LP 191: Sapin sa Paa.

March 1, 2012 by  
Filed under General, LP entries

‘Nakayapak ka na namang bata ka!! Isuot mo ang tsinelas mo, dali!’

Parang naririnig ko pa ang boses ng lola ko o nanay ko kapag nakikitang nakayapak ako lagi. Bata kaya naturingan na minsan ay matigas ang ulo at kahit sa maduming sahig ay ‘nakapaa’ o walang sapin sa paa.

Naalala mo pa ba noon ang uri ng mga tsinelas? Hindi ba’t simpleng goma lamang na minsan ay suot pa sa eskwelahan lalo kung tag-ulan?

Sa panahon ngayon ay nag-gagandahan na ang mga sapin sa paa. Sa mga tsinelas lamang ay may mga branded pa at mamahalin. Natutuwa kaya ang mga paa natin kapag mahal ang isinusuot natin sa kanila?

Oras na ulit ng Litratong Pinoy! Maligayang pag uumpisa ng buwan ng Marso sa inyong lahat at Mabuhay po kayong lahat!!

Comments

5 Responses to “LP 191: Sapin sa Paa.”
  1. Mirage says:

    Sabi nila pinakakawawa daw ang ating mga paa lalo na kung mahilig tayong maglakad…kaya naman yung malambot at komportableng sapin ang dapat na gamitin! Happy LP!

  2. Thess says:

    Narito naman ang aking ‘sapin sa paa’

    Happy LP!
    Thess´s last [type] ..High heels alert! High heels alert! (LP 191: sapin sa paa)

  3. Dinah says:

    ay,paborito ko pa rin ang tsinelas bilang sapin sa paa. mura na, reliable pa!

    Sapin sa Paa

  4. Tito Eric says:

    Maayong buntag!

    Ganda ng kulay nito!

    Tulad ng sabi nila: Better late than never! Kahapon nakakita ako ng pang-kontribusyon para sa ating tema ngayong liggo.
    Tito Eric´s last [type] ..Baji Through the Fire: All women art exhibit

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge