LP 147: Kalye

April 28, 2011 by  
Filed under General, LP entries

Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat mga kasama! Maligayang pagbabalik sa ating lahat matapos ang ilang linggong pamamahinga. Narito na naman tayo at sama-sama sa ating munting kasayahan. Handa na ba kayong ibahagi sa amin ang inyong KALSADA?!

Sa panahon ngayon, panatag pa rin ba ang iyong kalooban na mag-isang lumakad pagdating ng takip silim sa inyong mga kalsada? Maaring iba sa inyo ay OO ang sagot, ang iba naman ay HINDI.

Mayroon pa bang ‘safe’ na lugar?

Ikaw, ano sa palagay mo?

Magandang araw ng LITRATONG PINOY po sa inyong lahat!

Comments

16 Responses to “LP 147: Kalye”
  1. kayni says:

    ang ganda ang pagkakuha ng mga street lights.

    sa aking palagay, siguro meron pa rin ang mga safe na lugar. pero bihira akong lumalabas kapag gabi na.

    magandang araw ng LP din sa’yo. here’s my entry: http://kayniscornercafe.blogspot.com/2011/04/lp-kalye-street_27.html

  2. Iris says:

    Sa Sg ka lang yata makakapaglakad ng safe sa kalye ng gabi. Dito, wala na talaga.

    Welcome back din! =)
    Iris´s last [type] ..kalye to forever

  3. Mirage says:

    @Iris: Dito din safe pa sa gabi :) Ibang daan ang tinahak ko ngayon, sana pala gabi, ang ganda ganda! Happy LP! Nice to be back!
    Mirage´s last [type] ..Road- Kalye

  4. Love the lights!! Mine is up.

    Kalsada/Street
    Manang Kim,usa´s last [type] ..Litratong Pinoy- Kalsada-Street

  5. emarene says:

    luv the contrast ng lights ♥ maganda ngang lang welcome!

    eto naman ang pang welcome ko.
    http://thisrandomness.blogspot.com/2011/04/litratong-pinoy-kalye-street.html
    emarene´s last [type] ..Litratong Pinoy – Kalye Street

  6. Thess says:

    Mayroon pa namang mga kalsada na ligtas para sa tao sa gabi. IRIS, tama ka sa SG ay safe na safe ang pakiramdam ko kahit abutin ng dilim sa mga kalsada!

    Happy LP sa inyong lahat!
    Thess´s last [type] ..Aso sa kalsada LP 147

  7. Dyes says:

    kayganda naman ng pagkakakuha! at mukhang tahimik ang iyong kalsada :) mukhang wala na ngang seguridad sa mga kapanahunan ngayon :)

    happy LP!
    Dyes´s last [type] ..LP- Dito Po Sa Amin

  8. Marites says:

    ganda naman ng kuha ng ilaw ng kalye. May mga ligtas pa rin namang kalye sa Pilipinas lalo na sa mga probinsiya. Lahat naman siguro nang lugar, may hindi ligtas na kalye. maligayang LP!
    Marites´s last [type] ..Litratong Pinoy133 Kalye Road

  9. Halie says:

    Marami pa rin namang lugar na safe, pero shempre kaunting ingat pa rin para makaiwas sa disgrasya.
    Halie´s last [type] ..Sa Kalsada

  10. lino says:

    pasensya na at late ako… hehehe.
    ganda ng night shot… :)

    narito ang aking bahagi sa temang “kalye”

    http://linophotography.com/lp-kalye/

  11. Dinah says:

    Ang ganda ng iyong kuha! Pero kahit anong ganda, sadyang nakakatakot pa rin kapag gabi, ano?

    Kalye

  12. marl says:

    ang ganda nga pagkakakuha nung ilaw.
    marl´s last [type] ..LP- Kalye

  13. Arlene says:

    Ako kahit matanda na ako, natatakot pa rin ako maglakad sa isang kalye na di masyado mailaw at tahimik at walang mga establismento sa malapit.

    Maganda pagkakuha ng lights.

    Heto entry ko para sa linggo na ito –

    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/

    Arlene

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge