LP 158: Mapanglaw (sad, melancholic)

July 14, 2011 by  
Filed under Photo Tips

Bata man ay may ine-emote din. ^^ Nakakainggit lang dahil ang kanilang mga pinoproblema ay mas madaling solusyunan kumpara sa ating iniinda. Magka-iba man ang tindi, pareho naman tayo ng hinahangad. Solusyon. Pasasaan ba ay makakamtan din natin ito. Huwag lamang tayong mawawalan ng pag-asa.

Isang Huwebes na pawi ang lungkot ang hangad ko para sa inyong lahat.

Comments

6 Responses to “LP 158: Mapanglaw (sad, melancholic)”
  1. ian says:

    tumpak ang iyong tinuran: lahat may pinagdaraanan, lahat may pinanggagalingan, lahat may patutunguhan. walang may solong kargo sa lahat nang pasakit ng mundo. lahat may binabata. ang kaibahan lang sa may iba’t ibang krus ay kung papaano natin ito pinapasan at tinatanggap…
    ian´s last [type] ..Litratong Pinoy: MAPANGLAW (Melancholic)

  2. Marites says:

    Oo nga naman, lahat ay may pinagdadaanan at may kanya-kanyang pasan. ang ganda ng kuha! gustung-gusto ko..
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy#145 Mapanglaw (Sad, Melancholy)

  3. kayni says:

    mukhang malalim ang iniisip ng batang ito. ang ganda ng pagkakuha mo at nababagay ang black and white sa litratong ito.
    kayni´s last [type] ..LP: Mapanglaw (Sad)

  4. Luna Miranda says:

    bagay ang b & w sa theme ngayong linggo. mukhang na-indian ang batang ito kaya malungkot sya.:p
    Luna Miranda´s last [type] ..Melancholic [Mapanglaw]

  5. lino says:

    ganda ng photo… all the elements seem to fall in the right places… the window na inupuan nya na nagsilbing frame nya… yung texture nung wall, may part na kita yung hallowblocks at may portion na sementado, at yung vandalism ng pangalan na Elaine…i like it… lumabas ang pagiging judge ko… hahahahaha…

  6. Kim, USA says:

    Naku alala ko ang pamangkin kung lalaki dito sa picture na ito. Now I missed him.

    Litratong Pinoy
    Kim, USA´s last [type] ..Litratong Pinoy: Sad/Mapanglaw

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge