LP 184: Balak (plan)
January 12, 2012 by T
Filed under General, LP entries
Marami ako’ng kilalang tao na kung tatanungin mo kung anong trabahong-bahay ay pinaka ayaw nilang gawin ay…tadah! ang sagot ay, pamamalantsa! Bakit nga ba? Bukod sa paglalaba, pamamalantsa na yata ang nasa numero uno (na ayaw gawin) sa listahan ng nakakarami.
Naiintindihan ko naman kung bakit, lalo na kung sa isang bansang napakainit ng panahon, tiyak na tatagatak ang pawis mo habang ginagawa ito, hindi ba? Kaya naman marami sa atin ay kailangan pang planuhin ang araw ng pamamalantsa, kumbaga ay kailangan nasa mood ka bago hawakan ang plantsa
Ikaw, pinaplano mo rin ba ang araw ng pamamalansta mo?
Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!



Hindi kasi ako namamalantsa sa bahay, hehe. Ang ayaw kong gawin ay maglinis ng CR, akshuli =) Mamamalantsa nalang ako kasi iyon ang gawin ko.
Ako’y nagbabalik! =)
Welcome back, Iris!
Ako naman ay okay lang maglinis ng cr, para sure ko na malinis talaga pati kasilyas
ako rin, pinaka-ayaw ko ang mamalantsa. maligayan araw ng LP!
kayni´s last [type] ..LP: Balak (Plan)
Ok lang sa akin mamalancha, basta may tv sa harap ko
Happy LP sa inyo!
Thess´s last [type] ..Hindi PLAN(ad)O (LP 184 Balak or plan)
Hello mga ka-LP naku tagal ko ng hindi nakakasali pasensya na. habol ako.
napatitig ako dun sa larawan baka mali ang tingin ko at hindi cya plantsa. ang ganda ng kulay – red hehehe. ayoko din nya wala akong tyaga lalo na pag mahirap unatin yung damit hahaha.
Sali ka na ulit! Ako rin tagal kong hindi nakapag-post. Ngayon lang ulit =)
I second Ms.Iris, sali lang ulit
magpapala nalang ako ng snow keysa mamalantsa hahaha…
ganda naman ng kuha..maligayang LP!