Bagong Litratong Pinoy co-host!
November 2, 2011 by T
Filed under General, News & Updates
Opo, tama ang nabasa ninyong titulo. May bago po tayong Litratong Pinoy co-host magmula sa Huwebes na ito!

Siya po ay si BENG C. Hafner ng LUKARET.com . Hindi po siya propesyonal na potograpo bagkus ay hilig lamang po niya ang potograpiya. Isa po siyang propesyonal na web designer at kilalang namamahagi ng kanyang mga disenyo hindi lamang sa mga bloggers kundi sa iba’t ibang kumpanya at online stores. Malamang ang iba po sa inyo ay kilalang kilala na sya.
Atin pong inanyayahan si Beng na maging isa sa ating co-hosts dito sa ating grupo dahilan din po sa kanyang angking talento sa pagkuha ng mga litrato (bukod sa pagluluto na sabi nga ng iba na nakakakita sa litrato ng kanyang mga niluluto ay : “picture pa lang, ulam na!” ) Dito po natin ipapamalas na hindi kailangang maging isang propesyonal upang makakuha ng magagandang litrato.
BENG, maraming salamat sa pagbibigay unlak mo sa aming paanyaya, welcome sa team L.P.!
Antabayanan po ninyo ang kanyang kauna-unahang L.P. entry sa Huwebes na ito, dito po sa Litratong Pinoy. Imbitahan na ninyo lahat ng kamag-anak, kaibigan, ka Facebook, ka-twitter at kahit sino pang mahilig sa potograpiya na sumali.
Kitakits po tayo ngayong Huwebes!

