May 262011
 

Isang araw, malapit ng mag-takip-silim nang magkayayaan kami ng aking mister na dalhin ang aming aso sa liwasang malapit lamang sa aming bahay. Maaliwalas, malinis, maluwag at mapayapa sa liwasan o parkeng ito kaya naman talagang masarap ‘magpahangin’ dito o maglakad-lakad.

Laking tuwa ko ng  siya ay nakita ko sa isang tahimik na parte ng liwasan. Malimit ko din makita ang babaeng ito hindi lamang sa lugar na ito kundi madalas din siyang maglalagi sa ‘shopping mall’ na malapit din sa aming bahay. Doon ay kumukuha sya ng mga kliyente na nagnanais na maipinta ang kanilang mga mukha sa kanyang canvas, syempre ay may bayad.

Maaring ang kanyang ipinipinta ng hapong iyon ay kanya ding ibebenta. Bakit hindi, di ba? Kung makakatulong sa kanya ang  kinikita para masustentuhan ang kanyang hilig sa pagpipinta.

Mula sa malayo ko lamang siya kinuhanan ng litrato, syempre ay nagpaalam muna ako sa kanya kung maari ko itong gawin. Ayoko syang maistorbo sa kanyang konsentrasyon. Ang ganda ng kanyang ‘studio’ ano? :)

Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!

May 192011
 

Marami na kaming naging alagang aso ngunit hindi ko sila maituring na aking alagang hayop dahil hindi naman talaga ako ang nag-aalaga sa kanila. Ngunit ang flowerhorn na ito (na tinawag kong Tolits) ay masasabi kong tunay na aking alagang hayop dahil ako ang naglilinis ng tangke at nagpapakain dito.

Isa sa mahirap na parte ng pag-aalaga ay kapag nagkaroon sila ng karamdaman. Kagaya ni Tolits na nagkaroon ng gall bladder problem na naging dahilan kung bakit hindi sya makalangoy ng maayos na kinalaunan ay naging dahilan din ng kanyang pagpanaw.

Maging masaya nawa ang inyong mga Huwebes kapiling ang inyong mga alagang hayop.

 Posted by at 00:00
May 122011
 

ang mekaniko ng makina

Maganda araw mga kalitratista, narito po ang larawan ng isang mekaniko habang sya’y may inaayos sa makina ng isang sasakyan, kuha po ito sa isang transportshow noong nakaraang taon.  Ito rin po ay isa sa finalist sa photo contest noong panahong iyon.

Happy thursday mga ka LP!