LP 177: Sulat-kamay (hand-written)
November 24, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Ang ating pagsubok sa Huwebes na ito ay ‘Sulat-kamay’. Sa kawalan ng maisip ilahok ay itong manika na ito ang napagdiskitahan na isama sa larawan.
At sa sobrang pagmamadali dahil din sa kawalan ng panahon ay mapapansin ninyo ang ilan sa mali sa pagkakakuha ng litratong ito.
- Saan nakatapat ang ilaw na dapat ay sa kapirasong papel itinapat?
- Tuwid ba ang manika?
- Saan nakatutok ang camera nang ito ay kunan?
- Ano pa po ang nakikita ninyong hindi tama?
Sali na po kayo! Hindi kinakailangang propesyonal kang litratista para lamang sumali sa Litratong Pinoy. Narito po tayo upang matuto sa isa’t isa at magkaroon ng kasiyahan sa larangan ng pagkuha ng larawan!
Magandang araw ng L.P. po sa inyong lahat at sa mga kasapi po natin na naninirahan sa bansang Amerika, Happy Thanksgiving po sa inyong lahat!


