LP 151: Liwasan (park)

May 26, 2011 by  
Filed under General, LP entries

Isang araw, malapit ng mag-takip-silim nang magkayayaan kami ng aking mister na dalhin ang aming aso sa liwasang malapit lamang sa aming bahay. Maaliwalas, malinis, maluwag at mapayapa sa liwasan o parkeng ito kaya naman talagang masarap ‘magpahangin’ dito o maglakad-lakad.

Laking tuwa ko ng  siya ay nakita ko sa isang tahimik na parte ng liwasan. Malimit ko din makita ang babaeng ito hindi lamang sa lugar na ito kundi madalas din siyang maglalagi sa ‘shopping mall’ na malapit din sa aming bahay. Doon ay kumukuha sya ng mga kliyente na nagnanais na maipinta ang kanilang mga mukha sa kanyang canvas, syempre ay may bayad.

Maaring ang kanyang ipinipinta ng hapong iyon ay kanya ding ibebenta. Bakit hindi, di ba? Kung makakatulong sa kanya ang  kinikita para masustentuhan ang kanyang hilig sa pagpipinta.

Mula sa malayo ko lamang siya kinuhanan ng litrato, syempre ay nagpaalam muna ako sa kanya kung maari ko itong gawin. Ayoko syang maistorbo sa kanyang konsentrasyon. Ang ganda ng kanyang ‘studio’ ano? :)

Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!

Comments

15 Responses to “LP 151: Liwasan (park)”
  1. kayni says:

    ang galing ng pagkakuha mo nito, poetic ang dating – ang pintor sa liwasan.

    maligayang araw ng LP sa’yo rin!
    kayni´s last [type] ..LP- Liwasan Park

  2. Mirage says:

    Love this, pintor sa larawan! Maaring nagpipinta din sya ng isang pintor sa kanyang obra :D infinity….

  3. Beautiful scene. I am very appreciative to this people who can make money with their talent. Great job on this one!

    Park

  4. Thess says:

    Thanks for liking it :)

    Happy LP everyone!
    Thess´s last [type] ..Si Gizmo sa liwasan LP 151

  5. emarene says:

    Wow naman, parang Renoir ang dating ♥! Type ko talaga ang liwasan pag tahimik at kasing ganda nito.

    Eto naman lahok ko http://thisrandomness.blogspot.com/2011/05/litratong-pinoy-liwasan-park.html

  6. Marites says:

    parang painting ang litrato at ang ganda naman ng lugar. maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy137 Liwasan Park

  7. vernonvan says:

    Miles Square Park – Regional Park
    http://blog.vernonvan.com/?p=282

    —–

    Wow, Nice picture. Happy LP

  8. yeye says:

    bibihira na lang akong makakita ng pintor na tumatambay sa park. hehehe.kaya siguro mamamangha ako pag nakakita ako ng ganyan. heheh :)

    happy LP sa lahat :)
    yeye´s last [type] ..LP 151 – Park

  9. Arlene says:

    I wish i can take a photo like that. napaka green ang lugar na yan. Gusto ko maglakad dyan.

    Btw, meron akong lahok sa linggo na ito and i hope mabisita nyo.

    Happy LP!

  10. TheOzSys says:

    Ang ganda ng konsepto – parang portrait within a portrait :)

    Pasyalan ang aking liwasan dito:

    http://theozsys.com/2011/05/26/lp-151-liwasan-park/

    Happy LP sa lahat!
    TheOzSys´s last [type] ..Quiet Space

  11. Jenn says:

    Napakagandang lugar para kumuha ng inspirasyon.

    Ang aking lahok:
    http://shutterhappyjenn.blogspot.com/2011/05/paco-park-cemetery.html
    Jenn´s last [type] ..Litratong Pinoy Liwasan Park

  12. Nick says:

    Ang ganda ng lugar… maaliwalas.
    Nick´s last [type] ..LP151- Liwasan sa may dagat Park by the beach

  13. Iris says:

    Aba pwede mo palang isali to sa 100 Strangers project (flickr)! =)

  14. Jezreel says:

    Ganda naman nang lugar na yan at mukhang tahimik pa. Sana madaming ganyan na lugar Pilipinas, walng ka basura2x. Sana maka pag post ka pa nang madaming litrato na ganyan, para makita nang iba kaano kaganda dito sa atin.
    Jezreel´s last [type] ..female psychology loophole 3 questions

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge