LP 157: Liwanag (bright, clear)
July 7, 2011 by R
Filed under LP entries

Ang Burgos Lighthouse ay matatagpuan sa Ilocos Norte at itinayo noong panahon pa ng Kastila. Ito ay unang nagbigay liwanag noong Marso 30, 1892 sa mga galleon na naglalayag sa Cape Bojeador. Matapos ang mahigit isandaang taon, patuloy na gumagabay ang parola na ito sa mga sasakyang pandagat na naglalakbay sa northwestern most na bahagi ng Pilipinas.
Maligayang Huwebes mga ka LP.

