LP 174: Sementeryo (cemetery)
November 3, 2011 by Beng
Filed under General, LP entries
Magandang araw sa inyong lahat! Bago ako magsimula, gusto ko munang ipaabot sa inyo ang aking taos pusong pagpasalamat sa inyong pag-anyaya sa akin na sumali dito sa Litratong Pinoy. Lubos kong ikinagalak ang mapasali sa inyo. Maraming-maraning salamat ulit LP!
Ang linggong ito ang simula ng aking pagsali at ito po ang aking unang bahagi sa Litratong Pinoy sa temang “Sementeryo”.
Lahat sa mundong ito ay may katapusan o hangganan. Ang buhay ay parang isang mahabang paglalakbay lamang at ang ating huling destinasyon ay ang ating magiging libingan. Libingan…ang ating kahuli-hulihang himlayan.


