LP 115: Tawid (Cross)
July 22, 2010 by R
Filed under LP entries

Maaaring sa nakararami, ang pinakamahalagang parte ng pagtakbo ay ang pagtawid sa finish line. Sa aking pananaw, ito ay isang bahagi lamang ng kabuuan. Ang fulfillment mo sa pagtawid ay depende sa iyong performance all through out the race. Kung ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya before and during the race upang makatawid sa pinaka maigsing oras na iyong makakaya ng hindi nandadaya, malamang kahit kulelat ka ay magiging lubos ang iyong kasiyahan. Hindi ba’t parang kagaya din lang sa ating buhay?

