Archive for the ‘balita at impormasyon’ Category

Jun-12-2009

Litratong Pinoy is proud to present to you….

Aba eh, malay nyo may L.P. litratistang manalo, o di ba?!

Naalala nyo pa ba ang mga katagang binitiwan ko na iyan nuong buwan ng Abril, dito sa akdang ito?Ang tungkol sa EBaliwan at photo contest na isinagawa ng Manila Broadcasting Company na may temang “Sining Makulay” , naaalala nyo ba?

Masaya ko pong ipinapaalam sa inyo na isa nga sa ating miyembro, ang ating opisyal na potograpo sa Pilipinas na si LINO ay nagwagi sa patimpalak na ito!

HALAKI-AYKI-AY

halaki-ayki-ay-copy

nakuha po nya ang pang-apat na puwesto at sya din po ay nagwagi ng salapi! (hindi ko na ilalagay ang halaga kasi nakahingi na po ako ng balato, ha! ha! ha!) Hindi pa po updated ang website ng aliwanfiesta.com.ph pero abangan nyo na lang po.

Mabuhay ka Lino! Pinatunayan mong may puwang ang mga amateur na gaya mo sa mundo ng propesyonal na potograpo! Litratong Pinoy is proud of you!  Mga kasama, halikayo at batiin po natin sya!

Posted under Kalahatan, balita at impormasyon
May-11-2009

2nd batch of shirt printing

Mga kasama, ikinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na sa dahilang aalis po ng bansa ang mismong ini-oderan at printer ng ating tshirts ay HINDI PO MUNA NATIN ITUTULOY ANG PAGKUHA NG BAGONG ORDERS NINYO. Wala daw pong kasiguraduhan ang balik ng printer sa Pilipinas. Pero hindi po ito nangangahulugan na wala nang susunod na t-shirt printing, hahanap po tayo ng iba at kapag naiayos na ay ipapaalam sa inyo.

Sa mga nakapag-paunang bayad na ay ip-print po ang mga orders nyo, huwag kayong mag-alala. Makukuha nyo po ang mga ito.

  • Jes
  • SassyMom
  • Meeya
  • Julie
  • Nina
  • Dang

Yung mga may L.P. tshirts, abangan po ninyo at may paggagamitan tayo ng mga shirts ninyo!! :)

Magkitakita po tayo bukas para sa temang ‘Simula pa lamang”, abangan po ninyo at may panauhing litratista po tayo. Maraming salamat.

Posted under balita at impormasyon
Apr-24-2009

EBaliwan na bukas!

Huwag ninyo kalilimutan na sa darating na Sabado 25, 2009 na ang ating Summer EB: EBaliwan sa Litratong Pinoy!

Inaanyayahan po natin ang lahat ng miyembro sa araw ng Sabado, Abril 25, 2009 petsang aming napili para po sa ating EB/ Photo Op, at saan ito? Syempre pa sa darating na  ALIWAN FESTIVAL 2009! Paki-click lamang po ninyo itong link para malaman nyo ang ukol sa Festival na ito.
Bukod sa pagtitipon ng mga Litratong Pinoy na miyembro ay tiyak na gaganahan din kayo sa  pagkuha ng mga larawan  dahil may pa-contest po ang  MBC (Manila Broadcasting Company) sa araw na ito na bukas para sa mga amateur at propesyonal na potograpo!
Manila Broadcasting Company will again mount a photography competition in line with this year’s Aliwan Fiesta celebrations.  Because the festival literally bursts into a riot of colors that sizzle with the heat of summer, this year’s theme will be “Sining Makulay.”

Eligibility
Open to both amateur and professional photographers.Photos should be taken on April 25, 2009, during the grand parade/competition proper, and should not have won nor have been published in any manner of form; Participants may use any digital or film-based camera. Entries must be printed in full colour on any brand of photo paper in 8R size (8 inches x 10 inches).

Manually retouched and/or painted over print outputs, and any form of major manipulation of the main image are not allowed, although. digital retouching on density, contrast adjustments, minor cropping, burning, and dodging may be tolerated.  Creative effects done within the camera at the time of exposure e.g. multiple exposures, flash fill, lighting, filtration, etc. are allowed.

Maximum of three entries per photographer.

Prizes at Stake
First Prize                   P50,000
Second Prize              P25,000
Third Prize                  P10,000

Basahin nyo pa DITO ang ukol sa pa-contest na ito. Aba eh, malay nyo may L.P. litratistang manalo, o di ba?!
Saan at anong oras po tayo magki-kita-kita:
Meeting time and place (let’s have lunch!) :
  • 11am (Alas onse ng umaga po)
  • Dencio’s Bar and Grill

Ground Level, Building 2
Harbor Square
Pedro Bukaneg St.
CCP Complex, Malate
Manila, Metro Manila

after lunch and chikachika:
- Grand Parade : Aliw Theater Complex to Quirino Grandstand - 3:00 p.m.
- Awarding Ceremonies :Quirino Grandstand - 9:00 p.m.
Depende na po sa inyo kung magtipon-tipon pa rin para sa parada. Pag-usapan na lang natin sa araw na ito. Magdala po kayo ng extrang baterya para sa mga camera ninyo at baka magkaubusan dahil sa dami ng floats at streets dancers na participants, tiyak mag eenjoy kayo sa pagkuha ng mga larawan!
Mga siguradong dadalo sa EB:
  • Ronnie
  • Lino
  • Eloise
  • Jenny L
  • Buge
  • Jay
  • ShutterHappyJenn
  • Sassy Mom
  • Julie
  • Ajay
  • Jeanny
  • upto6only
  • next! (iwan mo lang sa komento ang pangalan mo kung interesado ka)
++++++++++++++++++++++++++++++++++

Printed and shipped na po ang mga tshirts ninyo! Maaring tulad ni Libay ay natanggap nyo na ang mga ito o kung hindi pa, abangan nyo lang at darating na ang mga ito! Ipagbigay alam nyo agad kung nakuha na ninyo.

Pasalamatan po natin ang masigasig na si Ronnie na talagang kayod ng husto sa kakabyahe sa init ng araw para maayos ang mga ito. Pasalamatan din po natin  sina Jeff at Eloise na tumutulong din sa proseso.

Abangan nyo ang anunsyo ukol sa pangalawang batch ng shirt order/printing.

Posted under Kalahatan, balita at impormasyon