Administrator
Post by admin:
LP #13: Pag-aaral
Written on June 25th, 2008 | 74 Comments“Ma, baon ko po? Ma-le-late na po ako sa school!”
Bukang bibig naming magkakapatid tuwing umaga kapag kumakaripas ng takbo at halos mahuhuli na sa pagpasok sa eskuelahan. Nang mga panahon na iyun, hindi namin naisip na ang mga magulang namin ay hindi laging may perang iaabot para lamang bigyan kami ng ‘baon.’ May mga pagkakataong kailangan liitan ang baon dahil sa kagipitan. Apat na batang sabay-sabay na nag-aaral ay sadyang mahirap na pasanin kahit na ang 2 magulang ay kapwang may trabaho. ” Magkaroon kami magandang kinabukasan“, tanging nais ng aming mga magulang.

Pribado o pampublikong paaralan, kapwa itong nangangailangan ng salaping pambayad upang mapag-aral ang mga anak. Saan mang dako ng mundo, taon-taon ay ang pagpapa-aral ang pinaghahandaan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap na kumita ng pambayad sa paaralan.
Sa kasamaang palad ay hindi laging nasusulit ang paghihirap ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay nawalan ng interes sa pag-aaral na konting panahon na lang ay magma-martsa na eto sa entablado upang kunin ang kanyang diploma. O bigla na lamang ito nag-uwi ng nobya na itinanan sa dahilang magkaka-apo ka na. O kaya naman ay napatalsik ng kanyang paaralan sa kadahilanang ito ay matagal ng nagbubulakbol at hindi pumapasok.
Sa kabilang banda, sadyang maraming magulang din ang binigyang ligaya ng kanilang mga anak na nagsikap at nagpakahirap upang makapagtapos ng pag-aaral. Mga anak na nakakaunawa ng paghihirap at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang kinabukasan.
Pag-aaral. Tanging nais ng mga magulang na idulot sa kanilang mga anak.
Pag-aaral. Katumbas ay hirap at pasakit ng ating mga magulang.
Pag-aaral. Pag-igihan. At sana’y laging pahalagahan.
MAGANDANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!!
——————————————————-
Para po sa hindi pa nakakapunta o nagrerehistro sa ating FORUM, i click lamang po ninyo ang dilaw na logo sa ating sidebar para madali itong mapuntahan.
At para din po sa hindi pa nakaka-alam tungkol sa ating Unang Opisyal na L.P. EB/Photo Op sa darating na Agosto 9, 2008, mangyari po lamang na bisitahin ang nakaraang akda or ang ating Forum para sa detalye. Yung mga gustong sumama, MAGPA-LISTA NA PO KAYO NG INYONG MGA PANGALAN!! Maraming Salamat!!
LP# 12: ITAY
Written on June 18th, 2008 | 67 CommentsGaya po ng nakikita ninyo, hindi Pinoy ang aking lahok na AMA. Ito po ang ama ng aking kabiyak, 83 taong gulang na po sya.
Tumatayong ina at ama sa aking kabiyak at kapatid nito sa nagdaang dalawang dekada hanggang sa kasalukuyan. Siya ang tipo ng ama na gagawin lahat para sa kanyang mga anak. Kayang kaya ninyang gampanan hindi lamang ang papel ng ama kundi lalo na ng ina. Nuong hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay kanyang ginampanan ang paglalaba, paglilinis ng bahay, pamamalengke, pagluluto, lahat ng trabahong ina at ang mga nabanggit ay normal para sa kanya. Sa aking pagkakaalam, walang pagkakataon na iniwan nya ang kaniyang pamilya simula ng sya ay magkapamilya para lamang sumama sa mga kabarkada na mag ‘relax’ sa pub na normal na ginagawa ng ibang kalalakihan dito. Para sa kanya, pwede kang mag relax na kasama mo ang buong pamilya mo. Kaya ganun na lang ang higpit ng kanyang relasyon sa aking kabiyak.
Nalagpasan ang 2 pandaigdig na digmaan. Nalagpasan ang hirap sa kalooban na mamatayan ng mga mahal sa buhay na higit na nakababata sa kanya. Kasalukuyang nilalabanan nya ang prostate cancer sa pamamagitan ng positibong pananaw pa rin sa buhay. Paminsan-minsan ay nakakaramdam ng pagkalungkot sapagkat hindi na nya magawa ang mga bagay na nagagawa nya nuong sya ay medyo bata pa. Alam nyo bang kung kakayanin nya lang ay araw araw nya ipagluluto ng paboritong pagkain ang aking kabiyak? Paborito kasi nya ang pagluluto.

