LP 175: Gulong (wheel)

November 10, 2011 by  
Filed under General, LP entries

 

“Para ka namang unggoy na bata ka at nakasabit ka sa gulong na yan!” -wika ng isang ina na may halong konting pagbibiro sa kanyang makulit na anak habang ito nakasabit sa isang lumang gulong na nakatali sa puno na nagsisilbing duyan.

Tama nga naman si nanay! Hayan ang katunayan. Unggoy sa isang gulong. Sya naman ay maayos na nakaupo lamang. Pero gaya ng batang paslit, ang gulong na yan ay kanyang palaruan din.

Naging isang ‘unggoy’ ka din ba noong bata ka pa? :D

Oras na naman ng isang pagsasalo dito sa ating grupo. Isang mapayapa at masayang araw ng Huwebes-Litratong Pinoy sa inyong lahat, mga kasama!

 

« Previous PageNext Page »