LP 175: Gulong (wheel)
November 10, 2011 by T
Filed under General, LP entries
“Para ka namang unggoy na bata ka at nakasabit ka sa gulong na yan!” -wika ng isang ina na may halong konting pagbibiro sa kanyang makulit na anak habang ito nakasabit sa isang lumang gulong na nakatali sa puno na nagsisilbing duyan.
Tama nga naman si nanay! Hayan ang katunayan. Unggoy sa isang gulong. Sya naman ay maayos na nakaupo lamang. Pero gaya ng batang paslit, ang gulong na yan ay kanyang palaruan din.
Naging isang ‘unggoy’ ka din ba noong bata ka pa?
Oras na naman ng isang pagsasalo dito sa ating grupo. Isang mapayapa at masayang araw ng Huwebes-Litratong Pinoy sa inyong lahat, mga kasama!



Alam mo, ganoon kami noong mga bata pa, ginawa namin yun, parang duyan…
Ako man (noon) ay isang batang unggoy, lol!
Happy LP!
Thess´s last [type] ..Pagulong-gulong na mga gulong! (LP 175: Gulong /wheels)
Oo ginawa namin yang duyan ^_^
Gulong/Wheel
Ang cute cute naman ng ungoy na yan at kamukha ko pa. Hehehe! I remember, nung bata pa ako…ang ganyang gulong ay ginawang lagayan ng pagkain ng aming mga baboy
.
Masaya akong sumasakay jan nung bata ako!
masarap din siguro maghingutuhan! lol
Ay naku, magka-vibes kami ng unggoy kung ganuon kasi mahilig din akong maglaro sa ganyan noon. maligayang LP!
Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy#160 Gulong (Wheel)
Naranasan ko din yan sa probinsya, duyan na gawa sa gulong!
Gulong
salbabida ko yan nung bata pa ako…