LP 173: Matamis (sweet)

October 27, 2011 by  
Filed under General, LP entries

 

Isang magandang araw ng Huwebes sa inyo, mga kasama! Araw ng naman po ng Litratong Pinoy at opo, narito pa rin tayo kahit na medyo marami po sa ating mga kasama ang hindi napapadalaw sa atin pero ganoon po talaga, nagiging busy tayo sa ating mga buhay. Ganunpaman, patuloy pa rin po ang ating munting grupo, hanggang may dumadalaw at sumasali pa rin ay sisikapin po namin na mayroong ‘Litratong Pinoy’ na inyong madadalaw upang maipakita ang inyong mga larawan sa kapwa litratista. Kaya’t umpisahan na natin!

Matamis (sweet). Hindi makakain. Hindi gawa sa asukal. Hindi rin panghimagas (dessert) ang ating ipinapamalas sa temang ito kundi ang tamis ng ngiti.

Kung may makakasalubong ka’ng tao sa kalye na hindi mo kilala subalit ito ay ngumiti sa iyo, hindi ba’t nakakaaliwalas ito sa iyong pakiramdam? Lalo na kung ang ngiting iyong makakamtan ay matamis katulad ng ngiti ng binibini sa larawang ito! Tiyak na mapapangiti ka pabalik, hindi ba? :)

Hindi mahirap ang ngumiti! Puno man ng problema halina’t tayo ay ngumiti sapagkat tiyak may ilang tao ka’ng mapapangiti at mapapagaan ang kalooban! :)

PAUNAWA: Magkakaroon po tayo ng anunsiyo sa darating na araw kaya’t huwag po ninyong kalimutang ‘dumaan’ muli dito. Maraming salamat po.

Next Page »