LP 146: Freestyle…kahit ano!
April 7, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Sa pagseselbra ng ating ika 3 Anibersaryo, wala po tayong tema ngayong Huwebes na ito, bagkus ay kahit anong klaseng litrato ay maari po ninyong ipamahagi. Bago po tayo magpatuloy, dinalaw nyo na po ba ang ating 3rd Anniversary post? Naku kung hindi pa po ay dalawin nyo muna at mayroon tayong espesyal na panauhin, isa pong propesyonal na potograpo at kilala sa larangan ng moda (fashion) sa ating bansa!
Isa pa pong nais naming ipahatid sa inyo, ang team L.P. ay nagbabalak ng isang EB sa darating na Hunyo! Kaya kung may mga suhestyon po kayo ay aming nais malaman, syempre po ay mas masaya kung lahat tayo ay sama-samang mag plano sa taunang pagtitipon na ito, hindi po ba? Pag-isipan po ninyong maige at sa susunod na ‘post’ ay magkakaroon po tayo ng poll ukol dito.
Narito na! Ang ‘Freestyle’ entry ng inyong lingkod. Ang pangalawang lalaki sa aking buhay (una po si mister syempre, lol!) ito po ay si……(kung kilala nyo ako ay tiyak kilala nyo sya
)
Kanina ko lamang kinunan ng litrato ang lalaking ito. Busy ako sa loob ng bahay subalit nang dahil sa sumisikat ang araw ay hindi nya ako tinigilan (sa pamamagitan ng super lagkit na titig!) hangga’t hindi ko sya inilalabas sa likod bahay upang maglaro. Ang nakakatuwa ay ayaw nya’ng mag-isa siya sa hardin, kailangan ay kasama ako at pinapanood ko siya maglaro! Maniwala kayo o hindi ay halos lahat ng kakilala ko na may alagang aso o pusa ay ganito rin ang problema..kailangang kasama sila kapag nasa hardin ang mga alaga. Kapag pumasok na ako sa bahay ay susunod sya at tititigan na naman ako. Kahit nakatalikod ako sa kanya ay damang dama ko ay 2 mata na nakatitig sa batok ko! LOL!
Bakasyon po tayo sa susunod na 2 Huwebes mga kasama. Pero kung may oras po kayo ay sumilip-silip po kayo upang ‘mapag-usapan ‘ natin ang ating EB . Maraming salamat at isang masayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat, mabuhay po kayo!!


