LP 167: Maliit
September 15, 2011 by R
Filed under LP entries

Maliliit man silang tignan kapag nasa himpapawid ay tunay naman silang malalaki kapag nasa iyong harapan na. Hindi ba at tulad din sila ng ating mga problema at pagsubok na malimit ay nakapanglulula. Ngunit kung tayo lamang ay aatras upang makita ang kabuuan ng sitwasyon ay ating mapapansin na may mas marami pang magagandang bagay na higit na malaki sa ating mga suliranin.

