LP 116: Gusto/Ginusto

July 29, 2010 by R  
Filed under LP entries

Isa sa mga bagay na gusto kong magkaroon ay ang Bonsai. Nakatutuwang pagmasdan kung paanong ang isang maliit na halaman ay nagiging mukhang matayog na puno. Ngunit kahit gusto kong magkaroon nito, ang pagbili ay malayo sa aking hinagap dahil bukod sa mahal na halaga ng mga ito, nais kong ako ang mismong maghuhubog nito.

Nakikita ko ang pagbo-bonsai na isang gawaing nangangailangan ng mahabang pasensya. Ito ay isang gawaing puno ng paghihintay at pagpupursigi. Mga katangiang alam kong kulang sa akin. Kaya sa susunod na buwan ay akin ng sisimulang hubugin ang kauna-unahan kong Bonsai. :D

~

MAHALAGA!
Isa sa mga bagay na hindi ginusto ng pamunuan ng Litratong Pinoy ay ang pagkakaroon ng maikling “break” sa ating palaro. Ngunit may mga ilang pangyayari na hindi inaasahan kaya’t pansamantalang isususpindi ang mga tema sa buwan ng Agosto. Aming ia-anunsyo sa mga dadating na linggo ang mga tema para sa pagbabalik natin sa Setyembre.

Maging mabunga nawa ang bawat isa hanggang sa muli nating paglalaro.

Next Page »