LP 143: Kulay Rosas
March 17, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Magandang araw ng Litratonbg Pinoy sa inyong lahat, mga nag-gagandahang kababaihan at nag gua-guapuhang mga ginoo ng L.P.! Pasensya na po kayo at medyo nahuli kami ng ilang minuto, napasarap po kami ng kwentuhan habang nag t- tea break lalo na at ang panulak po namin ay ang inyong nakikita.
Normal na mamon lamang po ito na may kulay rosas na fondat sa ibabaw! Isang piraso ay tamang tama sa isang tasang mainit na tsa-a o kape. Kaaya-aya po pagmasdan ano po? Girl na girl nga lang, pero hindi ibig sabihin nito ay babae lamang ang nasasarapan dito.
Halikayo, meron pa!



