LP 137: Kaarawan
February 3, 2011 by T
Filed under General, LP entries
Sari-saring kulay ng kubyertos, sino ang may kaarawan?!
Hindi lamang lobo, pa-premyo sa mga palaro o regalo…kulay ng pagkain maging ng mga kubyertos ay nakakapag bigay gana at lalong saya sa kaarawan na ipinagdiriwang ng isang musmos. Sa araw ng kanyang kaarawan ay talagang kayod si nanay at tatay sa paghahanda ng kanyang ‘party’ dahil gusto nilang maging napakasaya nya sa araw na iyon.
Sinong paslit naman ang hindi magtatatalon sa tuwa makita lamang ang iba’t ibang kulay sa kanyang harapan sa kanyang ispesyal na araw? Kahit ang mga nakatatanda ay hindi maaaring hindi mapangiti sa magagandang kulay sa isang ‘children’s party ‘, hindi po ba?
Ah kay sarap maging musmos muli! Walang kasing ganda ang kulay ng paligid!
Maligayang kaarawan sa lahat ng nagdiriwang sa araw na ito! At Maligayang araw ng Litratong Pinoy po sa inyong lahat!


