LP 180: Kapit (to hold, to grasp)

December 15, 2011 by  
Filed under General, LP entries

May mga bagay sa ating buhay na sa tindi ng pagbibigay halaga ay talagang kinakapitan natin…ng mahigpit. Maaring ito ay mga bagay na ating nakikita at nahahaplos tulad ng mga materyal na bagay sa ating paligid AT maari din namang mga bagay na hindi man lang natin naamoy bagkus ay ating nararamdaman (emosyon) tulad ng pag-ibig o minsan ay galit din.

Ikaw ba, anong bagay sa iyong paligid ang matindi mo’ng kapitan? May mga emosyon ka din ba’ng hindi mapakawalan?

Magandang araw ng Litratong Pinoy sa inyong lahat mga kasama! Huwag po kayong mag-aalala na konti lamang tayo sa mga panahong ito. Kanya-kanyang pagka busy lang talaga ang marami sa atin.

« Previous PageNext Page »