LP 178: Advent (Pagdating)
December 1, 2011 by Beng
Filed under General, LP entries
Una sa lahat, gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa inyo kong paminsan-minsan ay may Ingles kayong mababasa sa lahok kong ito. May mga bagay kasi na hindi maisalin sa salita natin, kaya pasensiya na. Dekorasyon Pang Advent o Dekorasyon Para Sa Pagdating ang tema natin sa linggong ito. Ano ba talaga ang Advent? Ang katagang ito ay hindi ko narinig noong ako ay nasa atin pa. Basta’t ang alam ko ay Pasko at ang simbang gabi o misa de gallo. Ang “advent” kung isalin sa Tagalog ay “pagdating”. Ang pinagtutuonan ng pansin sa advent ay ang pagdiriwang sa pagdating ni Hesus. At ang advent (pagdating) ay nagsisimula tuwing ika apat na linggo bago sa ika 25 ng Disyembre.
Ang litratong lahok ko ay…
Ang dekorasyon o simbolo ng advent (pagdating) ay ang wreath o korona na mayroong apat na kandila. Ang bilog na korona ay kumakatawan sa isang katunayan na ang Diyos at ang kanyang pagmamahal sa atin ay walang hangganan. Ang kahulugan naman ng mga evergreen twigs ay para sa walang hanggang buhay. At ang apat na kandila ay kumakatawan na si Kristo ang liwanag o ilaw ng mundo. Ang mga kandila na ito ay iniilawan sa una, ikalawa, ikatatlo at ika-apat na linggo ng pagdating.
Maligayang araw, maligayang Pagdating at maligayang LP sa inyong lahat!