Hindi man sya Filipino ay paborito naman nyang kainin ay ang ating TAPSILOG o TOCILOG o kombinasyon nito.

Sa aming bahay ay madalas yan ang iniluluto kapag dumadalaw sya. Paborito din nya ang sinigang na baboy, pritong daeng at adobo. Pinoy na pinoy, ano po?
Mabuhay ang mga Ama! Salamat sa inyong pangangalaga sa inyong mga pamilya.
*****************************************************************
Sa mga hindi pa po nakakaalam, ang ating FORUM ay bukas na po at lahat kayo ay inaanyayahan dito. Nasa sidebar po ang button, i-click nyo lang ito para madali mapuntahan.
Litratong Pinoy Forum
Written on June 17th, 2008 | 5 CommentsDear L.P. members, we’re happy to announce that our very own FORUM is Up and Running! Kindly click this forum link or the image below for easy access. Sign up and have fun!
L.P. wishes to thank iRonnie for customizing our new WP Theme.
For our members celebrating their birthdays, from now on you may greet them at the Forum. So do not forget to include your birthdays when signing up, for it to show automatically at the bottom of the board.
special mention: L.P. member, Ms. Ces of cesanciano.net/spices recently launched her food photo meme known as LA.PI.S …check out her blog for more information.
SEE YOU AT THE FORUM!
LP #11: Kalayaan
Written on June 11th, 2008 | 83 CommentsMalamang ay nagtataka kayo kung ano kinalaman ng aking larawan sa ating tema ngayon Huwebes? Inaanyayahan ko kayong basahin ang maikling kuwento sa ilalim ng larawan at malalaman ninyo kung bakit. Medyo kakaibang klaseng kalayaan lamang po ang aking akda sa Huwebes na ito.

Ang kapatid ko ay nagtatrabaho sa Gitnang Silangan kung saan ay nakilala nya ang isang mabait na kakabayan na kasama nya sa kumpanya. Itago na lang natin sa letrang R ang kasamahan sa trabaho ng kapatid ko. Base sa mga kwento ng aking kapatid, naging kaibigan nya talaga si R at pagpapatunay na lagi itong tumutulong kapag kinakailangan ng aking kapatid. Si R din ang matyagang nagbantay sa aking kapatid nang kinailangan operahan ito at mahimpil sa ospital. Para talaga silang magkapatid.
Subalit may gumulo sa isipan ng kapatid ko dahil isang araw ay kinausap sya ng masinsinan ni R at inihabilin lahat sa kanya ang usernames/passwords ng kanyang mga e-mail accounts, numero kung saan maaring tawagan ang kanyang ina at kapatid sa Pilipinas. Naghahabilin na ito at derechahang sinabi sa kapatid ko ang balak nya. Bukod kasi sa depresyon, may sakit din si R at may hinanakit sa ama na umiwan sa kanila nuong sya ay bata pa. Gusto na raw nya makalaya sa mga hinanakit at sama ng loob na dinadala nya. Hindi na raw nya kakayanin pa. Magmula nuon ay lagi na itong binabantayan ng kapatid ko, inaalo kapag nalulungkot, at tuwing libre sila sa trabaho ay niyaya na mag out of town para malibang. Ginagawa lahat ng mga kasamahan din sa trabaho ni R ang lahat para ito ay hindi makadama ng kalungkutan.
Hanggang sa inilipat sa ibang sangay ng kumpanya ang aking kapatid ng kanilang boss. At ang sangay ay nasa ibang bansa. May hinabilinan ang aking kapatid na tumingin kay R, na lagi itong aaliwin at subaybayan. Makaraan ang ilang buwan na pagkakalipat ng aking kapatid sa ibang bansa, isang dating kasamahan sa trabaho ang tumawag sa kanya. ‘Wala na si R’ sabi nito. Itinuloy nya ang ‘pangako’ nya. Nanlulumo at malungkot na tumawag sa akin ang aking kapatid para ihatid ang balita.
At ang nasa larawan sa itaas? Ganyan ang ginamit ni R upang makalaya sa sakit, hirap ng kalooban at isip na madaming taon nyang tiniis.
Ang tanong lang naming magkapatid ay: “Nakamtan nya kaya ang kapayaan matapos makalaya?”
Anunsiyo
Written on June 9th, 2008 | 9 Comments1) Malugod pong inaanunsyo ng L.P. na magkakaroon po tayo ng FORUM sa kadahilanang:
- Kailangan ng proper channel kung saan ay pwedeng pag-usapan ang ating mga ideya o mga panukala.
- Ating mabati sa tamang araw ang mga magseselebra ng kanilang kaarawan.
- Kung may mga threads, mas malaki ang tsansa nating magkakilala.
- Atbp.







.png)


