Malabo ang mata. Yan ang resulta kapag walang suot na salamin!
Malayo at malapit, parehong may kalabuan na ang mga mata ng inyong lingkod. Kaya naman kinakailangan na ang tulong ng salamin sa mata o antipara upang makakita ng maayos. Mabuti na lang at digital na ang gamit nating mga camera, paano kung film camera pa rin? Masyadong magastos tiyak iiyak ang aking bulsa at sa inyo man!
Teka muna…..ALAM NYO BA?
Tayo po ay magdiriwang ng ating ika- 3 taong Anibersaryo sa darating na Abril 3! Sa Linggo (Sunday) na darating ay mayroon po tayong guest professional photographer kaya huwag ninyong kalilimutan na sumaglit at sumilip dito sa Linggo na darating!
Maligayang araw ng LITRATONG PINOY po sa inyong lahat! Kitakita tayo sa Linggo’ng darating!





