LP 172: Mapait (bitter)
October 20, 2011 by Lino
Filed under LP entries
mapait na katotohanan
Magandang araw mga kasama, narito ang aking bahagi para sa ating tema ngayong buong linggo, “Mapait”(bitter).
Sa araw araw nating pamumuhay, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang hinaharap na suliranin sa buhay. Ang sa iba ay tungkol sa pinansiyal, yung sa iba ay sa relasyon, yung sa iba naman ay maaaring ukol sa kanilang trabaho. Pero di maikakaila na ang bawat tao dito sa mundo ay may sariling problemang hinaharap, at yan ang isang mapait na katotohanan.
Magandang araw ng huwebes.


