LP 147: Kalye
April 28, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Magandang araw ng Huwebes sa inyong lahat mga kasama! Maligayang pagbabalik sa ating lahat matapos ang ilang linggong pamamahinga. Narito na naman tayo at sama-sama sa ating munting kasayahan. Handa na ba kayong ibahagi sa amin ang inyong KALSADA?!
Sa panahon ngayon, panatag pa rin ba ang iyong kalooban na mag-isang lumakad pagdating ng takip silim sa inyong mga kalsada? Maaring iba sa inyo ay OO ang sagot, ang iba naman ay HINDI.
Mayroon pa bang ‘safe’ na lugar?
Ikaw, ano sa palagay mo?
Magandang araw ng LITRATONG PINOY po sa inyong lahat!


