Forced Flash ON
January 18, 2010 by T
Filed under Photo Tips
Kapag tayo ay kumukuha ng larawan sa ilalim ng araw, ang pag-iisip natin ay hindi na kailangang gumamit ng ‘flash’ dahil sapat na ang liwanag ng araw upang bigyang buhay ang ating ‘subject’ (ang tao o bagay na nais niyong kunan ng litrato).
Kung minsan, mapapansin sa inyong mga larawan na masyadong matingkad ang mga anino (shadow) na naiiwan sa paligid o harap ng subject. Pinakamalala ang epekto nito kapag tanghali kung saan tutok na tutok ang araw.
Upang maiwasan ito, maaari kayong gumamit ng ng ‘flash’ upang labanan o kontrahin ang epekto ng mga anino. Ilagay lamang ang mode ng inyong flash sa FORCED FLASH ON. Paalala lang na iba ito kaysa sa mode na AUTO FLASH, sapagkat pag may sikat ng araw ay hindi magfa-fire ang flash sa auto mode.
Kung kayo ang naka-dslr, maaaring baguhin ang flash exposure sa -1, -2 o -3 upang hindi masyadong malakas ang flash. Sa p&s camera naman, maaaring baguhin ang exposure compensation (hanapin lamang ang simbulong EV, at palitan ito sa -1 o -2 hanggang sa naaayon na ang liwanag).
Unang halimbawa: maliwanag ang paligid ngunit kayo ay nasa ilalim ng bubong. Kapag walang flash, si Teddy ay walang buhay ang kulay. Mapapansin sa kanang larawan na mas litaw na ang pagka-brown na kulay ni Teddy.
Pangalawang halimbawa: maliwanag ang paligid ngunit ang subject ay nalilimliman ng puno, gusali, etc. sa larawang ito, may puno sa taas ni santa claus kaya’t may aninong humaharang sa kanya. Sa kanang larawan ay mas litaw ang pulang kulay ni santa claus kapag mayroong flash.
Maaari rin gamitin ang FORCED FLASH ON kapag mayroong liwanag sa likod ng inyong subject.
Photographer/ contributor:
Who: Si Eye ay isang amateur/enthusiast na nahilig sa (landscape)
photography kasabay ng pagkaadik nya sa paglalakbay at pag-akyat ng
bundok. Sa kanyang linya ng trabaho bilang isang inhinyera ay madalas
din syang kumuha ng mga litrato (lagi nga lang sa macro at sa
microscope hehe!)
What: Nikon D70, 18-70mm, 50mm, SB-600.
When: Taong 2004 nang bumili si Eye ng second-hand na Nikon F60 (at
mga lenteng 28-80mm at 18-200mm). Taong 2005 naman nang nakaipon para
mag-upgrade sa DSLR.
Website: http://eyefocus.wordpress.com



