamalantsa! Bakit nga ba? Bukod sa paglalaba, pamamalantsa na yata ang nasa numero uno (na ayaw gawin) sa listahan ng nakakarami.
Naiintindihan ko naman kung bakit, lalo na kung sa isang bansang napakainit ng panahon, tiyak na tatagatak ang pawis mo habang ginagawa ito, hindi ba? Kaya naman marami sa atin ay kailangan pang planuhin ang araw ng pamamalantsa, kumbaga ay kailangan nasa mood ka bago hawakan ang plantsa
Ikaw, pinaplano mo rin ba ang araw ng pamamalansta mo?
Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!


