LP 176: Basahan o Pamunas (rag)
November 16, 2011 by Beng
Filed under LP entries
BASAHAN O PAMUNAS
Naalala ko noong bata pa ako, lagi akong napapagalitan ni Mama. Ang hilig-hilig ko kasing maglaro sa labas kasama ang iba pang mga bata. Tuwing uwi ko nang bahay, agad sabi ni Mama na mukha daw akong basahan, kaya kailangan kong maligo at magbihis. Nagmukhang basahan? Ang tanong ko noon sa sarili ko, dahil hindi ko ito talaga naintindihan.
Basahan, may iba’t-ibang uri nito, lalo na ngayon. May basahang pampunas lang sa telebisyon o desktop, basahang pangtuyo ng mga pinggan o di kaya basahang pang bintana lang at iba pa. Pampunas ng sahig ang naisipan kong kuhanan ng litrato, ito kasi ang nagpaala-ala sa akin sa sinabi ng aking ina noon “para kang basahan anak”. Mukha pala akong inilampaso sa sahig sa sobrang dungis ko noon.


