LP 190: Madami
February 23, 2012 by Lino
Filed under LP entries
panagbenga
Magandang araw mga kasama, narito ang ating tema para sa linggong ito, ‘madami’ (plenty).
Narito ang kuha ng maraming tao na dumadalo sa pagdiriwang ng panagbenga festival ng lungsod ng baguio tuwing buwan ng pebrero. Hindi nababawasan ang dami ng tao na dumadalo sa baguio para sa panagbenga, bagkus ay dumarami pa. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang na ginaganap sa lungosd ng baguio.



Hindi pa naman naranasan ang makapasyal sa Panagbenga, I’m sure masaya at makulay ang selebrasyon diyan.
Narito ang aking entry sa madami:
http://greenbucks.info/2012/02/23/kandila-at-dasal/
Grabe ang daming tao! Gusto ko din pumunta sa Bagiuo and maranasan ang panagbenga kaso walang panahon…pero tlgang ang ganda ng inyong entry sa linggo ito ,. makulay at masaya
Eto naman ang aking cute na entry
http://www.sciab.com/2012/02/lp-plenty-madami.html
Eds´s last [type] ..LP : Plenty ( Madami )
Ang ganda namn ng kuha na ito … sa ibabaw ng isang float! Kakatuwa pala ang ganitong perspective.
Tito Eric´s last [type] ..Lechon
wow… ang ganda ng shot mo na ito. at ang dami pala ng nakiki saya sa Baguio during the Panagbenga – may counterpart yan sa Belgium.. which happens every two years.. the Flower carpet sa Grand Palace sa Brussels… pero uncomparable ang dalawang flower festivals. Iba pa rin mag celelebrate ang Pinoy.
Plenty/Madami entry ko naman ito http://www.hannahlou.de/tweethumbsup/?p=1812 for this week.
Happy LP posting!
oh, the purple orchids are beautiful!
i’ve been to 3 Panagbengas…ayoko na, sa dami ng tao. ang hirap maghanap ng makainan.:p
Luna Miranda´s last [type] ..By the bay/Watery Wednesday
thanks mam julie, dito nagsimula ang hilig ko magshoot ng festivals, yung unang experience ko sa panagbenga, ever since that day, nahiligan ko na magshoot ng festivals.
salamat eds, this coming weekend ang panagbenga sa tin sa baguio… pwede ka pa humabol, kaso wala ka ng makukuhang hotel… sa dami ng tao…
salamat tito eric, actually nasa ibabaw ako ng bakod ng session, yung pinakagitnang harang sa kalsada, tyinempuhan ko na nasa loob ng arko yung crowd before i took the shot.
salamat missP, sana minsan mapicturan ko rin dyan sa belgium, hehehe
hahaha, tama ka dun luna, pero makakahanp ka rin, tyagaan lang… hehe
narito pa ang isang “madami” sa blog ko… ang madaming banga…
http://linophotography.com/lp-madami/
Lino dyan ako bilib sa iyo, kahit nakalambitan ka kung saan-saan, galing pa rin talaga ng mga kuha mo! Nung nandyan ako last year, fiesta sa San Juan, natakot ako sa dami ng tao, imbes na mag photoshoot, nagkulong na lang sa bahay lol!
Happy LP po!
Thess´s last [type] ..O kay dami nyo’ng mga….. (LP 190: madami)
naku, ganyan pala kadaming tao sa pyestang yan. Gusto ko sanang pumunta..galing ng kuha! maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy# Plenty (Madami)